Chapter 16: Bagay sila

4.7K 144 11
                                    

Inaayusan na ng kanilang buhok sina Lloyd at Luke. Nakaupo lang ako sa couch habang hinihintay sila. Kanina pang imik nang imik si Lloyd at pinapatawa ang mga taga-ayos nila pero si Luke ay seryoso lang. Medyo ilang nga ang nag-aayos sa kanya kasi halatang badtrip sya.

Nakatingin siya sakin sa salamin at ganun din ako. Hindi pa nya ako kinakausap simula kanina. Wala naman akong ginagawang masama ah? Pero bakit nakakaramdam ako ng guilt? I hate this feeling. Kailangan ko lang ngayon ng pera kaya nandito ako. 

"Nice! I like my hair! Ang galing mo talaga Ces!" puri ni Lloyd sa taga-ayos nya.

"Okay na ba ito para sayo, Luke?" tanong naman ng stylist ni Luke sa kanya.

Nakatingin lang sakin si Luke. Still with that mad gaze.

"Is this okay with you, Cassidy? Do you like it?" tanong nya sakin.

Nagulat naman yung dalawang stylist at nagbulungan. Hindi agad ako nakasagot.

"Do you like it? If not, i'll change it," ulit niya.

"Okay na yan," naiilang kong sagot.

Kakaiba yung mga tingin sakin ng mga stylist. Nagtataka sila kung bakit hinihingi ni Luke Anthony ang opinion ko. Alam din kasi nila na isa akong P.A ni Lloyd.

"Start na ang show in 5 minutes. Get ready," sabi ng isang lalaking staff. Umalis din naman ito kaagad.

Tumayo na si Luke. Hindi man lang niya ako pinansin at dumiretso na palabas. Nakangising tumayo sa harap ko si Lloyd at hinawakan ang ulo ko. So para akong aso, ganun ba? Tss.

"You better behave. He's mad." He chuckled.

"At dahil yun sayo, not me."

"Gusto mo bang manuod ng live or sa tv na lang?"

"Dito na lang ako. Pero kung may ipapagawa ka sakin, sasama na lang ako sayo."

"Wala so pwedeng dito ka na lang muna. Mabilis lang kami. On mo na lang yung tv dito. So pano, dito ka lang ha?" Nag-nod ako at binuksan ang tv. Ako na lang yung tao dito kasi lumabas na yung dalawang stylist. Mabuti naman kung ganun. Ayoko na tanungin pa nila ako kung ano ang relasyon ko kay Luke dahil kahit ako ay naguguluhan.

Nagsimula na ang show. Ang mga guests ngayon ay ang mga top male celebrities ngayon. Apat silang lalaki at kabilang na roon sina Lloyd at Luke.

Bago magsimula ay pinag-sample muna sila ng kanilang mga talent. Ang ginawa ng dalawang lalaki ay kumanta. Si Lloyd naman ay nag sexy dance kaya ang daming kinilig. I frowned. Aaminin ko, he's sexy pero nakakainis pa rin sya. Tss.

At dahil si Luke yung last na tinawag, kakanta dapat sya pero niloko sya ng host. Gusto kasi nito na mag-sexy dance din si Luke katulad nang ginawa ni Lloyd kanina. Sht! Parang hindi ako makahinga! Luke Anthony Trias, mag-sesexy dance!!!

Pinatugtog yung careless whisper at patawa-tawa naman na sinabayan iyon ni Luke.

"Strip! Strip!" kantyaw ng mga audience.

I NEED AIR.

"You want it?" tanong ni Luke at hinawakan ang shirt nya. Naghiyawan naman ang mga audience sa studio.

Unti-unting itinaas iyon ni Luke then my jaw dropped. Ngayon ko lang ulit iyon nakita. And I like it. 

Huh? Ano ba naman iyong iniisip ko!

Ininterview sila isa-isa sa mga projects nila ngayon hanggang sa umabot sa lovelife. Nang tinanong si Lloyd ay sinabi niyang wala siyang interest sa lovelife at career muna daw ang uunahin nya.

MY LUKEWhere stories live. Discover now