28

68 14 12
                                    

"Si mommy? Nag-sorry sa 'yo?" natatawang tanong ni Cly, ni-hindi niya na tinanong ulit kung ayos na si Colette. "Buti naman at siya 'yong kusang naka-realize ng mali niya."

"Nalilito ako Cly." Taka siyang tumingin sa 'kin. "Bakit sabi ng mommy mo na sana hindi niya na lang ako dinamay sa mali ng mama ko? Bakit, anong nagawa ng mama ko sa pamilya niyo? Kilala niyo siya? Kasi ako, hindi ko siya kialala."

Napa-awang ang labi niya. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya. Ilang segundo bago niya tinikom ang bibig niya at huminga ng malalim.

"Ganito kasi 'yon, Lei. Nalaman ni mommy na anak kayo no'ng babaeng naging kabit ni dad for 3 years, simula no'ng elementary pa ako. Tapos hindi lang 'yon, binalik-balikan pa ni daddy ang babaeng 'yon." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Mama ko? Kabit ng dad niya?

"Teka-- paano niya nasasabing anak ako no'n?"

"Hindi ko rin alam, may kaibigan kasi si mommy na 'yon ang nagsabi sa kaniya. May connection daw 'yon sa kabit ni dad. Alam mo ba name ng mama mo? Sheila..? 'Yon yata sinasabi ni mommy sa tuwing nag-aaway sila ni dad noon." Napahawak pa ito sa baba niya habang iniisip ang pangalan ng babae.

"Sheila pangalan ng mama mo, pero 'wag mo nang hanapin, hindi nga kayo hinahanap no'n, eh."

Pumasok sa isip ko 'yong sinabi ni tito sa 'min no'ng grumaduate kami ng elementary. Tama, ang mama ko at kabit ng dad niya ay posibleng iisa. But I must not conclude it without asking my uncle.

Pero ang liit naman ng rason ni tita Cresna para isali ako sa kinagalitan niya. Hindi niya siguro alam na pati kami ay biktima lang sa ginagawa ng mama ko.

"Pero pinagsisihan ni mommy 'yon no'ng nalaman niyang iniwan pala kayo ng mama mo. Ewan kung saan niya nakukuha ang mga balita na 'yan. Kaya minsan lumalaki ang away namin sa bahay, eh. Masyadong malapit siya sa mommy ni Chelsea na nagdadala ng mga balita sa kaniya." Kasali na naman si Chelsea. Hindi na ikatatanong kung saan nagmana ang babaeng 'yon.

Natahimik ako at nagbaba ng tingin. Nasaktan ako at naghirap ng ilang taon dahil sa sarili kong ina. Sarili niyang mali at problema na pinapasokan ay nadamay pa kami. Nadamay ako.

"Ayos ka lang, Lei?" Tinapik ni Cly ang balikat ko dahilan para mapatuwid ako ng upo.

"Oo, ayos lang. Bakit naman hindi?"

"Sigurado ka? Baka kasi nasaktan ka sa nalaman mo." Nag-aalala siyang tumingin sa 'kin.

"Masasaktan naman talaga, Cly. Pero wala 'yon. Atleast nagkabati na kami ng mommy mo. 'Tsaka wala na akong pake sa mama ko. Tama, matagal na niya kaming iniwan at hindi ko siya nakilala kaya wala 'yon." Umiling ako at ngumiti. Totoong wala na akong pake sa kaniya. Nasaktan man ako sa nalaman kong ginawa niya pero lumipas na 'yon, dapat nang ibaon sa limot.

Tumango siya at mas lumapit sa 'kin.

"Cly."

"Hm?"

"What do you think your mother will react if she'll know that I'm now your girlfriend?" Lumingon ako sa kaniya at nakita ang pagkunot ng noo niya.

"Girlfriend? Liniligawan you mean-- wait ano?" Nagtataka siyang tumingin sa 'kin na ikinangiti ko. Oo, sinasagot na kita. Pero dapat with a twist. Hm.

"Teka nga!" Umiwas siya ng tingin at napatakip sa mukha. "For real!? Lei, totoo!?" Agad siyang tumayo at masiglang humarap sa 'kin.

Tumayo naman ako at nakangiting tumingin sa kaniya.

"Sampalin mo nga ako!"

"Ha? Bakit? Sinasagot na kita, hindi sinasampal." Natawa siya sa sinabi ko.

Nakangiti lang ako habang pinapanood siya. Tumalikod siya sa 'kin at napahilamos sa mukha. Humarap siya sa 'kin at nang makitang nakatingin ako ay muling tumalikod. Baliw talaga.

"Huy!" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at yinugyog.

"Aray ko! Sige, binabawi ko na--"

"Hindi, 'wag! 'Wag mong bawiin, kinikilig na ako, oh!" Bumitaw siya sa pagkahawak at umatras ng ilang hakbang. Nakangiti ko lang siyang tinignan. Namumula na ang mukha niya hanggang tainga.

"Lei." Lumapit ulit siya sa 'kin at at niyakap ako.

"I love you." Hinalikan niya ang noo ko at sinuksok sa leeg ko ang mukha niya. "I can't lose you again." Nangangalay na ako kakangiti sa lalaking 'to.

"I won't let you lose me, Cly."

Masaya at magaan ang loob ko nang umuwi ako lalo na't tinext niya ako na ayos na raw si Colette at nakarecover na. Nasa bahay na raw at naglalaro sa ukulele na bili niya.

Everything's fine, umabot kami ng ilang months na walang malaking away. Minsan may tampuhan pero agad naman naming inaayos. We celebrated monthsaries through beach date. Doon sa dagat kung saan niya ako niligawan noon, lagi ko siyang nasosolo.

Minsan ay sinasamahan niya ako sa pamimili ng groceries at hinahatid sa bahay. He even blinked the signal light thrice, kung noon ay pangalawa lang, ngayon pangatlo na.

Cly was now more matured than before. He really has improvements. Kapag alam niyang hindi ako komportable sa babaeng kinakausap niya, iniiwasan niya ito kahit hindi ko naman sinasabi sa kaniya.

I learned to be more careful with my words and actions too, kapag napapansin ko o nararamdamang masama na ang epekto nito sa relasyon namin, ititigil ko agad ito at babaguhin.

"It's okay, let's just meet next time kapag free tayo."

We both became more understanding than before, kung noong highschool ay ang saya namin at ang payapa, ngayon ay mas masaya at mapayapa ang pagsasama namin.

["Do you want me to come and bring some icecream?"] aniya sa telepono.

Kapag masama ang pakiramdam ko ay agad kong sinasabi ito sa kaniya. He don't want me to keep a secret about what I feel. Gusto niya kapag hindi maayos ang pakiramdam ko ay dapat alam niya agad.

["I'm here, open your golden gate."] Iyon agad ang narinig ko nang sagutin ang tawag. Agad akong sumilip sa bintana at nakita ang sasakyan niya sa labas ng gate.

Pagkalabas ko ng bahay ay agad siyang kumaway galing sa labas. He never failed to make me feel that I'm not alone in the middle of the night everytime I have my mental breakdown.

Kapag din siya ang hindi okay. Ginagawa ko ang lahat para pasayahin siya.

["I just don't understand myself. Wala naman akong problema kahit sa farm o ibang negosyo. Siguro sa pagod ko lang 'to."]

"Do you want me to come? Dala ako ng icecream at fries--"

["'Wag! Hearing your voice is enough. Basta 'wag ka lang lumabas ng bahay. It's already midnight."]

Ang unfair lang kasi kapag ako ang hindi okay, umaalis siya para lang mapuntahan ako pero kapag siya ang hindi okay, wala man lang akong magawa.

["Lei! 'Yong luha ko kusang tumutulo! For the whole 7 years, hindi ito tumulo nang hindi ikaw 'yong dahilan."] Natawa ako na medyo natuwa sa sinabi niya.

Ang sama ko na, oo, pero nakakatuwang pakinggan na ako lang daw ang nakapagpaiyak sa kaniya sa buong pitong taon.

"I miss you, kalahating buwan na rin tayong 'di nagkikita. Kailan ka pa ba makakababa?" tanong ko sa nagtatampong tono.

["Sorry, may bagyo kasi kaya ayaw akong pabyahe-in ni lola pababa riyan. Kapag ayos na ang panahon, uuwi na ako, didiretso ako sa shop, okay?"] Agad nawala ang tampo ko nang marinig iyon. Ilang ulit na niya iyong sinabi sa tuwing tinatanong ko siya kung kailan siya makakauwi pero mas pinipili kong intindihin siya at piliin ang kaligtasan niya.

I don't want to cause him trouble. I assured him that I'm fine to avoid him worrying about us. Kahit na hindi ko na talaga kaya na hindi siya nakikita at nahahawakan. Naging clingy ako dahil sa pagsasama namin ng higit dalawang taon, at hindi ko na iyon mababago.

["Just tell me if you're not okay, ha? Kahit na wala masyadong signal dito tatawagan kita."]

I failed to hide my smiles when I heard those words from him. Kahit gaano kataas ang pagsasama namin ay hindi ko pa rin maiwasang kiligin at mabaliw sa kaniya. Iba talaga impact ng chinitong 'to.

Bittersweet SummerWhere stories live. Discover now