Chapter 8: Dreams

5.6K 171 12
                                    

Nagising ako at agad na tiningnan kung may kasama ba ako rito sa loob ng hotel room. Napabuntong hininga ako nang malaman na wala pa sina Kathreen o di kaya ay pumunta na sila pero umalis din agad.

Hinawakan ko ang aking labi at nag-isip... Kinatok ko ang ulo ko nang mapagtantong nananaginip lang pala ako. Aish! Totoo yung nangyaring pag-uusap namin ni Luke sa loob ng tent kanina pero pagkatapos ng shoot ay pumunta na ako sa kwarto para matulog. Panaginip lang pala yun.

Then you shall be rewarded.”

Hindi matanggal sa isipan ko ang panaginip na iyon kahit na ilang oras na ang nakakalipas. Kumain na raw ng lunch silang lahat kaya dumiretso na lang ako sa isang retaurant malapit sa hotel na tinutuluyan namin.

Katulad lang ng nasa panaginip ko ay nakita ko si Lloyd pero mag-isa lang siya. Sinikap kong huwag siyang tingnan. Ayaw kong maagaw ko rin ang pansin niya kaya pumwesto ako sa malayo sa kanya.

Nang maibigay na sa akin ng waiter ang pagkain ay kasabay noon ang pag-upo ni Lloyd sa harapan ko pero hindi ko siya pinansin at kumain na lang.

“I saw your photoshoots, Magaling ka pala? Professional model?”

Naibaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor nang maalala ang napanaginipan ko kanina. Itong-ito yung sinabi ni Lloyd sa panaginip ko. Ngayon ko lang ulit naranasan ito pagkatapos ng madaming taon.

“Ah hindi,” mahinang sabi ko habang iniisip ang mga nangyayari. Kinakabahan ako na baka bumalik na naman ang sakit na ito... kung maituturing ba itong sakit. Sht lang!

“Kung ganoon beginner? Hindi halata ha? You know, pwede mong pag-isipan ang offer ko sayo. Pwede kang mag-artista. Pero syempre hindi agad big projects. You can try sa gagawin kong pelikula sa January. Sabihin ko kay direk na kunin ka as one of my girls. Mabilis lang naman ang role mo. Dagdag income pa.”

Napatayo ako nang sabihin nya iyon. Hindi maaari... bumalik na naman ang bagay na ito sa akin. Ang lahat ng mga sinabi niya ay eksakto na sinabi niya rin sa panaginip ko.

“Sorry, Lloyd... wala ako sa mood ngayon.”

Tumayo rin siya at inalalayan ako.

“You don't look okay. May problema ba?”

Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. “No... ayos lang ako. I just want to be alone. Please?” Tiningnan ko siya nang seryoso. Sana ay pabayaan na muna niya ako.

Nang makita ko sa mukha niya ang pagsang-ayon sa akin ay naglakad na ako paalis sa restaurant pero nakita ko si Luke kaya naman lumihis ako ng dinadaanan para maiwasan siya. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero dumiretso lang ako. Malayo na ako pero nahawakan niya ako sa balikat at iniharap niya ako sa kanya.

“Cassidy, stop ignoring me. Sorry sa mga sinabi ko kanina. Please don't get mad.”

“I am not mad. Pagod lang ako. Gusto kong matulog.”

“Matulog ulit? I asked your roommates pero natutulog ka raw kanina. Don't make it as an excuse 'coz I don't buy it.”

MY LUKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon