Chapter 36: A Voice

7 2 0
                                    

Rose POV

Di ko alam saan siya pupunta basta ang alam ko lang kelangan ko siyang sundan. Tumayo ako handa ng umalis ng may humawak sa kamay ko.

"Saan ka pupunta?"
Tanong ni kyle.

"Susundan ko lang si lance baka mapano yun"
"Teka samahan na kita"
Tumayo rin siya at ngumiti sakin.

"Guyzz pwede bang kayo muna bahala dito? Hahanapin ko lang kapatid ko"
Malungkot naman silang tumango, wag muna kayong mag luksa mabubuhay pa kapatid ko. Sinisiguro ko yan.

Naglakad na ako paalis at hinanap si lance.
"Teka lang ang bilis mo naman maglakad"
Reklamo ng kasama ko tss, sino ba kasi may sabing samahan moko?

Inirapan ko lang siya.
"Alam ko na saan siya pupunta"
Napahinto ako sa sinabi niya at kumunot ang noo.

"Ehh sa tingin mo saan siya pupunta?"
"Halika nga"
HinawAkan niya kamay ko at hinila, Sheett bat ba hinahayaan ko siyang ganituhin ako? Wala pa akong hinahayaan na mag ganto sakin siya lang.

Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa chapel.
Binitawan na niya kamay ko tskaa tumingin sakin at parang sinasabi niya na pumasok ako.

Pumasok ako sa loob, at yun di nga kami nagkamali. Nakita ko si lance na umiiyak habang nagdadasal. Si heizel naman nakaupo lang dun alam kong anytime iiyak na din siya. Napasandal nalang ako sa pader na andun.

Napaiwas ako ng tingin ,di ko kaya na makitang ganun si lance. Ibang lance kasi ang nakilala ko, at ngayon ko lang nakita side niya na ganyan.

Lord, alam kong marami akong kasalanan sayo, marami akong pagkukulang. Di ako naniwala na andiyan ka, pero pleasee sana wag mong pababayaan kapatid ko. Sila lang meron sakin eh ayoko silang mawala... Pleasee....

Kyle's POV

Nanatili akong nakatingin sakaniya, sobrang nakakaawa mukha niya ngayon. Hinawakan ko kamay niya, napatingin naman siya sakin, nginitian ko siya.

"Wag ka mag alala didinggin niya panalangin mo, didinggin ka niya"
Dati din di ako naniwala na andiyan siya hanggang sa one day nagkasakit yung mom ko iyak na iyak ako nung time na yun, siya lang naiisip kong paraan para gumaling siya. Simula nun naniwala na ako na mayroon siya.

"Hoy"
Nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni rose.

"H-ha?"
"Ang sabi ko balik na tayo dun"
Napatingin ako kay lance at heizel tsaka tumango.

Habang naglalakad kami, nakita kong nag scroll scroll siya sa cellphone niya.

"Anong ginagawa mo?"
Di ko na maiwasang mapatanong.

Huminga siya ng malalim.
"Tinatry kong tawagan si elle, si mom, at si dad kaso kahit isa sa kanila walang sumagot."
Malungkot na sabi niya.

"Hayaan mo muna sila baka busy lang"
"Baka nga"
Tatango tangong sabi pa niya.

FF.

Nakarating na kami sa OR banda pero wala na sila run, ha? Saan sila? Nakita kong nagtaka rin si rose kung saan sila kaya nagtanong nalang kami sa nurse.

"Ahh miss saan po yung mga kaibigan namin tskaa yung lalaking inooperahan sa OR?"
Tanong ko sa nurse.

"Name po ng pasyente?"
Tanong nito samin.

"Ahh Mr Prince Morales po"
"Wait lang sir"
May tiningnan siya na kung ano ano tsaka bumaling samin.

"Nasa room 101 po siya"
Ngiting sabi niya, ngumiti nalang  din ako at nagpasalamat tsaka kami nag punta dun.

Mother, Where Are You Now? (ONGOING)Where stories live. Discover now