CHAPTER 11: The Disappearance of Nickan Sheedo

4K 133 7
                                    

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I felt like the world has stopped along with the sound of my heartbeats. Time has frozen up for a moment.

"Ui Euclid! Okay ka lang?" I got back to reality thanks to Nicolai's snap.

"Oh sh*t! Si Nickan!" I blurted then hurriedly ran outside. Dumiretso ako sa kotse ko.

"Hey! Where are you going?" tanong niya sabay harang sa daraanan ko.

"Umalis ka diyan! I need to find Nickan!" sigaw ko sa kanya. Bigla niya akong sinuntok.

"Will you calm down first?" napahawak ako sa pisnging sinuntok niya. Damn this Nicolai! Hinablot niya sa'kin yung cellphone na hawak ko. May pinakinggan siya dito at pagkatapos ay ibinalik niya na sa'kin ito.

"Ako na ang magdadrive, kumalma ka!" mahinahon nitong sabi sabay bukas sa driver's seat. Wala na akong nagawa kundi ang umikot at sumakay sa passenger's seat. Agad na inistart nito ang makina pagkabigay ko sa kanya ng susi.

Binuksan ko ulit ang messenger ko at tiningnan ang message ni Nickan.

|>---------0:50

"Euclid! Tulungan mo ko please! *sob* h-hindi ko alam kung nasaan ako! My God! M-may mga lalaking bigla na lang pumasok sa bahay kanina! Takot na takot ako! *sob sniff* Help me Euclid! *sob* --Anong ginagawa mo? (sound of an angry guy at the background) NO! Akin na yan-makulit ka ahh! *sound of slap*"

Napakuyom ako ng kamao. "According to her location bago patayin ang data connection niya, malapit lang siya sa may Street No. 13," seryoso kong sabi kay Nicolai.

"Okay leave it to me!" sabi ni Nicolai at saka binilisan ang pagpapatakbo.

Anong kailangan niya kay Nickan? Bakit pati siya dinamay? Si Kir kaya ang may gawa nito? Asar!

"Sabi dito sa GPS, may mga malaking warehouse na malapit sa lugar, doon ba natin sila ichecheck?" tanong niya nang makarating na kami malapit sa lugar.

"Sige ihinto mo agad ang kotse 'pag nakarating na tayo sa isa," sabi ko sa kanya.

"Pero anong plano mo once makarating na tayo doon? Wala ka man lang dalang baril o kahit anong armas panlaban natin sa kanila?"

Sinubukan kong kontakin si uncle Dy pero walang nasagot. Gayundin si officer Dennis. Dinial ko na rin pati sila Sven pero cannot be reached ang mga phones nila. Mukhang wala na naman sila sa bansa. Asar! Kung kelan kailangan ko ng backup oh!

"Magpaplano tayo kapag nakarating na tayo sa lugar!" sabi ko sa kanya.

"What? Wala ka na namang plano? Baka mamaya niyan maulit yung nangyari sa'tin nung nakaraan ha?" lingon niya sa'kin.

"Just mind your driving! Aish!" inis kong sabi sa kanya. Nanahimik na lang ito at nagpatuloy sa pagdadrive. Nang makarating sa unang warehouse, dali-dali akong bumaba at maingat na lumapit sa gate nito. Mukhang abandonadong warehouse na ang napuntahan namin. Kalawangin na ang gate nitong kulay pula at medyo may sira na. Medyo may kalayuan ito mula sa susunod na gusali sa lugar.

"Humanap tayo ng madadaanan sa likod!" mahina kong sabi kay Nicolai na nakasunod na sa akin. Naglakad kami sa gilid nito hanggang sa makarating kami sa likod kung saan may wasak na gate na parang sinadyang banggain.

"Woah! Kawawang gate, mukhang basta na lang siyang binangga ah?" komento ni Nicolai. Pinagmasdan ko ang bakas ng nawasak na gate. Medyo nabura ang pintura nito dahil sa lakas ng impact. Maingat kaming pumasok sa loob. Bakas pa rin sa mabuhanging daan ang gulong ng sasakyang dumaan dito. Dalawang pares ng parallel lines ang nandito, isang papasok at isang palabas.

Euclid Shellingford (Volume 2)Where stories live. Discover now