CHAPTER 16: K&D Murder Mystery Case: Showdown of the Two Detectives (Part 1)

3.7K 101 14
                                    

After 1 week…

Is it just me or there is really tension between the two girls?

Napatingin ako kay Nickan na nakaupo sa back seat mula sa rear view mirror. Nakasuot ito ng blue tailored-suit uniform na may above the knee na skirt, same with Ran Mouri’s uniform in the anime Detective Conan. Siya ang nagsuggest ng ikocosplay namin kaya wala akong choice kundi ang magala-Shinichi Kudo, the great high school detective. Katabi ni Nickan sa likod si Akesha na nakasimangot lang na nakatingin sa labas ng bintana. Nakasuot ito ng Lolita dress na kulay black at wig na kulay dilaw. Nasa passenger seat naman si Nessaj na naka- European style all black suit at busy sa pagkalikot ng cellphone niya. Go-sick daw ang tema nila ni Akesha starring Victorique de Blois and Kazuya Kujo, though I never heard that show before.

Maya-maya pa’y nakarating na kami sa hotel na pagdadausan ng event. Inalalayan ko pa sa pagbaba si Nickan habang si Akesha naman ay agad na lumabas at tumabi kay Nessaj.

“Thanks dhie!” sabi ni Nickan pagkaabot ko sa kanya ng kamay ko.

“Hmp!” rinig naming ismid ni Akesha.

“What’s your problem brat?” mataray na tanong ni Nickan dito.

“Who are you calling a brat?” asik ng isa.

“Bakit may iba pa bang brat dito bukod sa’yo?”

“Malay ko ba kung tinutukoy mo lang pala yung sarili mo?”

“What a great logic you have there eh?” sarcastic na sabi ni Nickan dito.

“Hah! Magaling talaga ko sa logic noh! Lalo na sa pagsolve ng mga kaso! And I am very sure na mas magaling ako sa’yo!”

“Don’t be too confident dahil kung may best detective partners man dito, yun ay kami ni Euclid!”

“Kayo ni Euclid? Tsk! I’m sure mas magaling pa si Nessaj sa kanya! Di ba Nessaj?” sabi ni Akesha sabay lingon kay Nessaj na parang wala lang narinig.

“Kami ni Euclid!”

“Kami ni Nessaj!”

“Nick—“ hinawakan ko na ang braso niya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao sa lobby ng hotel.

“Fine! Edi may the best detective partners win!”

“Deal! Maghanda ka ng matalo!” sabi pa ni Akesha sabay dila sa napipikon ng si Nickan. Nauna na itong sumakay sa elevator. Napailing-iling na lang kami ni Nessaj na sumunod sa dalawa. Kahit sa elevator ay nagpupukulan ng masamang tinginan ang dalawang babae. Napabuntung-hininga na lang ako at inilipat sa loob ng elevator ang atensyon ko. Sa 15th floor ng hotel nga pala gaganapin ang dadaluhan naming cosplay event. Napansin kong may ilan din kaming nakasabay sa loob na mga nakacostume din.

“I guess this will be a very exciting night…” rinig kong sabi ng babaeng may kulay green na buhok. Nakabody-paint siya na kulay green at kulay purple na dress. May suot din siyang kulay green na customized gloves na mga dalawang dangkal ang haba ng bawat daliri.

“Sinabi mo pa! I’m so excited to see what show would Kervin do to entertain us!” sabi ng lalaking katabi nito. Naka-kulay black ito at may suot na fake na balbas. May hawak din itong parang tungkod.

“Dorothy will surprise us for sure…” sabi din ng isa pang babaeng naka-overall green na damit at orange na wig. May bow and arrow pa siyang sukbit sa likod. Their costumes look like the heroes or characters we used in a computer game before.

I guess hindi lang mga anime ang kinocosplay ng mga bisita dito.

Ting!

Napatingin na kami sa pinto ng elevator nang marinig namin ang pagbukas nito. At hindi namin inaasahang nagkakagulong tao ang unang sasalubong sa’min.

Euclid Shellingford (Volume 2)Where stories live. Discover now