21

60 15 2
                                    

Pagkapasok ko sa gate ay dumiretso muna ako sa deck at napaupo sa isang upuan para tanggalin ang sandals ko. Sobrang sakit na kasi talaga ng paa ko. Nakapaa na lang akong pumasok sa bahay.

This is still our wooden house, wala pa ring second floor. Pero ang pinagkaiba lang ay pinaclosed na namin ni Einn ang lahat nang p'wedeng madaanan ng hangin. Pina-aircon na kasi namin ang bahay.

We turned it into modern pero native style pa rin kung tignan sa labas. Naka-sliding window na ang lahat ng bintana at 'yong mga pinto rin ay sliding door.

Dumiretso na ako sa k'warto at makapag-shower na. Nang matapos akong mag shower ay nag hair blower ako.

Napatigil ako nang biglang tumunog ang phone ko sa tabi ng kama ko at lumabas ang isang message sa notification box.

Clayton Lenior:
How are you? Nahihilo ka pa ba?

Wow, akala ko hanggang hatid lang. Ba't may ganito na?

Kinuha ko ang phone at inopen ang message niya. I was about to type nang makita ko ang last message ko sa kaniya. Oo nga pala, ako ang last chat namin noon. Hindi ko nadelete ang convo namin, and there's no reason to delete it, anyway.

Kreshly Osorio:
Ayos lang ako, I already told you hindi ako nahilo sa byahe, promise.

Clayton Lenior:
Okay, sabi ko nga.

Agad ako nag-isip ng irereply. Ano ba naman 'to, bakit ganiyan lang reply niya? Ang bilis tuloy mag end ng conversation namin.

Clayton Lenior:
Nakauwi na nga pala ako, Skl.

Hindi ko maiwasang matawa sa sunod niyang chat. Kahit hindi ko naman tinatanong. But I was about to ask him, para sana hindi matapos ang conversation namin.

Kreshly Osorio:
Good to know. Pahinga ka na.

Mabilis siya nagseen at nag-type ng maireply.

Clayton Lenior:
Wow! Yes, madam. Ikaw rin, sweet dreams :)

I smiled when I read his message. Nag-heart na lang ako at pinatay na ang phone 'tsaka ito linagay sa loob ng drawer ng side table ko. Agad akong humiga sa kama ng padapa at yinakap ang isang unan ko.

Mga ilang minuto akong nakangiti habang nakapikit. This is what I felt 6 years ago. Those butterflies. Pagkatapos ay umikot ako paharap sa ceiling at napasulyap sa shelf sa gilid ng kama kung saan ko linagay ang stuffed toy na bigay niya sa 'kin noon. Mas lalo akong napangiti.

Bihis na ako nang lumabas ng k'warto, kakain na lang ako at diretso na sa shop.

Linipat na ang shop namin sa labas ng eskinita, nabili kasi namin ang 'di kalakihang lote ro'n. Ayos na 'yon, mabuti na at madaling makita ng mga tao at madidisplay ang mga design ni tito.

Marami na rin kaming worker kaya marami ang gawa at nabebenta.

"Good morning, boss," pabirong bati ni Einn na nagkakape sa breakfast table.

"Good morning, my servant." Bakas sa mukha niya ang gulat at inis nang marinig ang sagot ko.

"Natututo ka na talaga, Lei!"

"Siyempre, kasama kita for the whole 23 years, hindi na itinatanong kung saan ako natuto."

Sabay na kaming tatlo kumain at pagkatapos no'n ay hinatid na lang din kami ni Einn sa shop since madaraanan niya lang naman papuntang police station.

May inasikaso lang ako saglit sa opisina at pagkatapos ay lumabas na ako para tignan sila sa shop. Katuwaan ko kasing panoorin ang mga ginagawa nila, naaalala ko no'ng bata pa ako na pampalipas oras ko ang panonood sa ginagawa ni tito.

Pagkatapos kong panoorin ang gawa nila ay lumabas na ako sa harap ng shop kung saan naka-display ang mga finished product. Isinandal ko ang mga siko sa mataas na 'mesa at tinignan ang lista ng mga price ng benta namin.

Narinig ko ang pagbukas ng front door kaya nakangiti akong nag-angat ng tingin. Agad napawi ang ngiti ko nang makita kung sino ang pumasok.

"Hi, nagbebenta kayo ng ukulele?" tanong nito sa 'kin. Halata naman siguro 'yong mga nakasabit na instruments sa gilid, eh.

"Hindi kami nagbebenta." Nakangiti kong sagot na ikinaasar niya naman.

"Grabe, ang sungit. Parang 'di kasama sa joyride kagabi." Nakanguso siyang lumapit sa 'kin. Linibot niya ang tingin sa store at tumingin ulit sa 'kin. "Bibili ako, Lei."

Ngumisi ako at tinignan ang mga ukulele na nakasabit.

"Pili ka lang." Turo ko sa mga 'to.

"Hindi 'yan. 'Yong manager gusto kong bilhin." Nanlalaki ang mga mata kong tinignan siya. Agad namang namuo ang saya sa mukha niya. Litse talaga 'tong maliit ang mga mata na lalaking 'to!

"Hindi binibenta 'yong manager namin."

"Ay hindi ba? Sige, baka p'wedeng libre." Ngumiti na naman siya ng nakakaasar na ngiti. Sige, kapag ako naubosan ng pasensya isusumbong ko 'to kay tito.

"Cly, kung nangsisira ka lang ng araw, bukas 'yong pinto."

"Bukas nga, hindi mo kailangang sabihin. Nakapasok nga ako kanina, eh."

Bwesit!

"Cly," nanlilisik ang mga mata kong tawag sa kaniya.

"Joke lang, baka masira 'yong araw mo. Ikaw pa naman nakabuo ng araw ko." Biglang nanginit ang pisngi ko nang sabihin niya 'yon.

"So, ano kailangan mo?" pag-iiba ko sa usapan.

"Nagpapabili sa 'kin si Colette ng ukulele. P'wede ba ako magrequest ng sage green na kulay? She didn't asked for a color pero 'yon ang favorite color niya." Napatingin siya sa mga design sa gilid.

"Oh, really? Kumusta na pala si Colette?" I leaned on the table and tipped toe.

"She's now on her 5th grade. She's fine." Ngumiti siya at umupo sa stool na nasa harap ng mataas na 'mesa kung saan nakasandal ang mga kamay ko.

"Mahilig din pala siya sa instruments, ha?"

"Mana sa poging kuya," sarkastiko niyang sagot. Wow, hangin.

From that day, he's been visiting our shop every morning to check his order. Hindi ko alam pero 'yong order lang ni Cly ang hindi agad tinatapos ni tito. Kasi lahat nang order na nare-receive namin ay tinatapos niya agad pero parang may galit siya kay Cly at pinapatagal niya.

"Good mor--" hindi ko natapos ang bati ko sa pumasok sa entrance nang makitang si Cly ulit ito.

"Hello, how's work?" Wow, grabeng tanong, ha?

"Trabaho pa rin." Walang emosyon kong binaling ang tingin sa 'mesa.

"Ang attitude mo pa rin, Lei."

Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok sa likod para tawagin si tito.

"Nandiyan na siya?" masigla niyang tanong at agad na lumabas sa shop.

"Oy, Cly!"

"Hi, po!"

"Upo ka muna." Napaawang ang labi ko nang paupuin niya si Cly sa couch for guests at inaya pa ng kape.

"Tito-- hindi naman siya magtatagal, mas mabuti pa at ihanda na natin 'yong order niya para naman makauwi na siya--"

"Ayaw mo ba akong mag-stay saglit dito, Lei?" parang bata niyang tanong sa 'kin at napatagilid pa ng ulo.

"Hindi naman sa gano'n pero mukhang nagmamadali ka---"

"Nagmamadali ka, hijo?" agad namang lingon ni tito sa kaniya.

"Hindi po."

Napapikit na lang ako ng mariin sa sagot niya.

Bittersweet SummerWhere stories live. Discover now