CHAPTER 35.2: The Coinciding Cases at Elite's Academy (Part 3)

965 28 7
                                    

A/N: Just as promised, this chapter is dedicated to my 4000th follower: @itimnahangin 

Happy New Year everyone! <3  

***

** Back to Euclid's POV **

"So your friend, Ms. Alyana Robles sent you this e-mail a week before she died, huh?" Dahan-dahan akong lumapit sa PC na siya ding hinack ng kung sinumang pumasok dito kani-kanina lang.

"Hindi kaya nagkamali lang ng send si Ms. Robles kay Ms. Alcid ng e-mail?" napapaisip na sabi pa ni Uncle.

"Imposible! Ni minsan ay hindi pa nagkakamali sa pagsend ng message si Alyana sa'kin! She was always a very perfectionist and meticulous woman. Gusto niyang pinag-iisipan muna lahat bago siya gumawa ng kahit na ano kaya imposibleng nagkamali lang siya ng send!" tanggi naman ni Ms. Alcid.

"Kung ganun, posibleng sinend yan sa'yo ni Ms. Alyana, knowing that she's gonna be killed in a matter of time," I looked at the screen displaying the three names connected to the VP's death. "We have to start connecting the dots now. So, do you know these three people here?"

"Ha? Hindi..." agad na sagot nito pagkasulyap sa screen ng PC.

"But it looks like one of them was connected to your friend..." Razor said.

"Ahh... baka naging boyfriend niya or fling? Hindi ko naman kasi siya tinatanong about her love life," nakanguso pang sagot nito. Naalala ko tuloy si Nickan bigla sa kanya.

Speaking of my girlfriend, I kind of missed her already.

"It looks like we have no choice but to see them one by one?" Razor suggested.

"Ahh, pero..." halos sabay kaming napalingon kay Ms. Alcid.

"What is it, old hag?" nakangiti pang tanong ni Razor dito. Mukhang nawili na talaga siya sa tawag niyang iyon sa babae.

"Wala naman, iniisip ko lang kung may balak ba kayong ipagpabukas na ang pag-imbestiga? It's almost midnight na kasi!" nakapameywang pa nitong sabi at saka inirapan si Razor.

"Oh shoot! I forgot about the time!" napangiwi pa ako nang makita kung gaano na pala ka-late.

"So, pwedeng umuwi muna tayo?" Ms. Alcid suggested.

"Ang mabuti pa nga'y ipagpabukas na nga natin ito, hijo," sang-ayon din ni Uncle.

"Sige po Uncle. Razor, ikaw nang bahala kay Ms. Alcid ha?"

"Ha?" aangal pa lang sana ito nang samaan siya ng tingin ng huli. "Okay fine, I'll take care of the old hag!"

"Thank you po sa cooperation ninyo, we'll go back tomorrow!" sabi ko naman sa mga guards. Tinapik ko naman sa balikat si Nico na kanina pa tahimik sa isang tabi.

"Tahimik ka yata?"

"I'm just a little bit sleepy. Maybe I'll gulp another round of caffeine later."

"Yes, you better do," tumatangu-tango ko pang sabi sa kanya.

"Tsk. Don't tell me..." sinamaan niya ako ng tingin. Napangiti naman ako.

"What coffee do you want? I'll treat you!"

***

Luxury Village, Shellingford Residence, TIME: 01:05 AM

"Done!" Nico exclaimed then leaned his back on the sofa. Napangiti naman ako nang makita ang data na nakalap niya tungkol sa tatlong taong kailangan namin. I asked him a while ago to use his connections to gather data about the probable suspects on the present case. Mabuti na nga lang at pumayag siya matapos ko siyang bilhan ng kape sa isang coffee shop na 24 hours bukas.

Euclid Shellingford (Volume 2)Where stories live. Discover now