Chapter 7: Loyalty

6.5K 192 9
                                    

Dedicated to: Coleen Shane Quiambao

==

Hindi ko lubos maisip kung paano ako inalok ni Lloyd ng ganun. What? E-extra ako as one of her girls sa gagawin niyang pelikula? Wala pa akong karanasan sa pag-arte at hindi ko alam kung bakit ako ang gusto niyang alukin ng bagay na iyon. Hindi ko alam ang motibo niya.

Syempre tumanggi ako. Unang-una, hindi ko siya lubos na kilala para magtiwala sa kanya kahit na isa pa siyang sikat na artista. Si Luke lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito. Sobrang sikat ba talaga siya na kahit pagpili sa gusto niyang makasama sa isang set ay magagawaan niya ng paraan?

"You okay?" nag-aalalang tanong ni Luke. Napalagok ako ng laway nang makita ang magagandang pares ng mata na talagang nakakaakit.

"Oo."

"Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo. You should eat well. Marami tayong gagawin mamaya."

"Ah sige. Pero kaunti lang kakainin ko kasi may shoot pa kami. Alam mo na... hindi naman ganun kaganda ang katawan ko kaya dapat control lang sa pagkain." Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya sa sinabi ko. May sinabi ba akong mali?

"Your body is perfect, Cassidy. Just my type." Nag-init ang pisngi ko at hindi na muling tumingin sa kanya. Ano ba ito? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Mas malala pa ito sa mga koreanong pinagpapantasyahan ko noon na hindi naman ako kilala! Pero ang isang ito... nakakausap ko at kilala pa ako! Talaga bang kaswal lang makipag-usap si Luke sa mga katulad ko?

Matapos namin kumain ay ibinigay na sa amin ag mga swim wear na amin imomodel sa white beach mamaya. Ang unang isinuot ko ay ang pulang monokini na itinatago ang pusod ko pero labas ang dalawang tagiliran. Kinakabahan ako sa gagawin kong ito pero paulit-ulit na umeecho sa taiga ko ang boses nina Jane at Cha na nagsasabing kaya ko ito.

Pagkatapos talaga ng photoshoot na ito ay pupuntahan ko si Luke. Kahit na nakakahiya ay hihingi ako ng pirma at magpapa-picture ako sa kanya. Dapat ay sinasamantala ko na ang pagkakataon ngayon na magkasama kami. Siguradong pagkatapos nito ay matagal na ulit kaming magkikita.

Nang lumabas sa mula sa cr ng kwarto namin si Kathreen ay napanganga ako sa ganda niya. Hindi na siya nakasalamin ngayon at nakasuot na lang siya ng contact lens. Suot naman niya ang kulay asul na two-piece na may chains sa gilid. Hindi na ako magtataka kung bakit pinag-aagawan siya ni Wendel at Bon. Sina Ami at Camille naman ay parehong nakasuot ng itim na swim suit na may magkaibang disenyo. Nagsuot muna kami ng robe nang makalabas kami para lagyan ng make-up sa venue.

Magkaiba ang tent ng boys sa girls models. Ang mga photographers naman ay nagtatawanan sa isang sulok pero mukhang ready na ang kanilang mga camera. Nang matapos kaming lagyan ng make-up ay binigyan kami ng sun block lotion dahil mainit daw. Matagal din kaming ma-eexpose sa araw mamaya. Naglagay na ako pero hindi ko maabot ang bandang likuran ko. Tumingin ako kay Kathreen para sana ay humingi ng tulong sa paglalagay sa aking likod pero busy pa siya sa paglalagay sa kanyang balat.

"You want help?" Nagulat ako nang nasa tabi ko na pala ang lalaking assistant ni Luke. May kaliitan siya kumpara sa ibang lalaking nandito. Naiilang ako sa mga titig niya. Hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako sa kanya. "Pansin kong nahihirapan kang ilagay ang lotion sa likod mo. Gusto mo bang ako na ang maglagay para sayo?"

"Ha? Ano... hindi na kailangan. Kaya ko na."

"Huwag ka nang mahiya sakin." Kinuha na niya ang lotion sa kamay ko. Natakot ako kaya napaatras ako sa kanya.

"What're you doin' Carl?" Pareho kaming nagulat ni Carl nang lumapit sa amin si Luke. Nandito na siya ngayon sa tent namin na mga girls. Pansin ko ang pagtitig ng mga babae sa kanyang katawan. Naka swimming shorts lang siya at walang saplot na kahit ano ang kanyang katawan kaya nakita ko na naman ang kanyang jaw dropping abs. Para siyang Diyos na humahalina sa bawat babaeng kanyang nadadaanan ng walang ka-effort-effort. "Is there something wrong, Cassidy?" Napalis ang tingin ko sa kanyang katawan nang magtanong siya. Pabalik-balik ang tingin niya sa amin ng personal assistant niya.

MY LUKEWhere stories live. Discover now