Chapter 42: A ReasOn

6 2 0
                                    

Sky POV

Naglalakad ako pero parang di ko man lang maramdaman ang mga paa ko. Namalayan ko na nalang na nasa harap na ako ng chapel.

Pumasok ako sa loob tsaka umupo.
"Lord, ako nalang...ako nalang kunin niyo wag ang mga kaibigan ko pleasee maawa ka..para mo na rin akong pinapatay pag unti unti mo silang kukunin sakin..."
Pumikit ako, di ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Naramdaman kong may humahagod sa likod ko.
Bigla akong napamulat at tiningnan kong sino yun.
"Doc.."
Ngumiti siya sakin.

"Lahat ng bagay may rason, wag kang sumuko agad. Magiging ok din ang lahat"
Nakangiting sabi niya sakin at niyakap ako.

Di ko mapigilan ang pag iyak sa mga bisig niya.

"Ang sakit sakit lang kasi isipin yun doc. Iniisip ko palang na mawawala sila sakin di ko na kaya..."
Parang lalabas na ang puso ko sobrang sakit...

Elle POV (Ayan nagka pov nadin siya hahahhaha)

Di ko naman ginusto ang ganun eh, nung makita ko mukha nila kanina. Nagkaroon ako ng awa sa puso ko, alam kong selfish ako kasi ayoko na may kaagaw ako sa atensiyon ng daddy ko.

Pero nung makita ko sila na ganun ang itsura kanina parang nadudurog rin ang puso ko kaya iniwan ko nalang sila dun kahit na sugatan si rose.

Ayokong sa paningin nila ay weak ako, malalagot ako kay mommy pag ganun. Nung pag alis ko kanina, dinaanan ko room ni prince. Di ko alam nararmdaman ko basta naghahalo lang yun.

Andito ako ngayon sa tapat ng hospital kung nasaan sila. Tatayo na sana ako ng biglang tumunog yung phone ko.

Mico calling....

Ano na naman kailangan nito? Napataas ang kilay ko bago sinagot yung tawag.

"Ye--?"
"Alam mo naba ang balita?"
Bas2s talaga toh di man lang ako pinatapos tss.

"Hindi pa ano ba yun?"
Mataray na tanong ko namn sakaniya atsaka hinigop yung coffee na hawak ko.

"Nabaril si clent at nasa critical na kondisyon siya ngayon"
Pagkasabi niya nun bigla kong nabitawan ang hawak ko na cup, kaya dahilan eto ng pagkabasag.

"Joke ba yan?"
Ulit na tanong ko pero narinig kong napahinga siya ng malalim kaya alam kong totoo yun.

Actually matagal ko ng alam na traydor si tita gwen, na may galit siya sa dad ko. Pero nananahimik lang ako, di ko naman alam na hahantong sa ganito eh.

At nalaman ko din na may anak siya at si clent yun. Kakastalk ko sakanila, di ko namalayan na unti unti na pala akong nahuhulog sa anak niya. Pinipigilan ko naman pero di ko kaya eh.

Kaya gumawa ako ng paraan para mapalapit sakaniya at para mapansin niya na ako.

Pero bakit? Bakit na baril siya? Sino ang bumaril sakaniya? Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakialam.

Di ko nga napansin na di ko pa pala napatay ang tawag.
"Mis--"
Alam kong yung waiter yun kaya kumuha ako ng pera sa bag ko tsaka nilapag sa mesa nagulat naman siya dahil sobra sobra yung bayad ko pero wala ako pakialam.

Pagkatapos ko magbayad lumabas na ako sa coffee shop na yun. Nasa tapat na ako pero nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako.

Alam kong galit sila sakin, lalo na si lance at rose.
Please clent lumaban ka...

Kyle's POV

Andito ako ngayon sa labas ng ER inaasikaso na nila si clent. Kahit na galit ako sayo pero di ko padin maipagkaila na kaibigan kita kaya masakit parin sakin na nagkakaganyan ka.

Mother, Where Are You Now? (ONGOING)Where stories live. Discover now