Chapter 5: The Princess Got a Slave

2.3K 28 1
                                    

Tila nanibago si Randel sa bago nitong environment kaya hindi madapuan ng antok. Sakto namang hindi mapakali si Mang Ben sa kabilang kama at tila hindi rin makatulog.

“Mang Ben, ganun ho ba talaga yung babaeng yun. . . .este si Lady Kisha?”, curious ang binata tungkol sa dalaga.

“Oo ganun na talaga siya simula nung bata pa.”

“Pinanganak pala talagang maldita.”

“PEro kahit ganun yun. Hindi ko makuhang magalit sa batang yun. Nauuna yung awa sakin. Nasubaybayan ko ang paglaki ng batang iyan. Mula ng mamatay ang mami niya sa panganganak sa kanya, nawalan na ng oras sa pamilya si Mayor at puro pulitika na lang ang inatupag. Lumaki tuloy si Lady Kisha na kulang sa atensyon at para bagang ulilang lubos. Kaya sana mapagpasensyahan mo siya.”, halata kay Mang Ben na napamahal na sa kanya ang prinsesa.

“Ah ganon ho ba? Kahit pala lumaki ka sa pamilyang mapera at tanyag, hindi ka pa rin lubusang maligaya.”

“Bakit ikaw? anu bang pamilya ang kinalakihan mo?”

Biglang natahimik ang kapaligiran. Nahalata ni Mang Ben na ayaw ng binata na mapag-usapan ang tungkol sa kanyang pamilya.

“Oh sya, Matulog na tayo at alas-sais ng umaga ang gising ng lahat ng tauhan sa mansion.”

“Ah oho.” ngunit sa kalaliman ng gabi ay hindi nakatulog ang binata sa lalim ng iniisip.

Kinaumagahan ay araw ng sabado. Nagmamadaling maligo at magsuot ng damit si Randel. Late na kasi nagising.

Lagot. Kabago bago ko tinanghali ako ng gising. bakit ba kasi hindi agad ako nakatulog.

Tapos na siyang magbihis ng dumating si Mang Ben.

“Oh iho wag ka ng magmadali at walang pasok ngayon si Lady Kisha. Pero sa susunod dapat gumising ka na ng maaga.” sermon ni mang ben,

“oho. pasensya na ho.”

“Sandali lang iho. Marunong ka ba mag-drive?”

“Oho bakit po?” tanong ng binata.

“Mabuti naman. Eh tinanggal na kasi ni Mayor yung driver niya eh ako ang ipinalit. Kaya ikaw na rin ang magmamaneho para kay Lady Kisha.”

“Ah wala hong problema.”

“Sana nga walang maging problema.” dasal ng matanda.

Tok .. Tok.. Tok…

Binuksan nila ang pinto at isang katulong ang napag-utusan.

“Officer Ramirez, pinapatawag po kayo ni Lady Kisha, kanina pa daw po siya naghihintay sa hardin.”

Nagkatinginan si Mang ben at Randel. At dali daling nagtungo ang binata.

******************

Mag-isa sa hardin si Kisha. Nakasuot ito ng damit na panlakad. FASHIONISTA!

Inip na inip ang prinsesa sa paghihintay habang nakaupo sa gilid ng kanilang fountain.

“Asar talaga. Paghitayin daw ba ko. Kainis!! Humanda ka pagdating mo dito.” >_<

At may tumawag sa dalaga.

“Lady Kisha!!” , hingal na hingal ang binata sa pagtakbo. Nang mahabol na niya ang kanyang hininga ay tumayo ito ng tuwid.

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingWhere stories live. Discover now