07

82 20 1
                                    

I stalked his account first before typing a message. I'm following him, pero maliit lang ang posts niya at walang mukhang makikita, puro dagat, view galing sa itaas ng bundok, at mga pictures ng instruments. I don't know who is this guy, but I have the hint. I just need a strong proof na siya 'to.

Bumalik ako sa message niya at nag-isip ng mareply. Ilang beses akong nagtipa ng mensahe pero dinedelete ko ito, nagdadalawang isip.

@kreshly.osorio:
?

Wala akong kilalang Lenior sa section namin.. p'wera lang kay Clayton. Pero hindi naman Orlando ang pangalan niya, o 'di kaya second name niya ito at hindi ko lang alam.

@OrlandoLenior:
Wow, ang tipid magreply.

@kreshly.osorio:
Ano ba dapat?

He reacted 'haha' on it before typing. Pinatay ko na lang muna ang phone ko at tumingin sa labas ng bintana galing dito sa kama. Pagkatapos ay tinignan ko ulit ang reply niya.

@OrlandoLenior:
Idk either.

Nagreact na lang ako ng 'haha' sa message niya at pinatay ang phone ko. Tumayo ako at lumapit sa bintana, tinatanaw ang malaking puno na nasa bakuran namin. May iilang bata na naglalaro sa labas ng bakud namin at paminsang pumupunta sa gilid kapag may dadaan na sasakyan o mga tricycle.

Hindi pa umabot ng minuto nang tumunog na naman ang phone ko. I was expecting his message to come up. Bumalik ako sa kama at kinuha ang phone ko para tignan ito.

@OrlandoLenior:
Anyways, how's your vacation, classmate?

That word classmate again, ang tumatawag lang sa 'kin nito ay si Clayton. Paniguradong siya 'to.

@kreshly.osorio:
As good as a vacation.

Kakasend ko pa nga lang sa reply ay agad itong nagtatype.

@OrlandoLenior:
Wow, hangang-hanga talaga ako sa 'yo.

Nagpipigil tawa akong humiga sa kama. Bakit ba ako napapangiti sa lalaking 'to? Hindi naman sana siya clown, hindi rin siya mukhang si joker.

Natapos ang semestral break at ang susunod naman na bakasyon ay ang pasko. Kakalabas ko lang sa k'warto ay ramdam ko na ang pasko dahil sa mga disenyo na linalagay ni Einn. Sa aming dalawa, siya talaga ang mas magaling sa mga decorations.

"Sino ang bibili ng mga prizes para sa games?" tanong ng teacher namin habang naglilista sa board. Fixed na ang lahat except sa pagbibili ng mga foods.

"Ma'am, kami na ni Arianne at Lei. Kaya na namin 'yan." Napatingin ako kay Clayton nang tumayo siya at malakas na nagsalita. Napalipat-lipat ang tingin ko kay Clayton, Arianne at sa teacher namin.

"Ayos lang ba sa 'yo, Lei?" tanong ni ma'am sa 'kin. Nagdadalawang isip man pero tumango pa rin ako. Ayos lang naman silang kasama at kung para sa Christmas party namin, sige.

Pagkatapos agad ng klase namin ay bumaba na kami ng building. Dumaan kami sa may canteen para diretso na sa back gate. Mas madali kasi roon kasi mas malapit sa building namin kaysa sa front gate at baka marami kaming makasabayan na mga studyante, ang hustle.

"Lei, oy!" Napatigil ako at lumingon sa gawi kung saan ko narinig ang boses ni Einn. "Saan ka pupunta? Oh, ikaw pala yan.. Clifford?"

"Clayton.. Clayton pangalan ko." Ngumisi si Clayton para pigilan ang tawa niya.

"Ah, Clayton pala. Saan tungo niyo?" Turo sa 'kin ni Einn habang nakatingin lang kay Clayton.

"Mamimili kami ng prizes para sa party. Kami kasi assigned." Assigned daw, ang sabihin niya nag-volunteer siya.

Bittersweet SummerWhere stories live. Discover now