CHAPTER 32: Shot and Strangled

2K 53 8
                                    

"It's the things that you least expect that hit you the hardest."

"You have said a while ago that there are only three people who entered the room. That is not entirely true, right?" I paused and waited for him to show any reaction. "There was actually someone who was already in the room with him in the first place."

Uncle Dy flashed a smile, a reaction I was actually expecting. "You're right, Hijo."

"As the victim's secretary, Ms. Connie has all the access on his room idagdag pa na may relasyon sila ng biktima. She had all the time on that day to set up her plan."

"At ano naman sa tingin mo ang naging plano niya para patayin si Mr. Gomez?"

"For someone who will meet the company's Vice President and a business client, hindi ba nakakapagtakang naka-long sleeves lang siya?" I crossed my arms at saka sumandal sa sofa. Binuksan naman ulit ni Uncle ang folder at saka tiningnan ang mga pictures ng biktima nang matagpuan itong wala ng buhay. The victim only wears a white long sleeves na nakatuck-in and black slacks.

"Kindly take a look at the third picture on the second row, Uncle. Doon mo makikita ang ginamit ng killer niya para patayin siya," sinunod naman nito ang sinabi ko at saka tiningnan ang picture. Nasa background ng picture nito ang table ng biktima at pati na din ang nakasabit nitong coat and tie. "Sa tingin ko po, ginamit ni Ms. Connie ang necktie ng biktima para iipit dito ang bubuyog at makagat ang biktima. As someone who is busy talking to an important person, hindi mo na mapapansin kung nakagat ka man ng kung ano sa leeg mo o kung hindi naman, posible din namang ginawa din sa kanya yung ginawa kay Ms. Emily Brent sa story ni Ms. Agatha Christie."

"And that is?"

"A poison was actually injected at pinagmukha lang na bubuyog ang may kasalanan dahil may nakita silang bubuyog na lumilipad malapit sa katawan ng biktima. In the case of Mr. Gomez, may natagpuan ding mga patay na bubuyog malapit sa katawan niya, hindi ba? At dahil may allergy sa bubuyog ang biktima, inakala nilang bubuyog nga ang pumatay dito na kung tutuusin ay pwede din namang lason na may similar effect sa bee sting."

Uncle slowly clapped his hand at saka nakangiting tumingin sa'kin. "Tama lahat ng sinabi mo. It was Ms. Connie Cortez who killed Mr. Gomez. She used the victim's necktie para ma-inject sa leeg nito ang lason na nakapagtrigger din ng allergy ni Mr. Gomez. It turns out na nahuli ni Ms. Nieves si Ms. Cortez na inaayos ang crime scene habang nasa lapag si Mr. Gomez at inaatake ng kanyang allergy. Pinatahimik ni Ms. Cortez si Ms. Nieves at dahil may sama din naman ito ng loob sa biktima ay umayon na siya sa plano. Nagpanggap siyang walang alam sa kaso nang tanungin siya ng mga pulis during interrogation."

"Si Ms. Connie din ang naglagay ng note sa coat ni Mr. Gomez?"

"Yes. Tinanong namin siya tungkol doon at ang sabi niya ay may tumawag na lang daw sa kanya isang araw at nagsabi na tutulungan daw siyang patayin si Mr. Gomez and how to get away with it. Napapayag naman siya sa huli kaya sinunod daw nito ang lahat ng sinabi ng contact niya."

"Sinabi niya po ba kung sino ang contact niya?"

"Bigla siyang namutla nang tanungin namin siya tungkol sa identity ng contact niya at pagkatapos ay sinabi niyang hindi daw niya ito kilala. Acccording to her, they were only communicating via messenger."

"Hmm, under that name right?"

"Name?"

"Real 1977. I'm sure it's the name of the account who messaged and motivated her to act."

Same with the other victims.

"Sige, ipapatanong na lang namin yan sa trial niya."

Siyang pagkuha ko sa susunod na folder ay dumating naman si Nicolai dala ang tray na may mga kape namin. Inabot nito sa'kin ang Hot chocolate habang Black Coffee naman kay Uncle.

Euclid Shellingford (Volume 2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora