02

113 24 8
                                    

YOU'RE WELCOME

***

"Kuya Cly, 'yong round po!"

Kakapasok ko lang sa studio at mga batang nakikilaro na kay Clayton ang bumungad sa akin. Suot-suot niya ang magaan na ngiti habang inaaliw ang mga bata. May dalawang bata pa na nakaupo sa hita niya habang 'yong isa naman ay nakatuko sa tuhod niya.

"Oy, si ate Lei, oh! Batiin niyo, dali!" Turo niya sa 'kin nang mapansin ako sa may entrance. Agad namang tumakbo papalapit sa 'kin iyong dalawang batang babae.

"Ate, practice na po tayo!" Pagyakap ng isang bata sa 'kin at nagtaas ng tingin sa 'kin.

"Hoy, excited ka. Wala pang nine," saad ng isa sa maliit na boses. Napangiti na lang ako sa pinagsasabi nila. Totoo nga 'yong sabi nilang nakakagaan ng loob ang mga bata.

Nagsimula kami sa workshop around 9am at natapos naman before noon para mag lunch break.

"Classmate!" Napatigil ako sa pagduduyan sa likod ng studio at lumingon sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. "Drinks, 'di ka yata kumuha kanina roon." Abot niya sa 'kin sa isang bottle ng juice at umupo sa kabilang duyan.

"Mayro'n pala?" tanong ko kahit obvious naman. Bigla akong napaiwas ng tingin sa kaniya nang magtama ang mga mata namin. His eyes were too playful to have a contact with mine.

"Oo, may free tayong mga trainer. Lahat nang foods, drinks at snacks na kailangan natin. Kagaya lang din kahapon."

"Wow, ha?" Napataas ako ng kilay bago binuksan ang bottle.

"Hah. Akin na nga!" Natatawa niyang kinuha ng marahan ang bottle at binuksan ito para sa 'kin. "You're welcome, classmate." Tss! Kaya ko naman mag-isa, eh! 'Tsaka anong classmate ba pinagsasabi niya?

"Nagkakita na ba tayo, Clayton?" Biglaan siyang napatigil sa paglalaro sa swing nang mapatanong ako.

"'Di mo pa ako nakita noon?" tanong niya pabalik. Lumingon ako sa kaniya at umiling. Hindi naman talaga. "Sigurado ka? Hindi mo pa ako nakita noon?"

"Hindi pa nga. Magtatanong ba ako kung oo?" Bahagya siyang natawa dahil sa sagot ko.

"Pilosopa, hindi ka naman ganiyan sa school." Umiling siya habang natatawa bago tumayo. "Tayo na."

"Ha?" Sinundan ko siya ng tingin nang umikot siya sa likod ko patungo sa kabilang gilid ko.

"Tayo na sa loob, mainit na rito." He gestured me to go inside using his chin. Akala ko kung ano na pinagsasabi niya.

"Ah, sige. Susunod na lang ako mamaya." Umiwas na agad ako ng tingin at napabuntong hininga.

"Okay." Hindi niya na ako pinilit at umuna na sa loob.

Days go by and he is the one who I could lean to with everything. I asked for help with Jessica sometimes but she's too busy. Malapit lang ang pwesto naming singing sa piano kaya siya ang nadali-dali kong natatawag. Piano talaga ang tinuturo niya, every break time nga lang ay nagp-play siya ng drums para pasayahin ang mga batang mahilig doon.

Okay, siya na ang maraming talent. Tss!

"Tubig," aniya at linagay ang bottled water na hindi gaano kalamig sa bukana ng bintana.

"You're welcome."

"Thank you." Ayan na naman siya sa nauunang sagot. "Paunahin mo 'ko." Nakanguso ko siyang tinignan na ikinatawa niya ng mahina.

"Sorry, dapat pala nauuna ang thank you." Natatawa niyang tinukod ang mga siko niya sa bintana.

"Maganda ang boses mo, Lei." Natigilan ako sa pagbukas ng water bottle sa sinabi niya. Unang beses ko siyang narinig na tinawag niya ako sa pangalan ko sa ganito kaseryosong tono.

"Bola." Ngumuso ako para itago ang ngiti. Agad namang namuo ang inis sa mukha niya.

"Totoo, akin na nga." Inagaw niya ulit sa ikalawang beses ang water bottle sa kamay ko.

"'Di ako nanghingi ng tulong. Kaya ko 'yan!" Aagawin ko na sana nang mabuksan niya na ito at agad linagay sa bintana na parang batang napapaso.

"You're welcome." Ngumiti siya sa 'kin at mahinang nagwave bago tumayo at umalis. Hindi ko agad natanggal ang tingin sa kaniya hanggang sa nakalayo na siya. Ano ba talagang trip no'n?

Ika-apat ko nang araw ngayon sa workshop at naging close na rin ako halos sa lahat na trainor. Hindi sila mahirap pakisamahan, intimidating ang mga mukha nila pero mabait naman pala sila kung makakausap mo na.

"Sister!" Salubong sa 'kin ni Einn. Nakasandal na naman ang mga siko niya sa maliit naming gate at hinihintay ako.

"Alis, bumabara ka sa daanan." Para naman siyang bata na umatras at tumingin sa 'kin.

"Kumusta?" Agad niyang kinuha ang bag ko nang makapasok na ako at inalalayan.

"Ayos lang lahat." Ngumiti ako habang iniisip ang mga mukha ng mga bata. "Bukas may mini concert para i-present ang natutunan nila, punta ka, ha?" Umupo ako sa sofa ng veranda at hinubad ang sandals.

"Sige ba, tignan natin anong results ng pagtuturo mo." Mahina niyang pinisil ang baba ko at umupo sa tabi ko 'tsaka menasahe ang magkabilang balikat ko. "May meryenda akong hinanda, kamote fries, gusto mo dalhan na lang kita rito?"

Napangiti ako ng magaan sa narinig ko. Sobrang ideal talaga 'tong kapatid ko, pinagluto na nga ako, with delivery at free massage pa!

"Sige, ba't tatanggi pa ako sa libreng delivery?" pabiro kong tanong na ikinatawa niya. Sinamaan niya ako ng tingin bago tumayo at pumasok sa loob.

Napatingin na lang ako sa langit na ngayo'y kulay kahil na, ganito kami noon ni Einn, nakaupo rito sa veranda at nagk-kwentuhan ng kahit anong bagay-bagay na pumapasok sa isip namin. Minsan uuwi siyang may dalang pagkain at pagsalohan namin dito sa labas, siya lang ang kaibigan ko simula noon.

"Food delivery." Napalingon ako sa may pinto nang maramdamang lumabas na ulit siya at may dalang plato na puno ng kamote fries, sa kabilang kamay naman ay mataas na baso na may lamang juice.

"May pa-juice pa si manong," pagbibiro ko na ikinasimangot niya, ngunit agad namang napalitan ng ngiti nang ilagay na niya sa maliit na 'mesa ang plato at baso.

"Kain ka na, rate mo one to ten." Pagturo niya sa kamote fries at kalamansi juice. Abot tainga ang ngiti ko at kumuha ng isang piraso ng kamote fries.

"20 over 10, sobrang sarap lalo na't paborito ko 'tong meryenda." Nakangiti akong lumingon sa kaniya at nakita ko naman ang saya sa mga mata niya. "'Wag kang umiyak, hindi pa ako professional na judge para tiwalaan mo." Natatawa ko siyang hinampas ng mahina sa balikat at kinuha ang baso ng juice 'tsaka ito ininuman.

"Oy! Iba yata timpla mo ngayon, ah!" Masaya ko ulit siyang binalingan na ikinagulat niya.

"Weh? Hindi ba masarap?" Kukunin na niya sana ang baso nang ilayo ko sa kaniya. "Patikim."

"Kumuha ka ng iyo, baka ubusin mo. Sarap pa naman." Hindi masyadong maasim, hindi rin masyadong matamis. May iba siyang lasa na hindi ko masabi, pero sa madaling salita, perpekto.

"Sus, nambobola ka na naman. Kreshly!" saad niya sa naasar na boses.

Magaan ko siyang tinignan bago sinandal sa balikat niya ang ulo ko. Walang ibang makakakompleto ng araw ko kun'di ang bardagulan naming magkapatid.

Bittersweet SummerWhere stories live. Discover now