CHAPTER 13.3: The Body that has Remained Unnoticed (Part 4)

3.2K 114 4
                                    

"After the discovery of Marlo Marasigan’s body a while ago, akala ko doon lang mafofocus ang kasong ‘to. I never thought you would call right away saying na may patay na namang estudyante Euclid,” naiiling pang sabi ni uncle Dy pagpasok nila sa room. Kinuha na nila ang bangkay ni Kevin sa C.R. at dinala na sa forensics lab para maanalyze.

“Hindi rin namin inakalang ganito ang madadatnan namin dito uncle. I thought he was the fourth suspect we were looking for in this case,” sabi ko sa kanya.

“Fourth? Sino yung tatlo pang pinaghihinalaan mo?” tanong niya.

“Coach Palma, Alexis and Arvienne,” sagot ko. Tumangu-tango naman ito at maya-maya, tinawag niya si officer Dennis at sinabihang tawagin ang mga hinihinala naming mga suspects. Iniabot ko naman sa isa sa mga officers yung flashdrive na inabot ni Phillipse kanina para mareview ito.

Inikot ko ang mata ko sa paligid at nakita kong may tinitingnang kung anong notebook ang dalawa. Lumapit naman ako sa mga ito at tiningnan kung anong hawak nila.

“Journal ba yan ni Kevin?” I asked.

“Oo nakita namin dun sa ibaba ng mesa,” sagot sa’kin ni Nickan habang binubuklat ang mga pahina.

“So is there something weird? Clue or anything?”

“May napansin ako kuya Euclid!” sabi ni Phillipse. Napatingin ako dito. “Mukhang hindi lahat ng dates ay nagsusulat siya ng note. Pili lang ang sinusulatan niya and it’s either he was happy that day or he was sad, like this one,” tinuro niya yung isang page.

February 3: I won the photojournalist award!
March 13: Broke bcoz of M.A.M. SHIT.

“M.A.M? Wait… is this…”

“Marlo A. Marasigan,” dugtong ni Phillipse sa gusto kong sabihin.

So he was consistently being bullied by him…

Pero teka…

Tiningnan ko ulit ang malaking kalendaryo sa may dingding.

So that was… it…

“Baka gusto niyo ng sabihin kung bakit namin kailangang pumunta dito?” napalingon kami sa mga kararating lang na sina Alexis, coach Palma at Arvienne.

“Kevin Huizo was killed here last night at posibleng isa sa inyo ang may gawa nito,” sagot ko sa tanong ni Alexis.

“What? Pinaghihinalaan mo kaming mga suspects? That’s ridiculous!” napapailing pang sabi ni coach Palma.

“Bakit pati ako kasali? Pa’no ko naman magagawang pumatay ng tao?” tanong ni Arvienne.

“Kayong tatlo lang sa team ang walang matinong alibi nang gabing mamatay si Marlo kaya kayo lang ang mga posibleng suspects. Kung mabibigyan niyo kami ng concrete alibi, aalisin agad namin kayo sa list namin at maghahanap kami ng ibang possible suspects,” paliwanag ni uncle Dy sa mga ito.

Pero sa tingin ko hindi na kailangan pa ng ibang suspects…

“Wala namang dahilan para patayin namin si Marlo at Kevin ah? Dahil lang walang makakapagpatunay ng mga alibi namin, kami na agad ang pinaghihinalaan niyo?” reklamo ni Alexis.

“Oo nga! Wala kaming alam sa pagkamatay nila!” sang-ayon ni Arvienne.

“Ano ‘to, Mar.15: Found scoop about Anyssa Mae Yabez?” rinig naming sabi ni Nickan hawak pa rin ang journal ni Kevin. Napansin ko ang pagbabago sa ekspresyon ng tatlo. Nabahiran sila ng pagkabalisa at halata ang kaba sa mga mukha nila.

Euclid Shellingford (Volume 2)Where stories live. Discover now