CHAPTER 18: Black Recruit

3.1K 99 12
                                    

Dedicated to: @jessicapuertizano (*^^*)

***

AREA No. 13 of BHU
5:30PM

“C’mon girls, go get that bitch!” sabi ng maangas na babae sa dalawa niyang kasama. Bumaba ang mga ito sa sinasakyan nilang black Ferrari at nilapitan ang babaeng nakatayo sa gilid ng kalsada. She was wearing a school uniform at mukhang naghihintay lang ng sundo. Hindi niya alintana ang paglapit ng dalawang babaeng kapwa nakaschool uniform din na katulad ng sa kanya.

Nagulat ito nang bigla na lang siyang haklitin ng dalawa at pilit isinasakay sa kotse. Walang masyadong tao sa lugar na iyon kaya walang nakapansin sa nangyari. Nagsisigaw siya pero wala rin itong naitulong. No one was there to rescue her. Tinutukan siya ng baril ng isa sa kanila kaya napatahimik siya. Sinenyasan naman nito ang kasama at saka itinali ang kamay niya. Knowing that she has no other choice, sumunod na lang siya at sumakay sa kotse.

“M-Macie? What’s the meaning of this?” hindi makapaniwalang tanong ng babae pagkakita niya sa babaeng nakaupo sa passenger seat. She was indeed her schoolmate, the bully queen Macie Marimon.

“How are you Hazel? Did you miss me?” malditang tanong pa ni Macie sa kanya at saka itinaas ang suot na shades. She has this reddish brown eyes na gawa ng suot niyang contact lens, bagay na bagay sa manipis at mapula niyang labi. A typical flirt, isip-isip ni Hazel.

“Why are you doing this? Are you out of your mind?” sigaw ni Hazel sa kanya. Tumawa lang na parang baliw ang babae. Ngayon na medyo nakabawi na siya sa pagkabigla, saka lang niya nakilala ang dalawa pang babaeng nagpumilit sa kanyang pumasok sa kotse. “Lizzy and Anne? You’re friends with this bitch?”

“Oh yes my dear!” sagot ng babaeng tinawag niyang Anne at pagkatapos ay pumwesto na ito sa driver’s seat. Maya-maya pa’y pinaandar na nito ang sasakyan.

“Saan niyo ko dadalhin?” tanong ni Hazel kanila habang pilit inaaninag ang daang tinatahak nila.

“Saan pa ba? Edi sa impyerno kung saan ka nanggaling! Hahaha,” parang baliw na sagot ni Lizzy sa kanya habang nakatutok pa rin sa kanya ang hawak nitong baril.

“Yeah right! Masyado ka kasing mapapel sa school kahit kabagu-bago mo pa lang! And I… hate it! I hate how you seduce the guys in school!” pigil ang galit na sabi ni Macie sa kanya.

“I’m not seducing anyone!” pasigaw na depensa niya. Napupuno na siya sa mga pang-aakusa ng mga ito.

“You’re not seducing anyone? Ei anong tawag mo dun sa pagpapacute mo sa mga basketball players ng school?” mataas ang boses na tanong sa kanya ni Anne habang nakakunot ang noong sumulyap sa kanya mula sa rear view mirror.

“Oo nga! Pati si Jerome my loves inaakit mo!” sabat ni Lizzy.

“What? I’m just doing my job as assistant manager ng team! I’m not—“

“Oh stop it kung gusto mong tumagal pa ng kaunti ang buhay mo!” galit na galit na sabi sa kanya ni Lizzy at saka idinikit sa sentido niya ang dulo ng baril na hawak nito.

“I’m telling you, s-stop the car!” hinihingal niya pang sigaw pero parang wala lang narinig ang mga ito. Napansin niyang dumidilim na at medyo napapaligiran na ng mga puno ang daang binabagtas nila. Mukhang malapit sila sa paanan ng isang bundok, tantsa niya ay nasa dulo na sila ng nasasakupan ng school nila. Maya-maya pa’y naramdaman niya ang pagtigil ng sasakyan.

“Labas!” pasigaw na utos ni Macie sa kanya.

“A-anong gagawin niyo sa’kin?” natatakot na tanong ni Hazel sa kanila habang dahan-dahang bumaba ng sasakyan. Nagsunuran na rin naman sa kanya ang tatlo at saka siya itinulak sa damuhan.

Euclid Shellingford (Volume 2)Where stories live. Discover now