Chapter 24: Goodbye?

5.3K 162 17
                                    

Nagpalakpakan kaming lahat ng ideklara ni direk na tapos na ang lahat ng scenes. Ang iba ay tumalon pa sa saya. Masaya rin ako na sa wakas ay nakatapos ako ng unang movie na kasama talaga ako at hindi lang extra. Though, kaunti lang ang scenes ko ay okay na ito sa pagiging baguhan. Nakangiti sa 'kin si Luke. Alam ko ang ngiting iyon, tila mas masaya pa siya para sa akin kaysa sa sarili niya.

"Yeah! Natapos din! Party tayo sa bahay ko. Sagot ko ang alak at pagkain!" sigaw ni Dylan. Mas lalong lumakas ang hiyawan. "Sumama ka rin direk ha! Pati kayo Cecilla at Keila. Bawal ang KJ!" Itinuro niya ang dalawa naming writers.

Umiling si Direk.

"Thank you for the hardwork guys! Pero hindi ako makakasama. May iba pa akong appointment," sabi ni direk.

"Huwag ka naman KJ, direk!" kantyaw ni Dylan.

"Sorry guys." Patawa-tawa na lang si direk sa kanila. Nakipagkulitan na rin siya sa iba pang artista. Ibang-iba si direk ngayon. Para siyang teenager na nakikipag-gaslawan.

Mayamaya ay napunta ang buong atensyon nila sa aming dalawa ni Luke. Si Jasmine lang ang hindi nakatingin dahil masama pa rin ang loob niya.

"Syempre hindi pwedeng mawala ang lovers!"

"You wanna join them?" tanong sa 'kin ni Luke.

"Hmm... ayos lang sa 'kin. Ikaw, gusto mo ba?"

"Kung anong gusto mo, 'dun ako."

Nag-convoy kami papunta sa bahay nina Dylan. Ang mga sumama ay sina Josh, Brent, Steve, Dianne, Eril, Trixie, Xander, Thrace at ang dalawa naming writers na sina Cecille at Keila. Hindi sumama si Jasmine. Alam naman ng lahat na hindi ayos si Luke at Jasmine... siguro iniisip nila na may sama ako ng loob sa kanya pero wala na sa 'kin iyon.

Nasa loob kami ng kotse ni Luke. Sa halip na kambyo ang hawakan niya ay kamay ko ang hawak niya. Bibitawan niya lang iyon kung magche-change gear siya pero agad din niya iyong ibinabalik.

"Sa tabi lang kita, maliwanag ba?"

"Pupunta lang tayo kina Dylan. Wala naman akong mapupuntahan doon. Psh."

"Kahit na. Mag-iingat ka sa mga lalaking kasama natin. Baka pormahan ka nila."

Tumawa ako. "Naririnig mo ba ang sarili mo? You're Luke Anthony Trias! Ano pa bang ikinakatakot mo? One of the hottest celebrities... and a model."

"Thank you for telling me that. Kailangan ko palang magtrabaho nang maayos para hindi mawala sa 'kin ang spotlight. Baka kapag lumaos na ako, iwan mo na ako," nakangiting sabi niya.

"Talaga! Iiwan talaga kita kapag hindi ka na sikat," pagbibiro ko. Ngumuso siya. Ramdam na ramdam ko ang pagtatampo niya dahil sa sinabi ko kaya ako na mismo ang humawak sa kamay niya. "Nagbibiro lang ako. Hindi ka malalaos sa 'kin. You're my Luke." At mabilis niya akong hinalikan sa pisngi.

"Ikaw talaga! Kapag nabangga tayo!"

Pero tumawa lang siya. Nakangiti siyang nag-drive. Hindi ko inaalis ang mga tingin ko sa kanya. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya. Ang magandang pagkakadepina ng panga niya, ang matangos niyang ilong, ang magaganda niyang mata at ang mapula niyang labi. Hanggang kailan ko ba siya mapagmamasdan ng ganito?

Pagkarating palang namin sa bahay nina Dylan ay inilabas na agad niya ang mga magaganda at ipinagmamalaki niyang alak. Maganda ang bahay nila at may malaking bar counter. Dalawa ang salas nila. Ang isa ay mukhang tanggapan ng mga pormal na pag-uusap at ang pangalawa naman ay para sa mga party na katulad ng gagawin namin ngayon.

Pinilit nila akong uminom. Ayaw ni Luke pero wala siyang nagawa dahil gusto ko. Napangiti na lang ako nang ngumuso siya sa unang lagok ko ng alak. Hell, mami-miss ko ang cute na mukha niya kapag nanguso.

MY LUKEWhere stories live. Discover now