10

79 19 0
                                    

Walang gabi na hindi ako kinukulit ni Cly. Kung hindi about sa acads ay inaaya niya naman ako maglaro ng RPG o 'di kaya ay ML.

@OrlandoLenior:
May bukas pa naman, eh!

@OrlandoLenior:
You must enjoy your life, Lei. Ilang oras ka nang babad sa pag-aaral, dapat may time ka for relaxation.

Napakamot ako sa ulo ko nang magpop-up ang messages niya, hindi ko kasi na dnd ang phone ko.

Hindi ko na siya natiis at nakipaglaro na. Para rin kasi akong tinutukso ng laro. At tama siya, ilang oras na ako nag-aaral kaya dapat mag-take muna ako ng break.

["Nice game! Galing mo, ah!"] proud niyang sabi sa kabilang linya. Pagkatapos agad ng last game namin ay tinawagan niya ako sa messenger.

"Mambobola, ikaw nga mvp, eh!" Narinig ko naman ang tawa niya sa kabilang linya.

["Siyempre, rami kong assist, eh. Pero galing mo kanina, Lei."]

Minsan tinatanong ko siya sa mga lessons na hindi ko maintindihan, nasasagot niya naman at minsan sinasabayan niya akong mamroblema kapag hindi niya alam ang sagot.

Minsan, siya naman ang nagtatanong sa 'kin.

@OrlandoLenior:
Leiiii, bakit kahit paulit-ulit ko nang binabasa 'tong pdf, hindi ko pa rin gets?

@kreshly.osorio:
Hindi ko rin gets kung bakit dito ka sa ig nagtatanong kung p'wede naman sa messenger.

@OrlandoLenior:
Bakit may problema ba?

@kreshky.osorio:
Inactive ako rito, Cly. At dahil sa chat mo naopen ko tuloy 'yong app. Lipat ka sa kabila.

@OrlandoLenior:
Wow, para naman akong kabit nito kung makasabi ng kabila.

What the--? Paano niya naisip 'yon? Siya nga lang kausap ko sa lahat nang social media accounts ko, eh. And wait what? Kabit? He's just a friend, no malice. Hindi ko tuloy maiwasang maging delusional.

Hindi ikaw 'to, Lei! Inosente ka! Hindi mo alam paano kiligin.. okay?

"Arriane--"

"Busy ako sa bahay, Cly. Kayo na muna ni Lei. Ingatan mo 'yang kaibigan ko!" putol ni Arianne kay Cly habang nag-aayos siya sa mga gamit niya. Napakamot naman ng batok si Cly at naupo sa 'mesa niya na nasa likod lang ni Arriane.

"Pa'no ba 'yan, Lei? Tayong dalawa lang, nagbusy-busyhan kasi 'tong isa." Turo niya sa pinsan. Natawa na lang ako bago sinuot ang bag ko.

Napagpasyahan namin na hindi na muna mamasyal ngayon at may next week pa naman. Sinabayan niya na lang ako hanggang sa labas ng gate. Wala nang katao-tao sa campus, matagal kasi uwian naming mga senior high. Tanging mga tunog na lang ng bola galing sa gymnasium ang naririnig namin.

"Gusto mo fishball?" tanong niya nang makita ang nagtitinda ng fishball sa labas ng gate. Agad naman akong tumango at kinuha ang phone ko, nakatago sa likod ng case nito ang budget ko para ngayong week.

"Ako nag-aya kaya ako magbabayad." Hawak niya sa phone ko para pigilan ako. Wow, ha? Nasanay akong kanya-kanya kami ng bayad.

"'Kala ko ba kanya-kanya tayo nito?" tanong ko,

"Wala si Arianne, 'di niya malalaman." Pabirong siyang tumawa at lumapit sa nagtitinda.

Unfair talaga 'tong si Cly. Sobrang unfair.

Bumili lang kami ng tag ₱10 na fishball at tag ₱10 din na kwek-kwek. Mahilig siya sa fishball at ako naman ay sa kwek-kwek, though kumakain ako ng kahit anong street food pero mas masarap para sa 'kin ang kwek-kwek.

Hindi nagmomotor ngayon si Cly kasi may punishment siya sa dad niya kaya sinabayan niya akong maglakad hanggang sa sakayan ng jeep.

"Saan mo gusto mag college, Lei?" tanong niya sa gitna ng paglalakad namin.

"Hindi ko pa alam, kung ano ang ire-recommend ng school natin."

"Wala kang dream university, gano'n?" Natigilan ako sa tanong niya. Tama, wala pa akong naisip na university na gusto kong pasukan.

"Wala, pare-pareho naman ang lahat." Narinig ko ang tawa niya.

"Pareho na?"

"Na mahirap.. like ang hirap makipag socialize sa ibang studyante. Lahat ng university parehas lang ng challenges para sa 'kin." Tinapik niya ang ulo ko.

"You must learn to socialize, Neveah. Mahihirapan ka sa college life at after college kung hindi ka pa masasanay. Kapag sanay ka sa pakikipag-usap sa kahit na sinong tao, mas mapapadali ang pang-araw-araw mong buhay. Also, we're ABM students so it's a big challenge for us if we are not good at socializing. So, from now on, learn!" He pats my head and scrunch it.

"Kailangan ba talaga? I mean, nsanay na kasi akong mamuhay nang walang kaibigan. Ngayon lang na kasama ko na kayo lagi."

"O, 'di ba? Ano mas masaya, ang walang kasama o may kasama?" Napaisip ako sa sinabi niya. Tama, mas maganda nga ang may kasama ka lagi. May masasandalan ka sa mga bagay na hindi mo kaya. Mas na-enjoy ko ang buhay ko nang nakilala ko sila.

"You're right. I'll try to communicate more, Cly." Namuo ang ngiti niya sa mga labi sa sagot ko.

"Improvement takes time. Hindi man ngayon agad pero malay mo, months from now, mas magaling ka pa makipag-socialize kaysa sa 'kin."

I really saw little improvements with my social skills since I became close with them. I remember when I hated him for being so talkative around me. Pero dahil sa kadaldalan niya, hindi na ako utal kung magsalita ngayon. Having him and Arianne by my side really helps me.

We always spend a long time together after class. Minsan nalulungkot ako kapag may lakad siya kasama ang mga kaibigan niya. Hindi ko naman siya masisisi kaso hindi ko maiwasang mangulila.. bilang kaibigan.

Kaibigan niya lang ako kaya wala akong karapatang hingin ang oras niya.

Clayton Lenior:
Kumusta weekend mo, Neveah?

Kreshly Osorio:
It's good, madami akong natutunan sa carving.

Clayton Lenior:
Nasa shop ka lang the whole time?

Kreshly Osorio:
Oo, nakakabagot kaya sa bahay.

Clayton Lenior:
Seems like you're always bored, huh?

Clayton Lenior:
Hindi ka ganiyan noon, you've change a lot, girl.

Napatawa ako ng mahina sa last word ng chat niya. He's calling me 'girl'? I mean-- he sounds like a gay!

"Ano raw sabi? Ba't natatawa?" sulpot ni Einn at akmang sisilip sa phone ko. Agad ko naman itong pinatay at linayo sa kaniya. Nakikisawsaw talaga, eh.

"Tito, oh! Si Lei may kachat na!" parang bata niyang sumbong kay tito na gumagawa ng lampshade sa gilid. Nakangiti namang tumingin si tito sa 'kin na parang may malalim na iniisip.

"Bakit po?" tanong ko na ikinailing niya lang. Alam ko na, may issue na naman siguro na pinagsasabi 'tong si Einn.

"Nakita kaya kita no'ng Friday. Sus, Lei! Hindi ka na nagsasabi sa 'kin, nagsekreto na." Umupo sa maliit na upoan si Einn kung saan siya gumagawa ng iilang limbs para sa mga mini mannequin na ibebenta niya.

"Ano 'yon, Einn? Anong nakita mo? Sino kasama mo, Lei?" mapang-asar na tanong ni tito.

"Kaibigan lang--"

"Tito, tito! 'Wag na 'wag kang maniwala kapag sinasabing kaibigan lang!"

"Grabe ka na, Einn! Sinisiraan mo na ako." Nagtatampo ko siyang tinignan at inirapan.

"Wow! Nagtatampo na siya. Nge parang bata naman 'to." Agad na tumayo si Einn at lumapit sa 'kin para kulitin ako.

"Masaya akong may kaibigan ka na, Lei. Pero dapat walang sekreto na tinatago." Kalmado lang ang boses ni tito pero ramdam ko ang pagbabanta. Agad naman akong ngumiti sa kaniya at tumango.

Bittersweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon