04

116 26 2
                                    

Ngayon na ang opening ng klase kaya hinanda ko na ang bag ko. Linagay ko sa malaking lagayan ang journal notebook at sketchbook, hindi ko muna dinala ang ibang school materials na binili namin ni Einn since first day pa lang. Sa pangalawang lagayan naman na hindi gaano maliit ay ang pen bag, art materials, at hygiene kit ko: kasama na ang pabango, lip balm, at petroleum jelly.

Pagkatapos ay kinuha ko na rin ang payong at flask ko 'tsaka nilagay sa magkabilang gilid ng bag ko.

I looked at myself on the mirror and comb my hair. Naka 3-layers ang buhok ko kaya hinayaan ko lang ito na walang tali, I used keratin so my hair stays soft as well. I put my ID lace, nakalagay ang Senior Highschool sa lace pero 'yong ID na sinabi ko ay no'ng Junior High ko pa. Wala lang, maganda lang tignan.

Sinuot ko na rin ang necklace na binigay ni Einn sa 'kin no'ng 16th birthday namin, bagay na bagay siya sa bagong uniform ko.

"Leisha! Bilisan mo!" Marahan akong napairap nang marinig na naman ang pinakapangit na nickname na ginawa ni Einn. Ang layo ng 'Kreshly' sa 'Leisha', nakakainis naman siya!

"Tagal mo namang babaita ka! Ikaw dapat naghanda ng pagkain ko, eh!" Naasar niya akong binalingan pagdating ko sa kusina. Nagrereklamo pa ang seniorito, ang aga ko nga gumising para magluto.

"As if naman ikaw ang nagluto para magreklamo ka. Ang kapal mo talaga, Einn!" Pagturo ko sa kaniya at umupo sa isang upoan.

"Ikaw nga nagluto pero ako naman naghanda."

"E'di patas." Pasimple akong nagkibit ng balikat at nagsimulang kumain, literal na hinanda niya ang pagkain pati kape ko.

Umupo siya sa gilid na upoan na hindi gaano kalayo sa 'kin at tinukod ang dalawang siko sa 'mesa.

"Sa susunod hindi na kita bibigyan ng kape." Naninilisik ang mga mata kong tinignan siya. "Nasosobra ka na sa kape, tignan mo nga itsura mo. Ang unhealthy mo na tignan." Inayos niya ang ilang buhok na nakaharang sa pisngi ko at bahagyang pinisil ang pisngi ko.

"Minsan na nga lang ako nakakapagkape, eh," nakanguso kong sagot.

"Buti talaga at hindi ka laging sumasama kayla Channel at Nathalie, siguro 3 times a day ka rin nagkakape." Napailing siya at nagsimulang kumain. Hindi ko rin naman maiisip ang sarili ko na sumama sa dalawang 'yon. Kahit na magkababata lang kami ay hindi pa rin ako makasabay sa kanila.

Sumabay na lang din ako kay Einn papuntang school since may motor siya. Mas mapapadali. Pagdating namin ay hindi na ako naghintay sa kaniya at umuna na papasok sa campus. May nakita na naman kasi siyang kaibigan at alam kong matatagalan siya. Nasasabit sa mga chika.

Pagdating ko sa room ay agad kong pinili ang upoan na nasa harap, malabo kasi ang mata ko at kailangang malapit ako sa board. Doon na ako sa pinakagilid umupo at kinuha ang phone ko para magbasa ng ebook.

Napansin kong may tumabi sa akin at ilang sandali ay may sumunod naman at umupo sa bandang likod niya. Mahina lang silang nag-uusap, kalmado at baritonong mga boses. Hindi na ako nag-aksayang lingunin sila at tinuon ang atensyon sa binabasa.

Nang magring ang bell ay roon ko pa linigpit ang phone ko sa bag at tumuwid ng upo. Napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko at lumingon naman siya sa 'kin 'tsaka ngumiti ng malapad at kumaway ng mahina sa 'kin.

"Hello, classmate." Clayton? Classmate kami?

"Hi.." nag-aalinlangan kong sagot at kinawayan din siya. Anga awkward!

"Sabi ko sa 'yo classmate tayo, eh," aniya at umayos ng upo,"Tabi tayo, ah?"

Tinanguan ko lang siya at hindi na lumingon. Classmate pala kami? 'Tsaka bakasyon pa lang ay tinatawag na niya akong classmate, ibig bang sabihin nito ay grade 10 pa lang kaming nasa iisang room?

As usual, nag introduce lang kami sa isa't isa at nagdiscuss sa mga schedules namin 'tsaka sa rules and regulations. Pagkatapos ng dalawang subject ay snack time na. Pasimple ko lang kinuha ang wallet at phone ko sa bag at pumunta sa canteen para bumili ng biscuit at C2. Pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa garden na nasa likod ng Senior High Building.

"Classmate!" Agad akong napatigil sa paglalakad at mariin na pumikit dahil sa pamilyar na boses.

Nang lingunin ko ang pinanggalingan nito ay kasama niya ang dalawang STEM student. Kung hindi ako nagkakamali ay si Cole ito at ang girlfriend niya, kung sila pa hanggang ngayon.

"Mag-isa ka lang?" tanong niya nang nadaan na sila sa harap ko.

"Hindi, may kasama ako, naghihintay roon." Turo ko naman sa direksyon papuntang garden na ikinatango niya.

"Ah, sige eatwell!" FC 'yan? Ngumiti na lang ako sa kaniya at tumango bago naglakad ulit papunta sa garden. Ngumiti naman sa 'kin ang babaeng kasama niya habang si Cole ay nakatingin lang sa linalakaran.

Hindi pa rin nagbabago ang lalaking 'yon, sobrang unbothered sa paligid.

Pumunta na ako sa garden at doon kinain ang binili kong snacks. Medyo wala nga akong gana pero kinain ko pa rin dahil sa gutom na nararamdaman ko. Ayaw ko ring mahilo sa klase at unang araw pa 'to.

Medyo maganda pa ngayon pumunta rito sa garden dahil hindi pa masyado nalaman ng ibang estudyante ang lugar na 'to, lalo na't ang iba ay galing sa ibang paaralan, doon nag Junior high at dito na nag Senior high.

Mga ilang minuto akong natulala rito nang mapansin ko na ang oras, malapit nang mag end ang recess kaya tumayo na ako at pinagpag ang uniform. Inayos ko ang palda ko at kinuha ang wallet at phone ko sa upuan bago umalis.

Tamang pagliko ko papunta sa front part ng building ay siya namang paglabas ni Clayton. Bakit nandito pa 'to?

"O, sabi mo may kasama ka. Nasaan?" Turo niya sa 'kin.

"Wala, nauna na." Umiwas ako ng tingin sa kaniya at aktong aalis na.

"Pabalik ka na sa room?" Daming tanong, halata naman, eh! Tinanguan ko na lang siya at dumaan sa gilid niya. "Okay, ingat!"

Sus, ang lapit lang ng building, eh.

Bittersweet SummerWhere stories live. Discover now