CHAPTER 14.1: The Mystery of the Falling Body (Part 2)

3.6K 115 14
                                    

Time check: 10:03AM

Nagsimula na akong mag-exam. Focus lang Euclid! Kailangan mo 'tong maperfect! After 10 minutes ay nireview ko lahat ng sagot ko at saka binitiwan ang hawak kong ballpen. Tiningnan ko si Nickan sa tabi ko na seryosong nagsasagot pa.

Sinukbit ko na ang backpack ko at saka tumayo na't dire-diretsong lumapit sa proctor dala ang testpaper. Mukhang nagulat naman ito sa maagang paglapit ko.

"Tapos ka na agad?" tanong niya. Tumango naman ako at saka iniabot ang hawak kong testpaper. Tiningnan muna nito ang 4 pages na exam at saka ibinalik sa'kin ang tingin. Kinuha nito ang cellphone sa tabi ng brown envelope at saka iniabot sa'kin. "Pwede ka ng lumabas.. natawagan ko na rin yung pinapatawagan mo," nakangiti pa nitong sabi. Tinanguan ko lang ito at saka nilingon si Nickan na pasimpleng tumingin din sa'kin. Sinenyasan ko siyang sumunod agad pagkatapos ng exam.

Nang makalabas ay huminga muna ako ng malalim.

Okay Euclid, it's deduction time!

Tumakbo ako papunta sa elevator at saka pinindot ang ground floor. Ilang saglit pa ay nasa harap na ako ng mga nagkakagulong mga tao. May ambulansya na rin at ilang police mobiles.

"Boss Euclid!" napalingon ako sa tumawag sa'kin.

"Officer Dennis! Anong lagay ng nahulog?" agad kong tanong sa kanya.

"Naku nakakatakot yung itsura! 10 storey-building ba naman ang binagsakan! Ito yung mga kinuhanan naming pictures! Akala ko nga madadatnan ka kaagad namin sa crime scene since school mo 'to pero, iba ang nadatnan naming nag-iimbestiga kanina," sabi nito sabay abot ng mga pictures ng crime scene.

"Sinong nag-iimbestiga kanina?" kunot-noong tanong ko.

"Hi boss!" lumingon ako sa kanan ko at maluwang akong napangiti nang makita siya, si Nessaj.

"Oy Nessaj! What brought you here?" tanong ko sabay tapik sa balikat niya.

"Err... some personal matters boss!" sabi nito sabay pilit na ngumiti. He's still secretive as always.

"Siya yung naabutan kong nag-iimbestiga sa crime scene kanina boss Euclid! Magkakilala kayo?" sabat ni officer Dennis.

"Ahh yeah... he's an M.I agent too, meet Nessaj. Nessaj, he's officer Dennis," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Nice meeting you officer!" magalang na sabi dito ni Nessaj.

"So what's the verdict of this case?" tanong ko kay Nessaj.

"May... 3 friends or classmates of the victim na nagsasabing nagsuicide daw yung girl," muntik na kong matawa sa pagpipilit nitong magtagalog. "Hey don't laugh at me! I'm trying here!"

"Haha sorry bro! You looked cute!"

"Cute? Sh*t! That gives me some chill!" sabi nito sabay arteng parang kinilabutan bigla. Napatawa naman ako. Nilingon ko yung tatlong taong tinutukoy niya na kausap ni uncle Dy. Pamilyar yung isang lalaking kasama nila. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung nakita namin ni Nickan kanina na kasama nung babaeng namumutla sa may library.

"What's the name of the victim?"

"Catherine Ferrer, 18 years old, Physics major," mabilis na sagot ni officer Dennis. Tama ako. Sila nga yung kaninang nasa library. Kung ganun, ang tatlong nandito ngayon ay posibleng yung tatlong kasama niyang pumasok sa library. Pumikit ako saglit para alalahanin yung mga pangalang nakita ko sa logging sheet.



Catherine Ferrer


Manuel Carrazo


Timothy Reyes

Euclid Shellingford (Volume 2)Where stories live. Discover now