Chapter 13: Jealous

4.9K 149 9
                                    

Enjoy ba? Haha! Join our new official group page on Facebook: Crunchh Ricafort Stories for more updates! Thank you!!! ^___^
==

Thank God wala akong napapanaginipan na kung ano. Sana naman last na yung nasa Puerto Galera kami. Sunday tapos nandito ngayon sina Jane at Cha sa apartment ko. May dala pang cake si Cha tapos ice cream naman yung kay Jane. K. Sila na yung mapepera.

May pera nako dahil nung pag-extra ko sa movie ni Lloyd. Aaminin ko, nakatulong sakin yung pera na nakuha ko dahil pwede kong ipang baon ngayong linggo. Hindi makakapagpadala si Papa ng pera sakin ngayon dahil nawalan sya ng trabaho. Bilin nya sakin wag ko sasabihin kay Ismael kasi masisira lang diskarte nun sa trabaho. Alam ni Papa yung tungkol sa pag-extra ko. Wala naman syang tutol kasi kailangan ko nga ng pera.

"Di ko talaga bet si Lloyd. Parang iba yung aura eh. Very intimidating!"

"Tama ka dyan, Cha! Hindi katulad ni Luke ano? Mabait pa! Grabe nga lang sa ulyanin. Di man lang tayo natandaan na tayo yung kasama ni Mau sa bar noong nagkita ulit sila."

"Duh? Tingin mo matatandaan pa tayo nun eh sa dami naman nung kakilala. Spell sikat ano?"

"Eh ano naman, bakit si Mau nakilala agad nya dun nung umimik sya. Anyway, kilala na niya tayo." Binato ko sila ng candy.

"Hoy! Tumigil nga kayo. Wala ba kayong alam kundi ang mang chismis sa buhay ng iba?"

"Sus! Pa inosente effect ka pa dyan. Aminin mo na, gusto mo din naman na pinag-uusapan si Luke. At saka, aminin mo na minamanyak mo din yun minsan. Haha!"

"Asa kayo!" Kinuha ko yung ice cream na hawak ni Jane. Nasa kanya yung mismong lalagyan kaya kinuha ko yun at dun na mismo kumain.

"Ew! Kadiri ka naman, Mau! Ang baboy mo! Dyan ka talaga kumain?!"

"Thanks Cha... really." Nag-roll eyes ako at itinuloy pa rin yung pagkain.

"Kumusta ang figures? Model ka na the ha? Ipapaalala ko lang sayo kasi baka nakakalimutan mo ano? Seriously?"

"I don't care. Na-miss ko pagkain ng ice cream eh. Pati wala naman kaming shoot ngayon. Maghihintay na lang ako ng tawag."

"Excuse me lang ha? Paano kung may biglaan kang tawag tas iba yung katawan mo? Isipin mo din yung mga tao, baka sabihin nila na edited yung body mo sa magazine kapag pumangit yang katawan mo ano? Isip isip din pag may time please."

"Ano bang problema nyong dalawa? Pumunta ba kayo dito sa apartment ko para mang bwisit lang ha? Tss. Ewan ko sa inyo!"

"Kasi nakaka-asar ka!" sabay nilang sabi sakin. What the hell did I do?

"Kasi hindi mo sinabi na may shooting ka! Hindi mo man lang kami niyaya dun!"

"Hello?! Extra lang ako! Baka sabihin nila ang feeling ko ay may dala pa akong magugulo sa set! And we finish early. Dalawa lang naman yung scene ko." Uminom ako ng tubig. Medyo matamis kasi yung ice cream at cake. Tsk. Ang sakit naman sa lalamunan. Napadami yata yung kinain ko.

"Kahit na! Ang tagal ko na gustong makapunta sa mga ganung set eh. Sayang naman! Next time ha! Isasama mo kami."

"Oo na. At saka si Lloyd yung bida dun sa movie. Ang yabang talaga! I can't take him!"

Nagsabi ako kay Ms. Yuki na kung pwede umextra ulit ako kapag may alam siya na pwede ako. Kailangan ko talaga ng pera eh. Tapos ang tagal pa bago ulit mag shoot. Ni hindi pa nga nailalabas yung shoot namin sa Puerto.

May kumatok sa pintuan kaya kaming tatlo, ayun... sabay-sabay na nagkatitigan.

"Wait... may niyaya ka pa bang bisita dito, Mau?" Jane. Umiling ako. Lumakas yung katok kaya natakot kaming tatalo. What the hell is that?! Ito na ba yung mga nasa palabas? May kakatok tapos pagbukas mo bigla kang sasaksakin o kaya susunggaban?

MY LUKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon