29

70 16 8
                                    

"Orlando!" pag-aaliw kong saad nang makapasok sa front seat. Para naman siyang natunaw nang marinig iyon.

"Parang lolo, Heaven," pag-ganti niya.

"'Wag nga 'yang Heaven! Nakakainis pakinggan." Pabiro akong umirap at sumandal.

"'Wag din Orlando, para tuloy akong lolo." Natatawa siyang inayos ang seatbelt ko. Maganda naman 'yong Orlando, ah! 'Tsaka exclusive pa for me. Walang ibang tumatawag sa kaniya no'n.

"Ano gusto mo ngayon? Icecream? Street food?" tanong niya agad habang inaayos ang seatbelt niya.

"May street food pa kaya ngayon? 8pm na, eh. Teka, galing ka pa sa mataas na byahe? Baka pagod na ang baby ko." Hinaplos ko ang mukha niya at para naman siyang bata na tumingin sa 'kin. Nagpapa-cute agad kapag bini-baby, eh!

"Pagod talaga. 'Di mo pa ako yinakap." Sumimangot siya na ikinatawa ko. Behind his mature behavior, hindi nawawala sa kaniya ang paglalambing at pagiging bata kapag kaming dalawa lang.

"Arte." Mahina kong tinulak ang mukha niya at bumalik sa upuan. Mas lalo siyang sumimangot no'n, nang-bombastic side-eye pa ang lalaki.

"Malapit na birthday ko, love. You need to come, it's only a family celebration and your presence is a must. 'Tsaka, gusto ka nang makita ng iba kong relatives. Ipagyayabang kita sa kanila," aniya sa mayabang na tono. Minsan talaga ang hangin niya, pero sa ngayon ako ba naman ang ipagyayabang.

"Paano mo 'ko mapagyayabang, ha?" natatawa kong tanong sa kaniya. He looked at me, I could feel his genuine love through his eyes.

"You're always been my pride, Lei. Kaya nga kapag nag-aaway tayo talo ako, eh."

Natawa ako at hinampas siya ng mahina sa balikat. Napasama naman ang tingin niya sa 'kin at 'di nagtagal ay natawa. Naisip niya siguro kung ano 'yong sinabi niya. Paano ako naging pride? Prideful siguro, oo.

We're about to celebrate our 4th anniversary. We both planned to have our own house before settling in life.. before going down the aisle and meet him on the altar.

Dumating nga ang Friday at sinundo ako ni Cly sa bahay. Pinasama niya rin sila tito at Einn para kompleto na raw. Ang saya naman ni tito at nakahanda na lahat ng gamit. Tinago niya pa sa bag ni Einn ang regalo niya kay Cly.

Wala na akong naisip na iregalo kay Cly dahil nasa kaniya na ang lahat. Nagcarve na lang ako ng name ko at ginawa itong pendant. It was like a summer necklace, kaso pangalan ko ang nakalagay. Dapat susuotin niya 'to!

"Happy birthday!" Sinalubong ko siya ng yakap at hinalikan niya naman ako sa noo.

"Thank you." Inamoy niya pa ang buhok ko. "I love you," mahina niyang bulong na tanging ako lang ang nakakarinig.

"Os'ya, riyan na sumakay si Lei, ha? Kami lang ni tito rito sa sasakyan namin." Tinaasan ng kilay ni Einn si Cly at nagthumbs-up.

"Copy, iingatan ko 'to!" Inunahan niya na si Einn sa paborito niyang linya.

Pagdating namin sa resort ay maliit lang ang mga bisita, ang sabi niya ay kapatid mga pamilya lang ng parents niya ang inimbitahan at exclusive lang ang celebration para sa close nila.

Wala ang mga kaibigan niya at ibang batchmates. Tanging kami lang tatlo ang naipon sa kanila.

Ang resort ay parang isang bahay lang at private ito, exclusive for 1 family. Kompleto, may kusina, sala, at mga k'warto sa loob. Pang pamilya talaga.

"Finally, I met you!" salubong ng dad ni Cly at nakipag-beso sa 'kin. Hindi ko maiwasang maisip ang k'wento tungkol sa kaniya at sa mama ko pero dapat hindi iyon makakabagabag sa 'kin ngayon.

Bittersweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon