CHAPTER 2: The X-Neck Serial Murder Case

6.8K 180 11
                                    

"Hindi ba parang maaga pa para sabihin nilang serial murder case ang kasong 'to?" rinig kong sabi nung isang officer na kakapasok lang sa meeting room. May 15 minutes pa bago magsimula ang meeting at kasalukuyan akong nakaupo sa may pinakasulok sa left side ng room.

"Tama ka. Dadalawa pa lang naman ang namatay at hindi pa ganun kasigurado kung magkaconnect nga sila!" sagot ng kasama nitong pulis na may hawak na netbook.

"Hindi lang dalawa ang namatay ano ba kayo!" sabi ng matabang pulis na kararating lang. Tumabi siya sa dalawa at inabot sa mga ito ang dyaryong hawak. "Tingnan niyo, may natagpuang patay ulit kaninang umaga. Katulad ng dalawang nauna, may dalawang gilit sa leeg din ang isang ito at may bagay din na iniwan sa kamay nya. Tatlo na ang biktima at lahat sila pare-pareho ng paraan ng pagkamatay kaya serial murder case na 'to!"

Dalawang gilit sa leeg? At may iniwang kung anong gamit? Message from the suspect? Woah.. this is really an interesting case!

"Ehem!" nagsitahimik na ang lahat nang pumasok ang superintendent na si Mr. Gian Antoine Laurio kasama si uncle Dy. Kilala ko siya dahil malimit siyang bumisita sa daddy ko noong nasa serbisyo pa ito.

"Alam niyo na siguro ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag lahat hindi ba? It's about the serial murder case in our district," panimula niya. Dinisplay sa slide presentation ang picture ng tatlong biktima. "These three people had been killed in the same way. Ang unang biktima ay si Dr. Ronald De Lara, 45 years old, isang professor under internal medicine department sa St. Luke University. Namatay siya noong lunes sa pagitan ng 9 at 10 pm ng gabi. Natagpuan ang katawan niya sa may parking lot ng condo na tinitirhan niya ng mga bandang 3:30 ng guard na on-duty. Ang ikinamatay nito ay ang dalawang hiwa sa may leeg na pumutol sa mga vocal chords niya. May natagpuan ring relo sa kamay nito na walang kahit anong fingerprints. Naicheck na ang mga CCTV sa parking pero mukhang nasa blindspot siya inatake kaya walang pwedeng makuhang lead sa kaso."

"Sir!" nagtaas ng kamay yung isang officer.

"Yes?" tumigil saglit si superintendent.

"Hindi po kaya dying message yung relong natagpuan sa kamay niya?"

"Hindi. Kung makikita niyo sa picture, may suot na analog watch ang biktima." Zinoom-in niya yung picture ng relong natagpuan sa kamay ng biktima. "Digital wrist watch ang nakita sa kamay niya at walang kahit anong fingerprints kaya malaki ang posibilidad na sinadyang iwan ito ng suspek."

Teka...

"Yes—wait! You're not an officer?" tanong niya sa'kin. Tumayo ako.

"I'm Euclid Shellingford sir, pamangkin po ni Inspector Dy," sagot ko sa kanya. Saglit nitong nilingon yung uncle ko at pagkatapos, bumalik ang tingin niya sa'kin. Tinanguan niya ako.

"Ayon po sa sinabi niyo kanina, nasa pagitan ng 9 at 10 PM ng gabi pinatay ang biktima at natagpuan ang katawan nito sa pagitan ng 3 at 4 ng umaga hindi ba?"

"Oo...ganun na nga"

"Kung ganun, bakit 01:17 po ang nasa digital wrist watch?"

"Oo, isa rin yan sa ipinagtataka namin. Mukhang sinet ng suspek sa 01:17 ang oras nito dahil hindi lumilipat ng oras ang relo."

"117... emergency hotline?" mahinang tanong ko sa sarili ko.

"Posibleng emergency hotline ang ibig sabihin ng 117 o pwede rin namang code ito na gustong ipadecode ng suspek. Kung anuman yun, malalaman din natin yan kapag naipon na natin ang lahat ng natitirang clues sa kasong ito," paliwanag ni sir Laurio. Umupo na ako at pinagpatuloy ang pakikinig.

Euclid Shellingford (Volume 2)Where stories live. Discover now