Chapter 4: Call me

7.3K 208 21
                                    

Buong semestral break ay wala akong ginawa kundi ang mag-practice sa kung paano ang tamang paglalakad at pag-project sa camera. And I am telling you, it was hard! Nandito na ulit ako sa bahay namin dahil wala namang pasok at nakasarado ang pinto at maging ang mga kurtina dito sa loob ng aking kwarto. Nahihiya pa rin ako sa mga ginagawa ko at baka makita pa ako ng kapit bahay namin. Hindi ko alam kung ano ba naman itong pinasok ko. Sobrang natatakot akong mapahiya sa contest kaya nilubos ko na ang mga pagpa-practice. Naging conscious na rin ako sa aking itsura kaya malimit ko nang sinusuklay ang aking buhok at naglalagay na rin ako ng mga kung anu-anong anti pimple sa mukha. Mahirap na, baka sa mismong contest pa ako tubuan ng pimple. Nagkakaroon pa naman ako noon kapag malapit na dumating ang menstruation ko.

Someone knocked on my door kaya naman itinigil ko ang panunuod sa tv ng CD ng mga modelo sa ibang bansa na rumarampa sa stage.

“Ano bang pinagkaka-abalahan mo, Mau? Parati ka na lang nagkukulong sa loob nitong kwarto mo ah? Kumakain ka lang, pagkatapos babalik ka na naman dito. Para kang daga na hindi umaalis sa lungga mo.”

Unang bungad sa akin ni Ismael nang buksan ko ang pinto. Kararating nya lang kahapon para bisitahin kami pero bukas ay babalik na rin siya sa condo nya sa Makati.

“Wala naman. Uh, nag-aaral lang ako,” I lied.

He went inside my room then opened the curtains. Ayan, lumiwanag tuloy.

“At ano ba itong kwarto mo, para kang bampira na takot sa liwanag.”

“Nag-aaral nga sabi ako.”

“Nag-aaral? Grabe ka naman mag-aral nyan. Kararating ko lang kahapon pero heto ka at nagkukulong.” Inilibot niya ang tingin sa aking kwarto. “Your room's a mess Mag-linis ka naman.”

He shook his head then arranged the pillows on my bed. Pumunta siya sa harapan ng tv at inayos ang mga nagkalat na CD. I ran as fast as I could to snatch my CD's pero tumayo siya at itinaas iyon. Darn!

“Teka nga. Bakit ba?”

“Give me that!”

“Ano bang masama dito ha? Siguro nanunuod ka ng mga scandal ano?”

Mas lalo pa niyang itinaas kaya mas lalong hindi ko iyon maabot. Kahit na matangkad ako ay mas matangkad pa rin siya sa akin. Tumingala siya para doon basahin ang hawak.

“Steps on how to be a real model.”

Nang mabasa niya yun ay sumuko na ako at umupo sa kama habang naka crossed arms. Tumingin ako sa ibang direksyon dahil pakiramdam ko nakangiti siya sa akin na parang ewan.

“What's the meaning of this? Gusto mo maging model?”

He faced me but I looked away. Lumakad naman siya sa kung saan ako nakatingin.

“Ang kapatid ko nagdadalaga na talaga?” natatawang sabi nya. Tumingin ako sa kanya nang masama.

“Sige lang! Mang-inis ka pa ha!” Umupo naman siya sa tabi ko at hinawakan ako sa balikat.

“Hindi ako nang-iinis. Honestly, I am happy. Gusto ko may matutunan ka rin sa mga ganyang bagay. Lalo na ang makihalubilo sa mga tao. Hindi ka lang dapat umaasa sa mga libro mo.”

MY LUKEWhere stories live. Discover now