Chapter 15: Frustrations

4.8K 145 3
                                    

Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Paulit-ulit sa utak ko yung nangyari kanina. Sht! In love na yata talaga ako sa lalaking yun! Pakshet. Gusto kong maniwala pero nakakakot. Hindi kaya niloloko nya lang ako?

Kinuha ko sa lalagyan yung panyo ni Luke. Maniniwala ba ako? Kailangan ko ba talagang mag-take ng risk? Paano kung masaktan lang ako? Aish!

Tinitigan ko yung panyo.

"Maniniwala ba ako sayo?"

Bigla akong napatigil. Kinilabutan ako nang may maisip.

"Do you swear my loyalty to me, Cassidy?"

"Then you shall be rewarded."

Nangyari pa din pala yung nasa panaginip ko.

***

At dahil first day ko as personal assistant ni Lloyd, pinapunta nya ako sa building ng DDR Entertainment, ang pinakasikat na entertainment company. Naghintay lang ako sa lobby ng ilang minuto tapos dumating na agad sya kasama si Ms. Yuki.

"Are you sure about this, Lloyd? Siya yung kukunin mong PA? Marami akong magagaling na PA na ni-recommend sayo ah?" sabi ni Ms. Yuki na parang hindi iniisip na nasa tabi nya lang ako.

"Trust me on this, Yuki."

Bumuntong hininga si Ms. Yuki. Pagkaharap nya ay ibinigay nya sakin ang madami nyang dala. Fudge! Ang bigat pala nito!

"Ikaw na ang bahala. Huwag na huwag kang gagawa ng kahit ano na pwedeng ikasira ng career nya. Maliwanag ba?"

"Ha? Oo naman po! Don't worry."

"So pano, Lloyd? Gotta go. May kakausapin pa ako regarding your contract."

"Sure Yuki! I'll just call you if I need anything."

Nang makaalis si Yuki ay ginulo ni Lloyd ang ulo ko. 

"So paano? Start na tayo? May shoot pa ako."

Nag-lakad na sya so sumunod lang ako sa kanya. San naman kaya kami pupunta? Ang busy pala ng mga tao dito. Halos patakbo na yung ibang staff sa hallway. May mga artista din kaming nakakasalubong at binabati si Lloyd. May ilan din na fans na galing sa isang noon time show ang nakakita kay Lloyd tapos ako pa yung ginawang taga-picture.

Ugh! Hindi ba nila nakikita na ang dami kong dala tapos ako pa yung maghahawak ng camera nila? Lloyd chuckled.

"Anong nakakatawa?"

"Normal lang yan."

Dumating kami sa isang room. Ang laki pala ng room na 'to. Studio ba 'to? 

"Oh, Lloyd! Bihis ka na. Nandito na yung partner mo," sabi ng isang staff na lalaki.

"Nandito na pala si Jasmine. She's early."

Oh my! That witch is here?!

"Hindi ka pa ba nasanay sa kanya? She's hard working. That's why gustong-gusto namin sya makatrabaho. Hindi siya pabigat."

Nagtawanan sila hanggang sa mapansin ako ng kausap nya. Ang bigat ng dala ko! Pwede bang tapusin nyo na yung usapan nyo? Waaa!

"Huh? Sino sya?"

"P.A ko... uh? Temporarily."

Pinagmasdan ako ng staff simula ulo hanggang paa.

"She's gorgeous. Lucky you!"

Nagtawanan na naman sila. Shet! Ang bigat ng dala ko! Di ko na kaya! Grabe naman itong mga damit ni Lloyd eh! Parang maglalayas. Ganito ba talaga?!

MY LUKEWhere stories live. Discover now