27

61 15 10
                                    

"Wait, tumawag si dad. Dito ka lang, ha? Babalik lang ako." Tumayo siya at agad na bumaba para sagutin ang tawag.

Ilang minuto naman ay may tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako rito.

"Oy, Arianne! Saan ka ba kanina?"

"Kunwari ako hinahanap mo pagdating mo, 'no?" pang-aasar nito, "Nakita ko kaya kayo nito Cly rito, sanaol nakasandal sa balikat."

Ang laki talaga ng bunganga nitong babaeng 'to.

"Si Jovie nga pala, kasama ko sa trabaho. Jovie, ito si Lei, kaibigan ko." Turo niya sa 'kin. Nakangiti namang tumingin sa 'kin si Jovie na may dalang shot glass at bote ng Tequila.

"Shot, Lei!" Tinaas niya ang shot glass at pinuno ito ng Tequila. Napa-awang ang labi ko at tinignan ang shot glass. "Dali, ngayon lang 'to, isa lang!"

Napatingin naman ako kay Arianne at parang sinasabi niyang kunin ko na lang. Hindi na ako nakatanggi at pilit na tinanggap. Inamoy ko pa ito bago ininom. Ang init sa lalamunan.

"Arianne!" Kinuha niya ang shot glass at pinuno ulit ng alak 'tsaka binigay kay Arianne. Ngayon ko lang napansin na medyo nakainom na pala si Arianne. Ngayon ko lang siya nakitang uminom.

Hindi ko na namalayan na ang sinabi niyang isang shot ay naging apat na. This is my first time drinking alcoholic drinks. Nagsimula na akong mahilo.

"Isa pa, Lei."

"Wait, Jovie. Parang hindi na niya kaya."

"Isa na lang talaga, last one. Promise!"

Hindi ko na alam ang ginagawa ko, dalawa na ang paningin ko pero nagawa ko pang kunin ang shot glass at agad itong ininom.

Bibigyan pa ulit sana ako ng isa pang shot nang may kamay na winakli ito.

"What the fvck is this?" Napa-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Cly.

"We're just having fun--"

"Fun? Hey you-- whatever your name is. This fun is not suitable for her--" Hindi ko na narinig pa ang sinasabi ni Cly at ipinikit na lang ang mga mata ko.

Naramdaman ko na lang na binubuhat ako at bumaba kami ng hagdan.

"Cly, what happened? Uminom siya..?" Boses iyon ni Einn.

"Lumabas lang ako para sagutin ang tawag ni dad at ito na naabutan ko."

"Kaya mo na ba mag-isa palabas? Magpapaalam muna ako kay Vergel."

Parang nag-eecho ang mga boses nila. Minsan humihina, minsan lumalakas. Para akong lumulutang, unti-unting hindi ko na naramdaman ang pagkabuhat niya sa 'kin.

Ang sunod kong naramdaman ay pina-upo na ako sa malambot na upuan. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang harapan ko, nasa front seat na pala ako. Nalipat ang tingin ko kay Cly na nag-aayos ng seatbelt ko. He was so near, amoy niya kaya ang alak galing sa bibig ko?

"For fvck's sake, don't do it again, Lei. Paano na lang kung mas natagalan pa ako sa labas?" mahinahon niyang tanong. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti at pumikit na ulit. Kahit na pinagalitan ako ay kinikilig pa rin ako.

Muli akong napamulat nang maramdaman ang pagkahulog. Nakita ko na lang ang ilaw ng ceiling nitong sasakyan niya, he didn't even gave me a warn na ibababa niya ang upuan.

Naramdaman ko ang halik niya sa noo ko at hinaplos ang pisngi ko.

"Ang ganda mo pa rin kahit lasing ka. Pero sana naman 'wag kang magpakalasing na hindi kilala ang kasama mo." May inis sa boses niya pero nanlalambing pa rin ang tono.

Bittersweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon