CHAPTER 37.1: The Case of J (Part 2)

688 20 9
                                    

"Euclid!" agad kaming sinalubong ni Jonathan na halatang kinakabahan. Dito kami dumiretso sa Engineering building kung saan gusto nilang makipagmeet.

"I've seen the papers around," agad na sabi ko sa kanila at saka iginala ang tingin sa buong kwarto. We're in the computer laboratory. Naramdaman ko naman ang pagsara ni Jonathan sa pinto sa likod ko.

"Oo nga eh! Mukhang kung sinuman ang nagpadala ng letter na iyon ay desidido na talaga siya sa binabalak niya."

"So what do you want to tell me?"

"Are you familiar with military secrecy?" seryosong tanong ni Jake at saka tumingin kay Nickan. I sighed.

"What you see, what you hear, when you go, leave it hear," kaswal kong sagot.

"This is a sound-proof room and we have disabled the CCTVs. What we're going to tell you now, you need to promise us that you will not tell anyone."

"I can't promise you that."

"Ha?" mukhang hindi niya inaasahan ang sagot ko.

"To protect you, we must tell the police the reason why you're being targeted, right?"

"Pero—" sinenyasan ni Jake si Jonathan.

"I guess it can't be helped. Ang totoo niyan, ngayon lang namin naalala kung anong ibig sabihin nung letter," seryosong sabi ni Jake at saka ipinakita sa amin ang laptop niya. Nakadisplay dito ang isang malaking titik J. "This is what the screen displays after we hacked a system... in the past."

So it was really their identity.

"So kayong tatlo nga ang naghack ng system ng E.A last year?" Mukhang nagulat naman sila sa naging tanong ko.

"So you've also heard about it..." tumatangu-tango pang sabi ni Jake. "Kaming tatlo ang nagtulung-tulong para masigurong magiging successful ang panghahack last year."

"Wala naman talaga kaming masamang intensyon kaya lang ay..." bakas sa mukha ni Jonathan ang pag-aalangan. "May nag-offer sa'min ng trabaho."

"Trabaho? Anong klaseng trabaho? At saka, sino yung nag-offer sa inyo?" tanong ko.

"I don't know. Nag-email lang siya sa amin noon saka madali lang naman kasi yung pinapagawa niya kaya pumayag kami and besides, nangangailangan kami ng pera nang time na iyon..."

"Ang instruction sa'min, kailangan naming makuha lahat ng information tungkol sa mga board members especially their assets and transactions in and out of school."

"Yun nga lang ay, naapektuhan yung ilang database at nacorrupt din yung online enrollment system."

"So they are really after some proofs... tell me, paano niyo ipinadala yung data?"

"Iniwan namin sa comlab. Teka, heto yung e-mail nya before pagkatapos naming mahack yung system at magawa yung gusto niya," may pinagkiclick si Jake sa laptop niya at pagkatapos ay ipinakita sa'min ang e-mail.

Leave the SD card at 601 023. -K

601 023? The same information sent to Ms. Alyana's e-mail.

"So they were really involved..."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jake.

"I think I know who gave you the job."

"Talaga? Sino? May kinalaman ba siya sa threat na natanggap namin?" tanong ni Jonathan.

"No, he's not."

Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit niya ipinadala ang e-mail kay Ms. Alyana. Kir foresaw everything again. He knew that there will be a case that will involve these guys. He sent the message for me.

Euclid Shellingford (Volume 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt