Chapter 1: L.A.T

31.2K 333 37
                                    

Add me on facebook: Crunchh WP

Follow me on Twitter: @imericacruzat

==

Chapter 1

Nagising ako na masakit ang katawan. Nakatulog na kasi ako na mali ang pwesto kaya ang sakit din tuloy ng leeg ko. Masyado akong napuyat sa panunuod ng mga korean dramas kaya heto ako ngayon, puyat. Pinaikot ko nang dahan-dahan ang ulo ko. Nagbabaka sakali ako na mawala yung sakit mula sa pagkakangalay sa maling posisyon ng pagkaka-higa. Sakto naman na bumukas ang pinto ko ng kwarto ko kaya naabutan ako ng kapatid ko na halatang masama ang gising.

“Oh, hayan ang napapala mo kakapanuod ng mga koreano mo. Anong oras ka ba natulog kagabi ha? Ikaw talaga, nag-aaksaya ka ng kuryente.” Sumandal pa siya sa dingding habang naka- crossed arms. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon pero hindi ko siya tinatawag na kuya. Nakasanayan na namin eh.

“Psh. Malapit na ang pasukan kaya sinusulit ko na ang mga natitirang araw ko ano.” Inayos ko na ang higaan ko pati ang mga CD na nakakalat sa loob ng kwarto ko.

“Dapat sayo walang tv ang kwarto. Kaya ang mahal ng electricity bill natin eh. Buti na lang wala tayong aircon.”

“Oo na ho Ismael Solanor. Hayaan mo, dalawang araw na lang naman at wala na ako dito.” Babalik na naman kasi ako sa maliit kong apartment na nirerentahan malapit sa school. Isang taon na akong narenta dun simula noong third year ako. Kaunting tiis na lang at malapit na ako grumaduate.

“Halika nga dito, Maureen.” Nakabusangot akong lumapit sa kanya pero ngumiti lang ang kapatid ko at niyakap ako. Mami-miss ko talaga 'tong kapatid ko. Lalo na at busy na rin siya dahil na promote na siyang manager ng isang fine dining restaurant sa Makati. Sht! Siya na talaga!

“Mami-miss kita.. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo ha?”

“Sus! Ako pa ba?” pagmamayabang ko. Dean's lister here!

Bumaba na kami at nakita si Papa na naghahanda na ng almusal. Actually hindi na nga almusal kasi tanghali na. Siguradong nakakain na sila ng agahan nila kanina samantalang ito ay brunch ko na, breakfast at lunch. Dami kong alam!

Habang sabay-sabay kaming kumakain, nanunuod din sila ng tv. Sila lang kasi hindi ako mahilig manuod ng tv. Mga korean dramas and movies lang kasi ang pinapanuod ko. Pati kung sa ibang pamilya masama ang manuod ng tv habang kumakain, well... sa amin hindi. Tatlo na lang kasi kami dito sa bahay kaya ayos lang yun. Masyado kasing tahimik minsan kaya hinahayaan nang bukas ang television.

“Sikat na sikat talaga si Luke ano?” narinig kong sabi ni Ismael pero hindi ko na lang iyon pinansin.

“Ang bilis ng pag-sikat ng batang yan. Parang noong isang taon ay una ko siyang nakita sa tv sa isang commercial pero hindi siya yung main na naka-feature dun,” sabi ni Papa.

“Ngayon commercial model na rin siya ng cellphone. Tsk. Pambihira! Ang yaman na siguro nyan.” Ismael.

“Don't worry, Ismael. Yayaman na rin naman tayo eh. Na-promote ka nga 'di ba?” sabi ko nang matapos ko na ang kinakain ko.

“I hope so. Kaya todo naman ako sa pagta-trabaho ngayon. Hey Mau, what's your plan after graduation?”

Nagkibit balikat na lang ako at tumayo sabay inom ng tubig. Ito ang napakalaking problema sakin. Hindi ko alam kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Kumuha ako ng kursong business administration dahil wala na talaga akong pagpilian. Hindi ko alam kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Feeling ko nga nag-aaral ako sa wala. I hate this.

MY LUKEWhere stories live. Discover now