Chapter 24:

6 2 0
                                    

Clent POV

Tumunog bigla ang phone ko na nasa bulsa ko, kaya muntik na akong mapatalon tarantado whaaaa naka vibrate pala ako. Kinuha ko agad yun at tiningnan ko yung caller, si sky lang pala ano na naman kaya kailangan nito? Wrong timing talaga haysss.

Iniwan ko muna yung pinsan na kasama ko , nagpaalam lang akong lumabas saglit atsaka sinagot yung tawag.

"Hey bat ka napataw--"
"PUMUNTA KA NGAYON SA BAHAY NI KYLE NGAYON DIN!!!"
Sigaw niya kabilang linya kaya nababa ko bigla phone ko, tarantado may balak atang maging bingi ako!!!

"Hoy di ako pwede ngayon tsaka wag mo nga ako sigaw sigaw--"

*Totttt*
*Tottt*

Wala pinatayan ba daw ako ng tawag, siraulo talaga yun kahit kailan. Napakamot nalang ako sa ulo tsaka napagdesisyonang umalis nalang sa lugar na yun. Bahala na itetext ko nalang siya mamaya.

Habang naglalakad ako at busy kakaselpon dahil ichachat ko na sana ang pinsan ko ng may makabunggo ako. Ayan kasi tatanga tanga di natingin sa dinadaanan.

"Hoy miss pwede bang tumingin ka naman sa dinadaanan mo?"
Nakapameywang na sabi ko. Nahulog kasi phone ko whaaaaa!!

"Excuse me mister? Ikaw tong hindi nakatingin sa dinadaanan mo tsaka pwede bang tumabi ka diyan nagmamadali ako"
Tumingin siya sakin habang nakataas ang isang kilay.

Well, sayang ganda niya kaso angtaray taray kaya pass.
"What the f--"
Di ko natapos sasabihin ko nga tinulak niya ako patabi at dumaan siya. Napatitig nalang ako sa likod niya, baliw na ata yun kakaasar naman!!!!

Kinuha ko yung phone ko huhuhuhu sinisira mo araw ko babae ka!! Pag talaga nakita kita ulit naku beblender kita!!! Nakanampucha naman ohhh!! Wala pang nakakaano sa isang Clent Jardin kaya humanda ka sakin!! Bwcttt!!!

Kier POV

Tumunog yung phone ko na nasa table, langya kitang natutulog yung tao eh. Sino ba tong tumatawag?
Kinuha ko yung phone na nasa table ng di tinitingnan ang caller at sinagot ko agad.

"HOY MR KIER VILLARUELLLL!!! ALAM KONG NATUTULOG KA NGAYON PERO PWEDE BANG PUMUNTA KA MUNA SA BAHAY NI KYLE MAY MAHALAGA TAYONG PAG UUSAPAN!!!"

Dahil sa gulat ko natapon ko yung phone ko kung saan saan at biglang napabangon. Putang*naa bat kasi di ko tiningnan yung caller? At ano naman gagawin ko sa bahay nila kyle? Haysst pag toh di importante mananagot ka sa pag iistorbo sakin sky.

Tamad akong bumangon , naligo at nagbihis na pagkatapos.
Ayusin mo talaga buhay mo sky, kundi mawawalan ka ng hininga g@gu ka.

"Manang pag uwi ni mom sabihin mo umalis ako"
"Opo sir"
"Good"
Pagkatapos nun lumabas na ako ng bahay.

Yung kotse dinala ko para safe ako, tinatamad ako gamitin motor ko eh. Habang nagmamaneho ako may nakita akong pigura ng isang babae na naglalakad.

Binuksan ko yung window ng kotse ko para i confirm kung sino.Lily?
Hininto ko yung kotse sa gilid niya kaya napatigil naman siya.

"K-kier?"
Utal na tanong niya at nilapit pa talaga mukha niya sa kotse ko para siguro siguraduhin kung ako ba yun.

"Yeah it's me, sakay kana dito saan kaba pupunta?"
Nahihiya naman siyang umiling.

"Wag na kaya ko naman na tsaka malapit lang naman dito pupuntahan ko."
Maglalakad na sana siya ng magsalita ako.

"I insist , kaya sakay or else magagalit ako sayo"
Pagkarinig niya nun bumalik naman agad siya.

"Cge na nga"
Nakangusong sabi niya tsaka pumasok sa kotse ko.

"Ituro mo lang sakin yung daan baka lumampas tayo"
Tumango lang siya sa sinabi ko.

Napatingin ako sakaniya, bat parang kinakabahan ata siya? Hinawakan ko kaya niya at nginitian siya.
"Kalma, bat parang namumutla ka?"

"A-ahh hindi masama lang pakiramdam ko"
Napatango nalang ako sa sinagot niya.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho, nung sinabi niya sakin na huminto. Huminto nalang rin ako.

"Dito mo nalang ako ibaba"
"Sure kang oky lang sayo na dito ka? Pwede naman kitang ihatid sa loob?"
At kailan kapa naging sweet kier? Wake up tss.

"Ah wag na dito nalang ako"
Lumabas nalang ako tsaka pinagbuksan siya ng pinto, nagulat naman siya sa ginawa ko. Di naba talaga kapani paniwala ginawa ko? Ket papano gentleman naman ako tssk.

Lumabas siya ng kotse tsaka ngumiti sakin.
"Thank you pala sa paghatid kier"
Kiniss niya ako sa pisngi, kaya nabigla ako. Di ako makagalaw, di ko namalayan na nakaalis na pala siya.

Pinagmasdan ko nalang ang likod niya mula rito, nakita kong may lumapit sakaniya na lalaki. Yan ba pinunta niya dito? Napairap nalang ako at pumasok sa loob ng kotse ko.

Baka mag aalburuto na naman si sky pag matagalan ako tss. Para pa namang babae yun.

Prince POV

Nagluluto ako ngayon ng biglang mag ring phone ko.
Tiningnan ko yung caller. Si sky lang pala ano na naman kailangan ng batang toh? Tss.

Sinagot ko yung tawag tsaka nagpatuloy sa ginagawa ko.
"HOY MR MORALES PUNTA KA DITO SA BAHAY NI KYLE AT MAY IMPORTANTE TAYONG PAG UUSAPAN"

Nagpasalamaat ako at malayo ako sa phone ko kundi matagal ko ng nabasag toh. Mamaya ka sakin sky pipilipitin ko leeg mo.

Tinapos ko muna mga ginagawa ko at bumalik sa phone ko.
"Wag ka sumigaw para kang babae tss"
Tapos nun pinatay ko na yun tawag.

Pumunta ako sa kwarto at nagbihis, syempre baka mangangamoy ako pag dederetso ako dun.

Pagkatpos ko magbihis, lumabas na ako ng bahay at nilocked yung pinto.

Tinawagan ko muna si lance ,para malaman niya kung nasan ako at para di na rin siya mag alala.

Nagmaneho na ako papunta sa bahay ni kyle.

FF.

Nagdoorbell ako ng tatlong beses, tagal naman magbukas nun. Mainipin pa naman ako tss, aalis na sana ako ng magbukas yung pinto.

"Wait sir prince, wag kana muna umalis naghihintay sila sa loob"
Habol sakin nung maid nila.

Napataas nalang ako sa kilay ko.
"Tagal niyo kasi magbukas nakakainip"
At dumeretso na ako papasok, di ko na hinintay na sumagot pa siya. Paki ko naman sa sagot niya.

Pagkapasok ko palang sinalubong agad ako ni sky.
"Bat moko pinapunta dito?"
Bungad ko agad sakaniya.

"Syempre para bro romance"
At humalaklak siya ng tawa, kaya nainis agad ako at binatukan siya.

"Aray lagi niyo nalang akong sinasaktan wala na tampo na ako sayo"
Paki ko naman kung magtampo ka.

~~~~~

To be continued...

Mother, Where Are You Now? (ONGOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang