CHAPTER 20: Unexpected Visitors

3K 96 17
                                    

"Did you see that expression on Euclid’s face? Haha it’s really amusing!” tuwang-tuwang sabi ni Kir habang nakatanaw pa sa lugar kung saan may pagsabog ilang minuto lang ang lumilipas gamit ang hawak na binoculars.

“I guess he wasn’t really expecting a time bomb there eh?” bale-wala lang na sabi ni JTR habang naggugupit ng kuko.

“Haha sayang at mukhang nakapagsalita pa yung matandang detective sa likod! Nakapagsumbong pa nga!” napailing-iling na sabi ni Naix habang naglalaro ng COC sa cellphone.

“Ano ka ba? That makes it exciting kaya! Isipin mo, paano na lang kung namatay nga doon si Euclid? Eh di boring na?” sabat naman ni Luna habang nagmemake-up. Saglit lang at nilingon nito ang sinundo nilang si Axle. “Hindi ka ba marunong magsalita? Magpakilala ka naman!”

“Siya nga pala, siya si Axle John Trinos, our new member,” pakilala ni Kir dito. Tumayo naman ito at saka lumapit kay Luna.

“Nice meeting you… I’m Axle, but you can also call me Trax,” inilahad nito ang kamay sa magandang babaeng nasa harap.

“Hazel Nanca, Luna for short!” sagot niya na sinabayan pa ng kindat. Nag-umasim naman ang mukha ni Naix at JTR na nakatingin lang sa dalawa. Napailing-iling naman si Kir na nakangiti pang nakatingin sa mga ito.

“Meet the other members too Trax. This is Naix and JTR, Moriarty’s sister,” pakilala niya sa dalawa pang member.

“Moriarty?”

“Yeah. I told you before right? Moriarty is James Randall… the man you idolized,” nakangiti nitong sagot.

“Where is he?”

“Rubix Cube, M.I. Headquarters, Caythorpe, Lincolnshire, England. Doon siya kinulong ng mga M.I agents.”

“Wala bang paraan para mapatakas natin siya?”

“None, as of now. But it won’t take long…” nakangiting sabi ni Kir dito.


***


“Okay ka lang ba?” tanong ni Nickan sa’kin. Umuwi na kami sa resort matapos naming masigurong stable na ang kondisyon ni tito Greg at inspector Hattori. Huminga ako ng malalim at saka humarap sa kanya.

“I’m okay… nagugutom ka na ba?” tanong ko naman sa kanya. Umiling lang ito at saka yumakap sa’kin.

“It’s getting dangerous… Kir and his group,” mahina nitong sabi. She was asking how am I a while ago gayung siya naman pala itong hindi okay.

“I know… kaya kailangan nating mag-ingat,” I said while patting her head.

“Ehem!” rinig namin kaya agad kaming naglayo. Nalingunan namin ang isang matangkad na lalaki na may suot pang kulay itim na sombrero. He’s also wearing a plain white shirt and denim pants na may sadyang punit sa bandang tuhod.

“D-Dylan!” agad na sigaw ni Nickan at niyakap ang lalaki.

What the heck?

Okay, he looked the same age as ours so mukhang kababata siya ni Nickan. Mukhang matagal na rin silang hindi nagkikita kaya ganun na lang ang tuwa ni Nickan nang makita ito muli. Yun lang naman di ba? Nothing to be jealous—oh come on Euclid, bakit ka naman magseselos?

Matapos ang ilang segundo ay lumayo na dito si Nickan. Ginulo naman ang buhok nito ng lalaki. “You’re still the most beautiful girl here Nickan!”

“Haha kahit kelan bolero ka pa rin!” nakangiti pang sabi dito ni Nhie.

Wait, akala ko ba down siya kanina?

Euclid Shellingford (Volume 2)Where stories live. Discover now