Chapter 21: Forever exist

4.8K 146 4
                                    

Chapter 21

Sabay kaming pumunta ni Luke sa hospital. Naabutan ko pa roon ang mama at papa ni Jane. Inaasahan kong makakatikim ako ng sampal at mura sa kanila pero niyakap lang nila ako nang makita nila ako. Nagtataka ko silang tinitigan. Marahil ay walang sinabi si Cha sa kanila tungkol sa pag-aaway namin ni Jane.

Nasaan si Cha? Bakit wala siya sa rito?

Nakilala ng mga magulang ni Jane si Luke kaya nag-nod na lang sila rito. Ibinigay ko na lang sa mama ni Jane yung loom band niya para pagkagising niya ay makita niya ito. Gusto kong maisip niya na magkaibigan pa rin kami. Umaasa akong magiging maayos pa ang lahat samin.

Alam na ni papa ang nangyari kaya naiintindihan niyang hindi pa ako nakakauwi ngayon. Babalik dapat kami sa unit ni Luke para magpahinga nang makatanggap si Luke ng text na may nangyayaring gulo raw sa set. Mabilis kaming pumunta dun at nakitang nagkakasagutan sina Ms. Yuki at Ms. Sachi.

"You beast! Balak mo na naman agawin ang role ng alaga ko palibhasa hindi makakuha ng magandang role si Lloyd! Sa tingin mo ba sisikat ang alaga mo sa pagnanakaw lang ng mga roles ha?!" sigaw ni Ms. Sachi.

Nag-aaway ang dalawang manager! Kaaway nya si Ms. Yuki! Teka, anong nangyayari?! Ang daming staffs na nakapaligid sa kanila. Magulo ang mga buhok nila na tila katatapos lang sa matinding pisikalan.

Tumabi si Luke kay Ms. Sachi at nag-aalalang tiningnan ito. May kung ano akong naramdaman nang makita ko ang nakahawak niyang kamay kay Ms. Sachi. No Mau... you shouldn't be jealous on a situation like this. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.

"Luke! That girl is insane! Sinusulot na niya yung role mo sa movie nyo ni Jasmine! Si Lloyd yung ipapalit sayo."

"What? Teka, ano bang nangyari? Huminahon ka muna."

"Hindi ko naman kasalanan kung tamad ang alaga mo, Sachi. Tinawagan lang ako ni direk dahil may offer siya sakin that's it! Kaya huwag mo sabihin na sinusulot ko ang role ni Luke," sabi ni Ms. Yuki na inaayos ang magulo niyang buhok. Matatalim ang mga tingin niya sa kaharap at halatang ready pa siya kung sakaling magkapisikalan na naman sila.

"Saka na natin pag-usapan ang bagay na 'to. For Pete's sake napakadaming tao dito pa kayo nag-aaway. Gusto nyo bang ma-issue?! Hindi ko alam kung bakit kailangan pang mag-away kayong magkapatid!"

Napanganga ako sa sinabi ni Luke. Magkapatid si Ms. Sachi at Ms. Yuki?!

Napapunta ang buong atensyon namin sa maingay na sasakyang kakagarahe lang malapit sa amin. Iniluwa noon si Lloyd na mabilis na humahangos papunta samin. Iritado niyang tinanggal ang shades niya at hinawakan si Ms. Yuki sa braso.

"A manager should act professional, Yuki. What the hell do you think you're doin'?" galit pero mahina yung pagkakasabi nya.

Tumingin siya sa mga staffs na nasa paligid. "Better keep your mouth shut. No photos or videos na lalabas. Sana ay nagkakaintindihan tayo," mariin niyang sabi sa mga staffs na naunuod. Sunod ay tumingin siya kay Luke. "I won't get your role and I don't think pwede dahil may bago pa lang akong movie na ipapalabas. At ano bang problema ng mga tao ngayon?! Pasko na bukas nagta-trabaho pa rin kayo?! Give yourself a break!"

Masama niyang tinitigan ang mga staffs. May kung ano rin sa mga tingin nila ni Luke. Parang sila lang ang nagkakaintindihan. Sabay rin silang tumingin sakin.

"Nice to see you again, Mau. Merry Christmas!" Nag-salute sakin si Lloyd na seryoso ang mukha. "Mag-uusap tayo," sabi naman niya kay Ms. Yuki bago sila umalis. 

Matagal din nag-usap sina Luke at Ms. Sachi. Pagkatapos ay mukhang mahinahon na sila pareho. Narinig ko kanina na parang pinagtatalunan nila ang pag-absent ni Luke kaya nangyari ang bagay na ito. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nag-aaway ang magkapatid? Kaya pala ganun na rin ang kompetisyon sa pagitan nina Lloyd at Luke dahil maging ang mga managers nila ay magka-away din.

MY LUKEWhere stories live. Discover now