Chapter 1: The Princess Met The Stranger

5.6K 60 6
                                    

            Prinsesa kung ituring sa isang sikat at maunlad na bayan. Nagmula sa isang prominenteng pamilya ng mga pulitiko. Hinahangaan dahil sa aking kagandahan.

Katamtaman ang tangkad,

may bilugang mga mata,

makinang na buhok na hanggang balikat,

mahabang pilikmata,

slim na katawan,

makinis at maputing kutis

at sosyal kung manamit.

Ganito mo mailalarawan si Kisha Annabeth Tan. Lady Kisha kung tawagin ng karamihan. Ngunit sa kabila ng mala-perpektong kagandahan, hindi alam ng nakararami na ang kanilang kinikilalang prinsesa ay puno ng katamaran, pasaway at may angking katigasan ng ulo.

_Sa mansion_

            “Ayoko nyan! Wala ba kayong ibang makita? Ang babaduy ng taste nyo! Sinisira nyo ang araw ko!” Wala ng nagbago sa simula ng araw ni Kisha. As usual, nasigawan na naman nya ang kanyang mga katulong.

”Simpleng pagpili lang ng isusuot ko hindi nyo pa magawa ng ayos! kainis!” Biglang may kumatok sa pintuan.

“KIsha!” sigaw ng kanyang Dadi.

“Yes Dadi?”, pasweet naman niyang sagot.

“Bilisan mo dyan. Mahuhuli ka na naman. Lagi na lamang iyon ang sumbong sa akin ng president ng school!”

“Yes Dad. Promise magmula ngayon ‘di na ko magpapalate.” mahinang sagot niya habang nakayuko ang ulo. V_V

“Hay nako! Ayan ka na naman sa mga pangako mo. Kisha! Magpakatino ka naman please lang! ‘Pag nalaman ng buong bayan ang ugali mong ‘yan, masisira ang imahe ko bilang Mayor ng Bayan ng Sta.Clara!”

 

“Opo”, pabulong niyang sagot. Kitang kita ni Kisha na may galit sa mga mata ng kanyang ama habang tumalikod ito at bumaba sa hagdanan. Ito ang dahilan upang araw-araw niyang isipin na hanggang sa ngayon ay sinisisi siya ng kanyang ama sa pagkamatay ng kanyang ina. Namatay kasi ito sa panganganak sa kanya.

Pagkatapos magbihis ni Kisha ay bumaba na siya upang mag almusal. “Nasan si Dadi?”, tanong niya kay Manang Rosa na kanilang mayordoma.

“Mahagang pumasok sa Munisipyo. Indi na nga nag-almusal.”, sagot ng matanda habang naghahanda ng pagkain.

“Ganun ba? Pati ba naman sa breakfast hindi ko siya makasama.” pabulong niyang sagot. Batid sa mga mata ng dalaga ang lungkot habang nakanguso.

“hO sya, hanu pang iniintay mo dyan, mekeni, humupo ka na at mangan ta na.”, paanyaya ng matanda habang hawak ang mga balikat ng dalaga at pinapaupo.

“Wala na kong gana, papasok na ko.” Hindi na nya pinansin ang pagpupumilit ni Manang Rosa at nagmamadaling lumabas ng mansion.

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingWhere stories live. Discover now