Chapter 23: Bangungot (Last 2 chapters to go)

4.8K 133 10
                                    

Mula sa pwesto kong ito ay kitang-kita ko ang magandang tanawin. Nasa balcony ako at dinadama ang masarap na haplos ng hangin sa aking balat. Hindi ko na inisip kung nasaang lugar ba ako.

“Cassidy...” Ang sarap pakinggang ng pangalan kong sinasambit niya. Pumihit ako patalikod para makita ang taong mahal ko.

Nagulat ako dahil hindi siya sa 'kin nakatingin. Nakatingin si Luke sa isang babaeng nakahiga sa kama. Nagulat ako nang makita ang sarili kong mahimbing natutulog. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Nasa loob ako ng unit ni Luke. Hindi ko agad namukhaan dahil binago ang interior design. Kulay puti itong lahat maging ang kulay ng kama.

“Cassidy, wake up,” Hinalikan niya ang natutulog na ako at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit nakikita ko ang sarili ko. “Hey, kanina ka pang natutulog. You should eat now, baby.”

Pinaulanan ako ni Luke ng halik. “Wake up, Queen. I’m ready to serve you.”

Hindi pa rin ako nagigising. Ginapangan ako ng kaba. Bakit ko nakikita ang sarili ko? At bakit hindi ako nakikita ni Luke?

“Luke, I’m here,” sabi ko pero abala siya sa Cassidy na nakahiga sa kama.

Namutla si Luke. Tinapik niya ang nakahigang ako sa kama. “Cassidy, stop joking. Hindi ako natutuwa.” Inalog na niya ako. “Cassidy... hey... baby...” Itinapat niya ang mukha niya sa 'kin. “Damn it! She’s not breathing! Cassidy, hey... hey baby... baby please.”

Itinayo niya ang nakahigang ako para yakapin. Ang bigat ng dibdib ko. Anong nangyayari? Bakit ko nakikita 'to?!

“Maureen Cassidy Solanor! Gumising ka dyan! Huwag mong paiyakin si Luke!” sigaw ko sa natutulog kong katawan. Hindi... hindi ito maaari... patay na ba ako?! Kaluluwa na ba ako ngayon?!

“Cassidy, don’t leave me. I love you,” nahihirapang sabi ni Luke habang umiiyak. Mariin na nakapikit ang kanyang mga mata at pilit akong ginigising.

Lumapit ako sa kanya pero hindi ko siya mahawakan. Napahawak ako sa bibig ko. Iyak ako nang iyak pero hindi niya ako nakikita. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na buhay ako at nasa tabi lang niya ako. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko nang nakikita siyang palakas nang palakas ang iyak.

“Cassidy! Nooo... baby...”

Nagising ako na tagaktak ng pawis ang noo. Nakahinga ako nang maluwag dahil isang panaginip lang pala ang nangyari. Katabi ko si Luke. Nakaunan ako sa braso niya. Mahimbing siyang natutulog. Napangiti ako pero agad din iyong napawi. Nakalimutan kong nangyayari nga pala sa hinaharap ang mga napapanaginipan ko. Niyakap ko si Luke nang mahigpit. Natatakot akong mamatay. Ayokong iwan si Luke. Madilim pa rin ang paligid. Gumalaw si Luke at hinaplos ang aking buhok. Tumulo ang luha ko. I love him. I don’t want to leave him. I don’t want to be the reason of his pain.

“Why baby? Bakit ka umiiyak?” Bumangon siya at agad na isinuot ang damit sa katawan. Bumangon na rin ako. Isinuot ko rin ang aking pang-itaas. Ngayong gabi ay ibinigay ko ang aking sarili sa kanya. I saw a look of sadness in his eyes. “Did I hurt you? I’m sorry. I should be more gentle. Patawarin mo ako.”

Umiling ako at ngumiti.

“No, Luke. I’m okay.” Pinunasan ko ang luha ko sa mata. “I’m just happy... I love you.”

Hinalikan niya ako at saka niyakap.

“Masaya rin ako. Hindi tayo maghihiwalay, Cassidy. I promise you that.”

Hindi ako umimik. Umiyak na lang ulit ako.  He can promise not to leave me pero hindi ko iyon magagawa sa kanya dahil iiwan ko rin siya. I’m sorry Luke... dahil mawawala ako sayo.

MY LUKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon