Chapter 3: Model

7.5K 217 31
                                    

Follow me on Twitter: @imericacruzat

Add me on Facebook: Crunchh WP

==

Naging mabilis lang ang mga araw at naging ultimate fan girl na ako Luke. Halos tatlong buwan na ang nakakalipas. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa buong buhay ko. Kahit naman kasi baliw na baliw ako sa mga koreanong napapanuod ko sa mga CD ay hindi naman ako umaattend kung sakaling may concert sila dito sa bansa. Iba ngayon dahil ultimo mall tour ni Luke ay pinupuntahan ko saan mang sulok dito sa Pilipinas.

Hindi nga inaasahan nina Jane at Cha ang pagiging fan girl ko pero okay lang naman sa kanila kasi mahilig din sila sa mga artista. Ang nakakalungkot lang ay hindi na kami nagkikita ni Luke. Sa sobrang dami ng tao na pumupunta sa kanya ay imposibleng mapansin niya ako.

“Ang hirap pala maging fan girl. Pero masaya naman,” sabi ko habang nasa loob kami ng cafeteria. Sakto na kauupo lang namin at maya-maya ay o-order na kami ng aming kakainin sa mga stalls dito.

“Kung gusto mo talaga siyang makita palagi, mag-artista ka!” Cha.

“O kahit hindi agad artista, pwede naman na model muna di ba? Ang kailangan mo lang naman ay mag pose sa camera. Kapag nasa showbiz industry ka na. Mas mapapalapit ka kay Luke.” Jane.

“Baliw ba kayo? Para kayong si Ismael eh. Sinabi nya rin na mag artista raw ako. Para naman na madali yun!”

“Madali lang yun sa taong may potential talaga!” Jane.

“At may potential ka!” Dagdag naman ni Cha.

“Kapag nasa industry ka na nila, mas mabilis at mas madali mo siyang makikita! Mas madali ang pagiging fan girl. And kapag naging model ka na, may dahilan na rin kami para makapasok sa studio at madami kaming makikitang artista! Di ba Cha?” Kinikilig na sabi ni Jane.

“Korek ka dyan! Kahit huwag muna pagiging artista, Mau! Okay na yung maging model ka! Oh please. Ayaw mo ba nun? Malimit mong makikita si Luke?”

“Being a fan girl is fun! Yung mag e-effort ka tapos kapag napansin ka nya di ba ang sarap sa feeling?”

Sinabi ko na sa sarili ko na magiging ultimate fan na ako ni Luke pero kailangan ko ba talagang gawin ‘to? Kapag pumunta ako sa industry nila mas mabilis ba talaga ang pagiging fan girl? Hindi kaya nag-mumukha na kaming stalker sa gagawin naming ito?

“Bakit hindi na lang kayo? Bakit ako pa?” Tanong ko.

“We don’t have the height na pang celebrity, Mau. Look at you! 5’6 ka! Pwede na yan! 5’4 lang kami ni Jane eh.”

MY LUKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon