CHAPTER 13.2: The Body that has remained Unnoticed (Part 3)

3.2K 116 5
                                    

March 26, Southeastern Academy's Gymasium


1:10PM

Nang madiscover namin ang bangkay ni Marlo Marasigan sa storage room ng gym, dumating agad sila uncle Dy at sinecure ang crime scene. Tinawagan na din ang mga magulang ng biktima at maya-maya pa, dumating na rin ang mga ito.

"Mukhang pinukpok siya sa ulo ng isang matigas na bagay based on the big wound on his head," report ni officer Dennis. Tiningnan ko ang pinto papuntang storage room. May space malapit sa tatlong baitang na hagdan.

"It's possible na dito siya pinukpok ng salarin sa taas, naout-of-balance siya at nahulog sa baba kaya may mga natamo din siyang gasgas sa mukha at mga braso," sabi ko dito.

"Mukhang tama ka nga diyan boss Euclid, kailangan na lang magconduct ng luminol test dito para maconfirm ang hypothesis natin," sabi niya pa habang tinitingnan ang maliit na notebook na hawak.

"Pagkatapos siyang patayin, ipinasok siya sa loob ng storage room at inihulog sa malaking box, pinatungan ng mga bola at saka nilinis ang crime scene..."

So this is really a planned murder.

Iniwan ko muna si officer Dennis at saka nilapitan si Nickan na binabasa ang mga sinulat niya sa notebook niya.

"How's their alibis?" tanong ko sa kanya.

"May matinong alibi lang sa kanila sila Big boss, Vince, Aljon, at JJ na sabay-sabay umuwi noong Monday night after practice. Si Alexis nakipagtalo pa daw kay Marlo kaya nahuli siyang umuwi. It was about Tala, Alexis' girlfriend. Mukhang nabastos yata ni Marlo yung girlfriend ni Alexis kaya sila nag-away. Si coach Palma din daw, nakipag-usap pa kay Marlo that night regarding the sponsorship of Marasigan group of companies. Tapos, si Arvienne na manager nila, umuwi din daw agad after the game pero walang makakapagpatunay dahil wala siyang kasabay."

"So apat lahat ang suspects natin," I said while touching my chin.

"Apat? Sino yung isa?"

"Kevin Huizo, freshman," sagot ko sa kanya. "At una natin siyang pupuntahan."

***

Since Saturday ngayon, walang regular class sa Southeastern Academy. Marami lang students ngayon dahil sa qualifying game kanina for the interhigh competition. Kinuha ko yung wallet ni Kevin na nilagay ko sa bulsa ko kanina at tiningnan ang school ID dito. Tulad ng inaasahan, nalaman namin mula dito ang address ng unang suspek na iimbestigahan namin. Nagpaalam na muna ako kay Vince at kina uncle Dy na aalis saglit at pagkatapos ay dumiretso na kami sa parking lot kung nasaan ang dala kong kotse.

Papasok na sana ako sa kotse ko nang may isang lalaking humarang sa daraanan namin. He's wearing a black hoodie jacket at nakashades pa na black. Napakunot ang noo ko nang magsalita ito.

"Ikaw si Euclid Shellingford di ba?" tanong niya sa'kin sabay tanggal sa shades na suot.

"Yes?"

Mukhang huminga muna ito ng malalim at saka nagsalita ulit. "I'm Phillipse Lynx Cromwell, isa po ako sa mga taga-hanga mo!" nakangiti nitong sabi sabay kamay sa'kin.

"What?"

"Naririnig ko kasi yung uncle ko na ikinikwento ka before. You were the one who solve the case of the stabbed mistress who was killed by his husband right? Also the setup murder-burglar case which turns out to be a suicide case at the Parkview Village? And also the-"

"Wait Mr. Cromwell! Are you my boyfriend's stalker?" naniningkit ang matang tanong dito ni Nickan sabay tanggal sa kamay ni Phillipse sa kamay ko. Napatawa naman ako.

Euclid Shellingford (Volume 2)Where stories live. Discover now