15

74 14 3
                                    

"Ka-dissapoint naman ng score na 'to!" Itinaas ni Arianne ang test paper niya habang naglilinis kami ng classroom.

"Wala ka nang magagawa," mapang-asar na saad ni Cly na kakapasok lang sa room, may bitbit siyang dustpan na inilagay niya sa balikat niya.

"Tumahimik ka! Kunwari malaki score mo sa math."

"Aba, malaki naman talaga. Mas malaki lang 'yong sa inyo."

Hindi na naman sila nagtigil sa bardagulan nila hanggang sa lumabas kami ng campus para kumain.

"Ang dirty mo naman, Cly! So dugyot!" ma-arteng sigaw ni Arianne nang mapansing pula ang mga kamay ni Cly. Nag-apply kasi sila ng floor wax kanina.

"Naghugas na kaya ako ng kamay. Grabe ka, kulay na lang 'yan. Dito na nga lang ako ni Lei, buti pa 'to 'di ako inaaway." Agad siyang lumipat sa side ko at umakbay sa 'kin.

"Tss!" Arianne.

"Baka magka-ano damit ko, ah?" babala ko sa kaniya kaya agad niyang tinanggal ang pagka-akbay niya sa 'kin.

Chatting with him is always on my night routine. Kaso ngayon sabi niya busy raw siya. I tried to wait for him kaso hindi ko na talaga siya nahintay na mag-online ulit at nakatulog na ako.

Kinaumagahan cellphone agad ang hinanap ko, tinignan kung may reply ba siya sa message ko kaso wala. Kahit seen, wala. He left me on deliver.

Baka busy. Pero bakit wala man lang reply? Am I bothering him? Ayaw niya na ba akong kausap? It's okay for me if we won't chat all the time, pero parang iniiwasan niya ako.

Hays, isang araw pa naman kami hindi nakapag-chat, bakit ganito na ako mag-isip? He won't ghost me, right? He gave me three gifts, he can't just do some ghosting after all those things.

"Rianne, walang reply si Cly. Ano meaning nito?" tanong ko sa kaniya sa tawag.

["Ha? Ah baka busy? Oh, he always make time for you. Siguro ano lang naconfiscate 'yong phone niya?"]

"Delivered naman 'yong message."

["Hala, ano 'yon, girl?"] natahimik kami pareho at ilang segundo bago siya nagsalita ulit.

["Hindi ko rin alam anong problema, eh. Siguro bibisita ako mamaya sa kanila."]

Hindi nasagot ang mga katanongan ko pagkatapos ng tawag namin ni Arianne. Naka-open lang ang data at Messenger ko at nang matapos kaming magtanghalian ay may isang message na.

Clayton Lenior:
Sorry ngayon lang, dami kasing ginagawa rito. 'Tsaka baka hindi ako masyadong makapag online, disconnected ako sa wifi rito sa bahay at hindi ako makakahawak ng phone.

Agad akong napanguso nang mabasa ang message niya. I felt guilty tuloy dahil sa mga bagay na naiisip ko.

I told him that it's okay. Kinamusta ko lang siya at tapos na. Hindi na kami nagchat at tinuon ko na lang sa kung anong gawain sa bahay ang oras ko para maubos ang oras.

Pero nang dumating ang gabi ay may kung ano sa 'kin na gustong-gusto siyang i-chat, kaso parang naiistorbo ko lang siya. Hindi ko man alam kung ano ang mga ginagawa niya sa bahay nila pero parang wala na akong karapatang alamin iyon at istorbohin siya.

Dumating ang Lunes at babalik ulit kami sa school para kunin ang mga bagay namin at isauli ang susi. Si Arianne kasi ang nagdala nito.

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ang IG story ni Chelsea. 19hrs ago, selfie nila ito. Siya ang may dala sa camera at katabi niya naman si Cly, tapos katabi ni Cly si Cole at sa dulo ay si Kath. Masaya sila, lalo na si Cly habang akbay-akbay niya si Cole.

Maliit na ang utak ko kung maliit, pero nasasaktan ako nang makitang kasama niya si Chelsea, may kung ano talaga sa 'kin na naiinis kapag kasama niya ang babaeng ito. Para kasing, isang banat lang o moves ni Chelsea ay maagaw niya na si Cly. 'Yon ang kinatatakutan ko.

Hindi man akin pero ayaw ko ring mapa sakaniya. Mahal ko na siya, eh. Mahal ko na iyong tao.

"Oh, problema?" Nag-angat ako ng tingin kay Arianne na ngayon ay nakalingon sa 'kin. Umiling ako at pinalis ang luha sa gilid ng mga mata ko.

"Na-miss ko lang siya kausap." Ngumiti ako sa kaniya at naglakad ulit, papunta kami ngayon sa room.

"Makakausap mo rin siya ngayon, magkikita na kayo." Pinulupot niya sa braso ko ang braso niya habang paakyat kami sa hagdan. Tama, makakausap ko siya ngayon. Makukumusta ko siya.

Ngunit nagkamali ako. Magtatanghalian na ay wala pa siya. Hindi ko alam kung bakit pero parang iniiwasan niya ako, eh. Kung totoong may problema siya, bakit lumabas sila ni Chelsea?

"Arianne." Yumakap ako kay Arianne galing sa gilid niya at isinandal sa balikat niya ang ulo ko. "Nalulungkot ako."

"Bakit malungkot ang beshy ko?" Agad akong tumuwid ng upo at lumayo sa kaniya. Ayan na naman siya, may saltik na naman.

"Woy? Ito na lang, kain muna tayo, dali." Agad niya akong hinila patayo at palabas ng room. Napatigil kami pareho nang makita si Cly, kasama si Cole na parehong nakatayo at nakasandal ang mga siko sa railings.

He was in his 'no emotion' face while saying something. Si Cole naman ay nakatingin lang sa ground habang tumatango sa sinasabi ni Cly.

"Ayan naman pala si insan. Tawagin mo-- oh, problema mo?" Napatingin siya sa 'kin nang higpitan ko ang hawak sa braso niya. Lumingon naman sa gawi namin ang dalawa at nagtama ang mga mata namin. Ngunit sa unang pagkakataon, siya ang unang umiwas at lumingon sa kabila.

Parang may kung anong tumusok sa puso ko nang gawin niya iyon. Hindi man lang tumagal ng limang segundo ang titig niya sa 'kin. Iniiwasan niya ba ako? May nagawa ba akong mali? O nasabi man lang?

Hinila na lang ako ni Arianne at nagsimula nang maglakad. Pinipigilan ko ang mga luha ko hanggang sa makalagpas kami sa kanila. Tahimik lang silang dalawa habang nakatingin lang sa harap nila. Hindi man lang siya lumingon ulit nang madaan kami sa likod nila.

Parang hindi niya ako kilala. Ganiyan ba siya umasta kapag kasama niya ang kaibigan niya? Wow, napakilala niya ako sa pamilya niya pero sa kaibigan.. ikinakahiya.

Bittersweet SummerWhere stories live. Discover now