Chapter 2: Cassidy

8.9K 220 21
                                    

Add me on Facebook: Crunchh WP

Follow me on Twitter: @imericacruzat

==

Nandito na ako sa apartment ko at nag-aayos na nang gamit para bukas. Sigurado naman ako na sa unang araw ng pasukan ay pagpapakilala lang ang gagawin o kaya naman kung medyo KJ ang professor ay magtuturo siya. I hope walang KJ na prof bukas.

Napabuntong hininga ako nang tingnan ko muli ang registration form ko. Nag confe call kami kanina ng mga kaibigan ko na sina Jane at Cha at napag-alaman namin na sa isang subject lang kami magkaka klase. Parang hindi ako sanay na ganito dahil nang mga nakaraan taon ay mas lamang ang mga subjects namin na magkakasama kami kaysa ngayon. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila yung tungkol sa encounter namin ni Luke. Hm... I'll tell them some other time.

Nagtitipid ako sa kuryente kapag nandito ako sa apartment ko kaysa doon sa bahay pero hindi ko alam kung bakit naisipan kong buksan ang tv ngayon. It's still early kaya balita pa lamang ang palabas, mamaya pa siguro ang mga teleserye na pang-gabi.

Jasmine Du, magsasalita na sa kumakalat na mga litrato nila ni Luke Anthony Trias,” sabi ng reporter habang pinapakita sa telebisyon ang mga litrato ni Luke at ng isang babae na magkasama sa iba’t ibang lugar.

Nag-commercial pa kaya naman hinintay ko yung magiging balita about kay Luke at dun sa Jasmine. Sa sobrang tagal parang gusto ko na tuloy umalis at mag-handa na lamang ng kakainin ko para mamaya. Tatayo na sana ako nang magsimula na ang balita.

Magsasalita na ang aktres na si Jasmine Du sa kumakalat na mga litrato nila ni Luke Anthony Trias sa internet. Pinagpepyestahan tuloy ng masa ang tungkol sa kanilang dalawa kung totoong may relasyon nga ba sila. Alam ng lahat na nagkasama na sila sa isang movie kung saan sila ang magkatambal.” Reporter.

Jasmine: Hahaha! Basta masaya kami sa kung ano man ang meron kami.

Field Reporter: Kayo ba talaga ang nasa mga pictures?

Jasmine: Hahaha! Yes.. yes.. Ewan ko ba kung paano kumalat ang mga yun.

Pinatay ko na yung tv. Ang dami pang paligoy-ligoy. Sana sinabi na lang nya na may relasyon sila ni Luke edi sana tapos na 'di ba? Hindi yung pag-iisipin pa nila ang mga tao. Ewan ko ba sa kanila. Ang dami pa nilang echos sa buhay.

Pagkatapos ko kumain ay pumunta na ako sa kwarto kung saan nakita ko ang panyo ni Luke na kalalaba ko lang. Bigla kong naalala yung mukha nya. Damn that handsome face! Dinaig pa talaga yung mga crush kong koreano! Bakit ba ako ganito? Siguro dahil first time ko maka-kita ng artista sa personal at isang gwapong lalaki pa? Sa sobrang pagka-curious ko sa kanya ay isinaksak ko ang broadband sa laptop ko at naghanap ng tungkol sa kanya.

“Holy Shiz!” Napatakip ako ng bibig nang makita ang isang picture nya na naka hubad. Nasa dagat ang location at nalaman ko na model pala siya ng Penshoppe. Kung kahapon ay balot na balot ang katawan niya, well dito sa picture ay makikita ang jaw-dropping abs niya. Sanay na naman ako maka-kita ng abs pero sa mga koreano lang at sa pictures lang. Well, this one is different. I don’t know. Ugh.

May tatlong movie na pala sya kung saan siya ang main lead at dalawang teleserye. Meron na rin siyang eight commercials. Model din siya ng iba’t ibang brands na hindi ko na maisa-isa sa sobrang dami.

“What the? He’s only 22 pero ganito na siya kasikat.” Pinanuod ko yung mga commercials niya at aminado ako na gwapo nga talaga siya. This is the first time na magkaka-crush ako sa isang artista dito sa Philippines. Himala na hindi koreano ang crush ko ngayon. Exempted na yung mga crush ko noong bata pa ako kasi wala pa naman akong malay sa mundo nun.

MY LUKEWhere stories live. Discover now