Epilogue (The last chapter)

8.1K 221 125
  • Dedicated to CRUNCHHERS
                                    

Pinanuod namin ni Luke ang mga nagawa na niyang movie kasama ang iba't ibang artista. Nagsimula siya sa pagiging modelo hanggang sa nadiskubre siyang artista makalipas ang dalawang buwan lang.

Nakita kong malaking ang ipinagbago ni Luke base sa mga napanuod namin. Gumaling siya sa pag-arte at mas gumanda ang physical features niya.

"Hey! Ba't mo pinatay?!" sigaw ko sa kanya nang patayin niya ang T.V. gamit ang remote. Akmang kukunin ko iyon pero itinaas niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm not yet done!"

"Let's quit it. Ayokong nakikita ang mukha ko."

"Nag-artista ka pa! Ayaw mo naman palang nakikita ang sarili mong mukha."

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Masyadong perpekto pero bakit ayaw niyang makita ang mukha niya? Don't tell me nahihiya siya sa akin. Now that I mention, napapansin kong namumula ang pisngi niya at hindi makatingin sa akin ng diretso.

Napangiti ako.

"Malapit nang matapos ang contract ko."

"And?"

"And hindi na ako magre-renew ng contract." Hinawakan niya ang kamay ko. "I'll wait for you to graduate and we'll get married."

Nakita ko talaga sa mukha niya yung sobrang kasiyahan. Kung sana ay hindi pa ako mawawala sa mundong ito, ako na siguro ang pinakamasayang babae ngayon. Luke Anthony Trias wants to marry me.

"Magpapakasal ka sa akin 'di ba?"

"Gusto kong magpakasal sayo," malungkot kong sabi.

"What's with the look? You don't look sure." Mas inilapit niya ang katawan niya sa akin Hinawakan niya ang mukha ko ng dalawa niyang kamay at saka pinaglapat ang mga noo namin. "Why baby? Are you not sure of me? Kasi ako, sigurado na ako sayo. Ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.

Parang pinipiga ang puso ko sa mga sinabi niya. I also want to be with him...to marry him and be the guy I see everytime I wok up every morning.

Umiling ako.

"Sigurado na ako. Natatakot lang ako na baka masaktan kita?"

"Okay lang sa akin kung ikaw ang mananakit. Ganoon kita kamahal. Kapag nasasaktan ako dahil sayo, patunay lang iyon na mahal talaga kita."

I attacked his lips and we kissed passionately. I am crying while kissing him. Tumigil siya sa paghalik nang mabasa na ang mukha niya.

"Why are you crying?"

"Because I love you so much... I love you so so much kaya sobrang saya ko, Luke."

Ngumiti siya.

"Because you love me so damn much may sekreto akong sasabihin sayo.

"Hm? Ano iyon?"

"I am Tonton?"

Nag-isip ako sandali. Tonton? Wait...

"Tonton?! Iyong Tonton na kakilala ko nung bata pa ako? Ikaw 'yun?"

"Yes my Cassidy..."

Siya pala 'yung batang lagi kong binu-bully noon. Nakakainis siya kasi laging gusto niyang makipaglaro sa akin pagkatapos ay sasabihin niyang mahal niya ako. Ganoon na bata si Luke noon? Isang makulit, creepy stalker...at...at matabang bata?!

"Ang taba mo noon!"

Humalakhak siya.

"Sabi mo kasi hindi mo ako papakasalanan kasi mataba ako kaya nagpapayat ako. You didn't know na sobrang sama ng loob ko nang malaman na umalis na kayo sa dati niyong bahay. And now that I found you, I won't let you go."

MY LUKEWhere stories live. Discover now