03

111 26 9
                                    

Ilang linggo na ang lumipas pagkatapos no'ng concert ng music workshop. Ilang linggo na lang din at balik eskwela na. Kaya naman aalis kami ni Einn para magpa-enroll at mamalengke after.

We're now going to be in grade 11. He's taking HUMMS while I'm taking ABM.

"Ready na lahat? Tubig, payong, panyo, wipes, pamaypay--"

"Nandito na lahat nang kailangan ko. Teka anong pamaypay? Hindi tayo magtatagal do'n!" Putol ko sa sinasabi niya. Para talagang eleksyon ang pupuntahan, ang daming dadalhin.

"Mas maayos ang handa, Lei." Kinuha niya ang pamaypay na nasa divider at inabot sa 'kin. Ang bigat-bigat na ng bag ko, ang dami niya pang pinapadala. Daig pa ang isang mama kung aalis.

"Headset--"

"Tigil ka na nga, Einn! Hindi tayo magtatagal do'n, bigyan mo pa ako ng dadalhin at hindi na ako tutuloy." Padabog kong linagay ang bag sa isang upuan sa dining at umupo sa tabi nito.

"Ano na namang pinag-aawayan niyong dalawa?" Sabay kaming napatingin nang bumukas ang pinto at pumasok si tito.

"Ito kasing lalaki, ang dami-daming pinapadala porke't hindi siya ang nabibigatan." Nakanguso akong lumingon kay Einn. Agad namang nangunot ang noo niya at masama akong tinignan.

"Hoy, babae! Para naman sa 'yo 'yan! Sino sa 'tin ang madaling mahimatay, ha?"

"Oo na, pero aanuhin ko ba ang headset?" Marahan akong umirap.

"Basta!" Pilit niya itong linagay sa bag ko at lumabas na ng bahay.

Tama nga naman siya, pagdating namin sa campus ay sobrang init. Buti na lang at linagay ko pa rin sa bag ko 'yong pamaypay at may nagamit ako nagyon.

"Ano ngayon, Lei? Ha?" tanong ni Einn sa mapang-aping tono.

"Tumahimik ka! Baka nakalimutan mong hawak ko ang pamasahe natin," ma-awtoridad kong sagot dahilan para tumuwid siya ng tayo.

"Gumagamit ka na naman ng alas."

"Aba dapat lang," sagot ko sa mahinang boses.

Sabay kaming napatingin sa dalawang babae na palapit sa 'min. Mga nakababata naming kaibigan na hindi ko masyadong malapit.

"Einnor! Lei!" Pagkaway ni Nathalie sa 'min, ngumiti naman ako sa kanila at mahinang kumaway.

"Hi, Lei! I missed you!" Umakto si Channel na yayakap sa 'kin pero hindi niya tinuloy at sa halip ay inirapan ang kapatid ko.

"Sus, sungit-sungit pa, eh miss naman ako." Pag-swag ni Einn sa tabi ko.

"Tamang-tama at humangin, ang init pa naman ngayon." Pagpaypay ni Nathalie at bahagyang tumingin kay Einn na ikinatawa ni Channel. Napangiti na lang ako sa kanila. Kung masama ako manalita sa kapatid ko, mas masama sila.

"Sakit niyo, tignan natin kung ano mapala sa kasungitan niyong dalawa."

"Walang mapapala, Einn. Alam namin."

Hindi ko na sila pinansin at umupo sa bench na malapit sa 'min, hinayaan ko na lang silang magtalo roon at tumingin-tingin na lang muna sa phone ko. Ilang sandali ay natahimik sila at nakatingin sa kawalan, ewan ko kung ano ang pinag-iisipan nila or na out of topic lang.

"Oy, Lei. Ayos ka lang." Napalingon ulit ako sa kanila nang naglakad palapit sa 'kin si Einn at tinapik ako. Tumango naman ako sa kaniya at sinabihang ayos lang ako.

"Sigurado ka, ah? Cha, Nathalie, una na kami ah? May bibilhin pa kasi kami sa palengke," paalam niya sa dalawa. Tumango naman ang mga ito at kumaway sa 'min.

Bittersweet SummerWhere stories live. Discover now