Chapter 10: L.A

5.5K 186 23
                                    

May nararamdaman na ako para kay Luke pero hindi ibig sabihin noon ay kailangan ko na maniwala sa kanya. Paano naman siya magkakagusto sa akin eh napaka-ordinaryo ko? Napapaligiran siya ng mga magagandang artista at model. Napaka imposible talaga.

I'll prove it to you.”

Naalaala ko ang huling mga salita na sinabi niya kagabi. Gusto kong maniwala pero ang sinasabi ng utak ko ay huwag akong magpalinlang. Pwede kaming maging magkaibigan pero hindi ang higit pa dun kasi mali. Hindi ko alam kung bakit mali eh. Pero iyon na lang ang itinatatak ko sa utak ko!

Kinuha ko sa bulsa ang mga ginawa kong loom bands para sa aming tatlo nina Cha. Ito ang pinagpuyatan ko kagabi para mawala na rin muna sa isip ko yung mga sinabi ni Luke. Kulay puti yungsa akin. Kay Jane ay pink at dilaw naman kay Cha.

Bago papuntahin ang party nina Jane ay tinawag ko muna siya. Halata sa kanya na kinakabahan siya eh. Ano ba yan! Kinakabahan tuloy lalo ako dahil sa mukha nya!

“Huwag kang kabahan please! Kinakabahan din ako!” sigaw ko sa kanya.

“Baligtad nga eh. Pwede bang huwag nyo ipakita ni Cha na kinakabahan kayo para sakin? Kasi ako yung kinakabahan! Magbibigay pa kami ng speech sa stage bago magsimula ang online voting.” Niyakap ko sya nang mahigpit.

“Kaya natin ito, Jane. Basta kahit anong mangyari, nandito lang kami ha?” Tinawag na siya ng lalaban na presidente sa kanila. Akmang aalis na siya pero kinuha ko ang kamay nya at saka isinuot yung loom band na ginawa ko para sa kanya. Yung loom band naman ni Cha ay naibigay ko na sa kanya kanina.

Pinapila na kaming mga section sa gym. Hindi ko makita si Cha kasi sa isang subject ko lang naman sya kaklase. Nasaan kaya yung section nila ngayon?

Nagbigay muna ng speech ang kalaban nina Jane. Malakas din ang laban ng mga yun kasi nasa kanila ang dating president ng CBA kaya malakas ang hatak. Lord, sana naman manalo si Jane! Kahit hindi na yung buong party nila... basta manalo sya.

Nagbigay na ng speech ang treasure ang party nila hanggang si Jane na yung nagsasalita. Napangiti ako nang makita yung loom band na nasa kanang kamay nya ang nakataas habang hawak yung mic. Proud na proud ako sa kanya! Sigurado akong vini-videohan ngayon ni Cha ang speech ni Jane at proud na proud din siya para dito.

Nagpalakpakan kami. Daig ko pa ang nanay kasi napaiyak ako sa sinabi niya. Ang ganda kasi ng mga projects na gusto nilang ipatupad sa school. Kahit na luka-luka si Jane ay isa siyang responsableng estudyante. Hindi magsisisi ang mga boboto sa kanya.

Nang matapos nang makaboto ang buong students ng CBA ay tiningnan na ang total votes sa computer. Mabuti na lang at online na ang botohan tapos touch screen pa hindi katulad noon na sa papel pa ilalagay.

Masyado kaming madami kaya nagtagal din pero nagtatalon ako sa tuwa kahit mag-isa lang ako nang banggitin ang pangalan ni Jane! OMG! Nanalo siya! Sabi ko na nga ba eh! Ang galing talaga niya! Hindi pa siya ganun kakilala rito pero sa tingin ko ay nagpapanalo sa kanya ay ang maganda niyang mensahe sa mga boboto. Sigurado akong madami na ang makakakilala sa kanya.

MY LUKEWhere stories live. Discover now