22

63 14 0
                                    

"Tito, bakit hindi mo na lang po tinapos agad ang order niya para hindi na siya bumalik pa rito?" tanong ko agad kay tito pagkababa namin sa sasakyan. Hindi niya man lang ako binalingan at dumiretso sa deck para umupo.

"Alam mo, Lei. Sinusunod ko lang ang request niya." Patango siyang tumingin sa 'kin. Nalilito ko naman siyang tinignan bago sumunod sa kaniya sa deck.

"Anong request po?" Napangisi siya nang marinig ang tanong ko.

"Gusto niyang patagalin para makabisita siya lagi sa shop."

"Para ano po? Para bwesitin ako? Nakakainis siya sinisira niya araw ko, eh umagang-umaga!" Abot-kilay ko siyang hinarap na mas ikinatawa niya.

"Mabait si Cly, Lei. Ano ka ba naman!" nakangiti niyang sagot.

"Tito, mabait naman talaga siya. Iniinis niya lang ako. 'Tsaka nakakapagod kaya makipag-usap ng costumer na araw-araw mo nakikita." Wala man lang dalang snack, hindi niya alam na nagugutom ako sa mga oras na 'yon.

"'Kala naman hindi nami-miss." Napatingin ako sa kaniya nang may binulong siya.

"Ano po?"

"Wala, o'sige na at magluto na tayo ng hapunan." Tumayo siya at tinalikuran na ako.

Si tito talaga minsan may pagka-issue at mapang-trip. Ngayon nakikiisa pa siya kay Cly at aba ako ay trinaydor!

Sa sumunod na araw ay hinanda ko na ang sarili ko para sa pagdating niya. Kaso tanghali na lang ay wala pang Cly na dumating sa shop. Para akong bata na umupo sa couch ng office ko. Ilang minuto ay lumabas na ako at sinabihan ang nagbantay sa shop na ako muna ang magbabantay.

Hindi ko alam pero hindi ko rin maiwasan na hintayin siya. Hindi niya pa kasi nakuha ang order niya, ano na lang kaya ang nararamdaman ni Colette ngayon na hindi niya pa nabigay ang ukulele?

Hindi ko siya miss, nawo-worry lang ako sa order niya, oo!

Napatuwid ako ng tayo at inayos ang suot ko at ang buhok ko nang makita ang Raptor niya na pumarada sa kabila kung saan may malaking space for parking.

Alam kong siya 'yon, siya talaga 'yon.

"Welcome!" nakangiti kong bati sa kaniya.

"Good mood, ha!" mapang-asar niyang bungad.

"'Yong order mo, packed na. May free extra strings na rin 'to." Kinuha ko galing sa ilalim ang kahon na kinalalagyan ng ukulele. Napatigil naman siya sa harap ng mataas na 'mesa at tinignan lang ako sa ginagawa.

"Kakarating ko lang, Lei." Tumingin ako sa kaniya nang malagay ko na sa ibabaw ng 'mesa ang kahon.

"Ba't kasi ang tagal mo dumating, 'yan tuloy." Tinulak ko ito palapit sa kaniya.

"Hinintay mo 'ko?" Muntik na akong masamid sa sarili kong laway sa tanong niya. Inirapan ko lang siya sa inis. Pero kahit naiinis ako ay hindi ko maiwasang mapangiti.

"Sorry, galing ako sa farm. 'Di kasi ako nakauwi kagabi." Ngumisi siya at may kinuha sa bulsa ng polo niya. "May tip, kasi pinatagalan niyo 'yong order ko." Linapag niya sa 'mesa ang isang sobre.

"Grabeng tip, ha!"

"Nga pala, nagtanghalian ka na?" pagbabago niya sa usapan,

"Magtatanghalian pa lang, sabay na kami sa likod." Napasimangot siya sa sagot ko.

"Sayang, libre ko sana." Binuksan niya ang wallet at kunwaring may hinahanap.

"Sabihin mo lang kung gusto mong makisabay, hindi ko naman kailangang magpalibre," aniko sa pabirong tono. Bahagya siyang tumawa at napasandal ang mga siko sa 'mesa.

"Sasama ka?" nakangiti niyang tanong. Hindi ko siya hinintay ng ilang oras para lang paalisin agad. Kaya oo, sasama ako.

Linagay niya sa car trunk ang kahon ng ukulele at sinarado ito. Tinignan ko lang siya nang umikot siya papunta sa passenger seat para pagbuksan ako ng pinto.

"Ma'am." He gestured me to go inside. Pabiro akong napairap bago pumasok sa loob.

"Drive thru tayo," aniya agad pagkapasok niya sa driver's seat. Para siyang bata na nakangiti habang binubuhay ang makina ng sasakyan. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

Bakit ba ako naiinis sa presensya niya kung ganito naman kasarap sa pakiramdam na masolo siya.

Bumili kami ng Jollibee meal at Chocolate Sundae. 'Tsaka kami pumunta sa dagat para ro'n kumain.

Akala ko 'yon lang talaga pero may kinuha pa siya sa back seat na paper bag ng 7/11. Ano 'to, foodtrip?

Nanliliit ang mga mata niya dahil sa init nang tumingin siya sa 'kin na may ngiti sa labi. Tinanggap ko ang paper bag ng 7/11 para hindi siya mahirapan sa mga dala niya.

I was stunned when he held my waist to guide me on the stairs.

"Careful," he said in his low baritone voice. I was so careful with my steps especially when he said that word.

Napatingin ako sa suot kong sandals nang umuna siyang bumaba sa buhangin at nagbaba para ilagay sa hagdan ang dala niya at hinawakan ang paa ko.

Napabuntong hininga ako bago itinaas ang isa kong paa para mahubad niya ang suot kong sandals. Mahirap kasi i-apak sa buhangin at may heels ito.

"The other one." Inapak ko sa buhangin ang kanang paa ko at itinaas ang kaliwa. Napahawak pa ako sa balikat niya nang ma-out of balance ako. Tumawa siya ng bahagya na ikinainis ko.

Pagkatapos niyang mahubad ang sandals ko ay tumayo siya 'tsaka kinuha ang paper bag na linagay niya sa hagdan kanina habang hawak-hawak pa rin sa kanang kamay ang pares na sandals ko.

"Mainit ba ang buhangin?" tanong niya habang nakatingin sa mga paa ko. Tumingin naman ako sa mga paa ko bago umiling at nag-angat ng tingin sa kaniya.

He hugged the paper bag with his right arm and held my back using his left hand to guide me on the way.

I felt peace with him. Ang gaan ng presensya niya. Napakagaan. Hinding-hindi ko malimutan ang araw na 'to.

Ang tahimik namin, tanging ang tunog ng mga alon lang ang naging musika namin. Ang sarap naman ng tanghalian ko, lalo na't kasama ko siya at dito pa sa napakalapad na dalampasigan at kaming dalawa lang.

Napatingin ako sa kaniya nang naubo siya na parang nabulonan. Agad niya namang kinuha ang water bottle sa gilid ng sundae at binuksan ito para uminom. Naka-awang lang ang labi ko habang tinitignan ang ginagawa niya.

Sumulyap ako sa mga alon habang hinihintay siyang matapos sa pag-inom. Tumingin ulit ako sa kaniya nang mapansing sinasarado na niya ang water bottle.

"Ayos ka la--?" Hindi ko natapos ang tanong ko nang lumingon siya sa 'kin habang nagpupunas ng gilid ng labi niya.

"Napaisip lang ako.. may nakita kasi akong post." Tumingin siya sa harap at lumunok.

"'Yong heart daw.. it costs 6 Million tapos 'yong sa 'kin binibigay ko sa 'yo ng libre.. tama, tama." Bumaling siya sa gilid. "Ha! Suwerte mo."

Mas umawang ang labi ko nang marinig ang sinabi niya. Ilang segundo bago ako nagising sa katotohanan at agad na bumaling sa dagat. Timang talaga 'to si Cly kahit kailan. Ano ba nakain niya ngayon?

Bittersweet SummerWhere stories live. Discover now