Chapter 9:Confession

7 2 0
                                    

Lance POV

Nakauwi na ako sa bahay nakalabadtrip naman kasi talaga si tita ehhhh!!!! L*tchee. Humiga ako sa sofa at pumikit,bakit ba di ka mawala sa isip ko? Bakit sa tuwing pipikit ako yung mukha mo agad nakikita ko, nakangiti, nakanguso at kahit anong anggulo pa sa mukha mo.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya napadilat ako.
“Wowww!! Dito na kayo tumira? Astig”

Nakita ko si prince at mica na kakapasok lang, mahahalata sa mukha niya na namamangha siya.
Sinulyapan ko si prince, ayun as usual nakapoker face parin.

Oo nga pala muntik ko ng makalimutan, napangisi ako at nilapitan siya.
“Ano yung kanina ha?”
Mapang asar akong ngumiti.

Abay ang loko sinulyapan lang ako saglit, grabe tong taong toh pinaglihi sa maniquin.

Napairap nalang ako.
“Woww nice talking ha ha ha ”
Padabog akong lumapit kay mica na nakaupo na ngayon sa kaninang hinihigaan ko.

“Si prince kasi ehhh”
Napanguso ako.

“Oh bakit napano si prince?”
Takang saad naman niya.

“Nakakainis ayaw magkwento jusko sa taong yun sarap isako”
Sarap na nga s*ak*lin eh kung di ko lang kapatid yun tss.

Nakita ko naman na nagbago agad ang timpla ng mukha niya. Kaya napataas agad ang kilay ko, nyare na naman sa babaeng toh?

“Ohh nyare sayo??”
“Wala uwi na pala ako, salamat sa time niyo, balik nalang ako next time”
Tumayo siya bigla.

“A-ahh ice alis na ako balik nalang ako next time”
Napatingin si prince samin habang may hawak hawak siya na libro. Tumango lang siya bilang tugon at binalik ulit tingin niya sa binabasa niya.

Naku nakung lalaking tohh wandat sisipain ko toh.
“Hoyyyy mic² hatid na kita”
Huli na , kasi nakalabas na siya eh kaya ayun sinundan ko siya.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko siyang huminto bigla. Umupo siya sa tabi tabi, tinago niya mukha niya sa dalawang tuhod.

Nilapitan ko siya, di siguro niya napansin na umupo ako sa tabi niya. Gumagalaw ulo niya, teka umiiyak na naman ba siya?

“Mica , are you okay?”
Hinawakan ko siya sa balikat.
Inangat niya ang ulo niya sabay talikod sakin. Pinunasan niya luha niya, sabi ko na nga ba eh umiiyak na naman siya.

“Ano ba nangyayare sayo?”
Niyakap na niya ako bigla, itong babaeng toh ang hilig hilig manyakap buti nalang gentleman ako hehehehhe.

“Bakit ba ganun? Ang manhid niya”
Akala ko family probs na naman sasabihin niya lablayp pala, jusko ang bata bata pa may ano ano na .

“Diba obvious na nagseselos ako? Na kaya ako nagtanong kasi umaasa ako na ako yun?”
Dagdag pa niya.

“Teka confused ako , sino ba yang pinapatamaan mo ah? Atsaka ang bata bata mo pa gumaganyan kana?”
Masungit na sabi ko.

Bumitaw siya sakin.
“I like him, i like prince a.k.a ice”
Nanlumo ako sa nalaman ko.

“G-Gusto mo si prince?”
Tumango lang siya at malungkot ang mukha.

“Kaso may iba siyang gusto”
Malungkot na saad pa niya.

Natahimik ako bigla.
“What if i told u that i like u mica?”

~~~~~

Mother, Where Are You Now? (ONGOING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora