18

68 16 1
                                    

After 2 weeks I decided to buy a recipe for spaghetti. Since nakakatayo na at nakakalakad si Einn, lulutuan ko siya ng hinahanap niyang lasa.

Natigilan ako sa paglalakad nang makita si Rye, nakaupo ito sa dulo ng slide rito sa playground malapit sa elementary. Tulala lang siya habang may linalaruan sa kamay niya.

Ewan pero hindi mabigat ang pakiramdam ko nang makita siya. Para ngang naramdaman kong may kakampi ako o makakasagot sa mga katanungan ko nang makita siya.

Wala akong planong lapitan siya ngunit bigla na lang siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. Matipid na ngumiti sa 'kin at tumuwid ng upo. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya.

Umupo ako sa dulo ng kabilang slide na hindi kalayuan sa kaniya. Sinandal niya ulit ang mga siko niya sa mga tuhod niya at muling nagbaba ng tingin sa linalaruan niyang fidget.

"Ate, kumusta na? Ayos na po ba ang pakiramdam niyo?" panimula niya.

"Hindi pa rin, ang bigat pa rin, Rye. Naghahanap pa rin ako ng mga sagot."

"Ate, sorry sa nangyari. Pero para kasing 'di rin kakayanin ng pamilya namin kapag makukulong si daddy." Tumingin ako sa kaniya nang marinig iyon. Tama, bakit hindi ko naisip 'yon? Am I being too selfish when all I want is to put him in jail?

"Pero ayos naman na 'yong kapatid mo, 'di ba po? Nakarecover na po ba siya?" Ito 'yong gustong-gusto kong marinig galing kay Cly. Pero ni-bati man ay hindi niya mabigay.

"Medyo, gumagaling na siya, nakakalakad na."

We were covered with silence after. None of us talked and just waited for each other.

"Hindi po ako kasama sa pamilya nang mangyari 'yon." Liningon ko siya nang magsalita siya. "Hindi na po ako sumasama sa kanila o nakikipag-usap."

Gusto ko man magtanong kung ano ang problema pero hindi ako nagsalita, hinintay ko na lang na siya mismo ang magsasabi.

"Ate, I feel like their treatment inside the house is so unfair, so unfair for the middle child." Nasimula na ang galit sa tono niya kaya hinayaan ko siyang sabihin ang lahat nang nararamdaman niya. Maybe I could find an answer through listening.

"Ate ang sakit lang kasi, 'yong atensyon ni mommy na kay Colette tapos 'yong kay daddy na kay kuya. Ano na lang 'yong matitira sa 'kin?"

"Kaya dumating sa punto na nag-away kayo?" Nagkatinginan kami sa mata at do'n ko napansing naluluha na siya.

"Opo, hindi ko na kasi nakayanan. At ayon nga, ako 'yong lumabas na mali. Hindi ko na kaya makipag-usap sa kanila, sawa na ako na kinakausap nila ako after an argument like nothing just happened. After they threw so much painful words, gano'n na lang?" Tumingin siya sa langit para pigilan ang luha. He's a strong guy, I know na mahilig ang mga lalaki sa pagtatago ng nararamdaman nila, they won't just cry easily if it's not too much for them, hanggang sa kaya ay tinataguan nila ang nararamdaman nila pero ngayon, hindi na kinaya ni Rye para itago ang sakit na nararamdaman niya.

"Can I ask you something, Rye?" Nagbaba siya ng tingin sa 'kin bago tumango.

"Is it okay for me to know why your brother is ignoring me?" Namuo ang pagkabigla sa mga mata niya.

"Iniiwasan ka ni kuya?" Umiwas ako ng tingin sa kaniya at nagdadalawang isip na tumango. Para akong nagsisi na tinanong ko sa kaniya iyon.

"I'm sorry, ate. But I don't know his reason or purpose. Ayaw ko ring lumapit sa kaniya, sorry but I can't help you find the answer--"

"No, it's okay. Nagtanong lang ako if alam mo, but it's okay if you can't answer my question." Nagtaas ako ng dalawang kamay at ipinakita sa kaniya na hindi big deal iyon. Kahit na gustong-gusto ko nang malaman.

Bittersweet SummerWhere stories live. Discover now