CHAPTER 22.2: The Case of the Suspicious Claws (Part 3)

2.5K 79 20
                                    

"How’s your investigation?” nakasimangot na tanong ni Nhie matapos maupo sa tabi ko. Nakabalik na kami sa resort pareho at kasalukuyang nagpapahinga sa may veranda ng resort.

“I’ve got an idea about the series of events that occurred here pero wala pa akong matibay na ebidensya para malaman kung tama nga ang mga hinala ko o hindi,” tumigil ako saglit at saka uminom ng chocolate shake mula sa basong hawak ko. “How about your interrogation with him? Did it go well?”

“He told me about the marriage of his parents. Almost 8 years ago na daw nang magpakasal ulit yung mom niya and it was the victim we saw earlier, Mr. Raphael Damian. Wala daw siyang masyadong alam sa step-dad niya bukod sa masyado daw itong malihim at maingat.”

“So he found his step-dad suspicious?”

“Yeah. Sa tingin niya daw ay may mga ka-transactions ito na mga negosyanteng taga-Black Market,” halos pabulong pa na sabi niya sa’kin. So that’s it. That’s the reason behind his suspicious actions a while ago. He probably thought his step-dad went in an illegal transaction at ayaw niya lang na pag-isipan siya ng masama. Ayaw niyang madamay.

“Oo nga pala, tinanong ko din siya kung may alam siya about the gold coins,” napatingin ako sa kanya.

“And?”

“Sabi niya, nung isang beses daw na sumilip siya sa kwarto ng parents niya, nakita daw niyang nagbibilang ng gold coins ang step-dad niya.”

“Hmm…,” inubos ko na ang laman ng baso ko at saka tumayo. 

“May pupuntahan ka?”

“Dadalaw sa hospital, you wanna come?”

***

Saglit lang ay nakarating naman kami sa hospital. Naabutan pa namin ang ilang pulis na nakabantay sa labas ng kwarto ng biktima. Sinenyasan ko lang ang isa sa mga police officers at saka nagpaalam na sasaglit lang kami sa loob.

“I’m telling you, it’s him! That creature from 10 years ago!” bahagya pa naming narinig mula sa lalaking nakatalikod sa may bintana. May kausap siya sa cellphone kaya hindi niya alintana ang pagbukas namin sa pintuan.

“Hik!” napatingin ako kay Nickan nang marinig ko ang pagsinok nito. Nag-peace sign naman ito sa’kin. Mukhang napansin naman na kami ni Mr. Damian dahil dito.

“I’ll call you later,” sabi pa nito sa kausap at saka dali-daling ibinaba ang tawag. Dahan-dahan naman niya kaming hinarap.

“Good afternoon sir, I’m Euclid Shellingford and this is my girlfriend, Nickan,” bati ko sabay lahad ng kamay.

“Ahh kayo ang nakakita sa’kin sa loob ng kweba hindi ba? Mabuti na lang at marunong kang magbigay ng first-aid hijo!” nakangiti pa nitong sabi habang magiliw na tinanggap ang pakikipagkamay ko.

“Mabuti naman po at mukhang okay na kayo,” sabi ko sa kanya.

“Mga kaibigan po kami ni Dylan,” sabat ni Nickan. Magkahalong gulat at tuwa naman ang bumaha sa mukha nito. Inalalayan namin siyang bumalik sa pagkakahiga sa kama nito.

“Pwede po ba naming malaman kung bakit nasa kweba kayo kanina?” maang itong napatingin sa’kin. Napansin ko rin ang paglunok nito at makailang-ulit na pagkurap.

“N-namamasyal lang ako kanina sa buong rancho at nagkataon lang na napadpad ako sa loob ng kweba,” sabi nito sabay pilit na ngumiti.

“Ahh… akala ko po’y nagtetreasure hunting kayo kanina,” bigla itong namutla sa sinabi ko. Bahagya ring tumaas ang pulse rate nito base na rin sa naka-display sa aparatong nasa tabi ng kama nito.

Euclid Shellingford (Volume 2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora