CHAPTER 38.1: The Case of the Girl in Black (Part 2)

726 23 18
                                    

"The deceased is Mrs. Melissa Sarmiento, 32 years old. She is the wife of Mr. Lloyd Sarmiento, a corporate director at Yokohama Industries and the first discoverer of her body. Initial verdict: suicide due to drug overdose," basa ni Uncle Dy sa isinulat nito sa note nito. Kasalukuyan ng chinecheck ng forensics ang buong crime scene.

"Mr. Sarmiento, paano mo nalamang nandito sa room na ito ang asawa mo?"

"Ang totoo niyan ay anniversary namin ngayong araw at balak ko sana siyang sorpresahin. Pagdating ko sa bahay ay hindi ko siya makita kaya hinanap ko siya kung saan-saan. Tapos pagbalik ko this eve, may nakita akong suicide note sa kwarto namin," iniabot naman nito ang papel kay Uncle. Nakitunghay din ako dito para alamin kung anong nilalaman nito.

It's a short hand-written letter in cursive, well-written in a brown stationary paper.

Sorry for not being enough and for loving you too much. I'll go first on the place where we first met and then I'll bid goodbye. Forever. – Melissa.

"So this is the place where you two first met?" tanong ko sa kanya.

"O-Oo, dito kasi ako dating nagtatrabaho tapos naging guest namin siya noon..."

"May alam ka bang dahilan kung bakit ginawa ito ng asawa mo?"

"I don't know. I really have no idea... Ang akala ko'y okay naman kami," parang wala sa sariling sagot nito. Ilang hakbang lang mula sa pinto nakahandusay ang katawan ng bitima. Nilingon ko ang bedroom na nasa kanan, nakasarado ang pinto nito.

Bakit hindi na lang siya nagsuicide sa kwarto?

Napabuntong-hininga na lang ako. Maya-maya pa'y lumapit na ako sa katawan ng biktima na kasalukuyang kinukuhanan na ng litrato ng forensics.

"Mga ilang oras na po kaya ang nakakalipas simula nang mamatay siya?" tanong ko sa isa sa mga forensic officers.

"Hindi ko pa masabi sa ngayon ang exact time of death pero sa tingin ko ay wala pa sa isang oras mula nang mamatay siya."

"Pero malamig po dito sa kwarto kaya posible pong maging inaccurate ang time of death hindi ba?"

"Oo ganun na nga. Mas mabagal ang pag-rigor mortis ng katawan niya. Kung iko-consider natin iyon, posibleng namatay siya one to two hours ago."

"Hmm..." I looked at the body as I tried to imagine her image as I saw her in the elevator a while ago. She's still wearing the same long black dress na medyo nagusot na and her black stilettos na nasa paanan lang nito. I looked at the glass table and found her black pouch on it.

I looked at my watch and found that it's only quarter to ten, about forty five minutes after I came here.

"What about the CCTV, Uncle?"

"Pinapunta ko na si Officer Dennis para i-check ang CCTVs dito sa floor na 'to at pati na din sa elevator," sagot nito.

"P-Para saan pa?" napalingon kami kay Mr. Sarmiento sa tanong nito. "Bakit kailangan pang i-review ang CCTV? Hindi ba nagsuicide ang asawa ko?"

"Gusto lang namin alamin ang buong detalye Mr. Sarmiento," sagot dito ni Uncle. I looked at his reaction.

Hmm... he seems a little bit worried. Worried for what?

Nilingon ko yung manager na nasa labas lang kasama ng bellboy na kumatok sa room namin kanina at ni Mom na seryosong nakacrossed arms lang at nakatingin sa'kin.

"Saan po banda yung control room niyo dito?" tanong ko sa manager na mukhang nahimasmasan naman na sa nasaksihan.

"Ahh yung may mga CCTV monitors ba? Nasa baba po!" Lumapit naman ako dito.

Euclid Shellingford (Volume 2)Where stories live. Discover now