Chapter 23: A Gift to Thank You, Stranger

1.6K 13 2
                                    

**flashback**

Kakaalis lang nila Kisha para magsimba. Mag-isa lang si Randel sa kwarto. Nakahiga sa kama at nagpapahinga. Nakatulala sa kisame at ngumingiti mag-isa.

"Nakakatuwa talaga yung babaeng yun."

Biglang nag-iba ang mood ng binata at napasimangot.

"Teka nga. Ano naman kaya pumasok sa isip ng babaeng yun at gusto nyang malaman ang buong pagkatao ko. Hmm? Buti na nga lang at nalusutan ko yun. Kailangan kong mag-ingat. Ngayon palang nagliliwanag ang aking mga plano. Walang sinuman ang pwedeng sumira sa aking mga plano. ."

Tok Tok Tok

0.0??? <----- Randel

Sino naman kaya toh?

Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang guard ng mansion.

"Officer Ramirez may naghahanap po sa inyo sa labas."

"Ha? Sino naman daw ho?"

"Eh mga kaibigan nyo daw po sila. Tatlong lalaki."

0.0 <-----Randel

Hala? Anong ginagawa nila dito? Patay. Nandyan na ang mga panira sa plano ko.

Agad na pinuntahan ni Randel ang tatlo na naghihintay sa labas ng gate. Natanaw naman sya ni Manang Rosa at pinagmasdan nang maigi.

Malapit lapit na sya ng matanaw ang tatlo. Kinawayan naman sya ng mga ito habang nakangiti.

Nilapitan nya agad ang mga ito.

"Anong ginagawa nyo dito?"

"Wala naman, nangangamusta lang kami. Hindi mo manlang ba kami papatuluyin?", sabi ng matabang boss.

Napatingin si Randel sa bodyguard na nasa likuran lang nya. Sabay balik rin ng paningin sa tatlo.

"Ah mabuti pa sa ibang lugar na lang tayo mag-usap. Sagot ko."

"Ayos. Wohoo.haha." tugon ng tatlo habang tuwang tuwa.

Sabay baling ng atensyon ni Randel sa guard.

"Ah Manong, pakisabi naman po kay Manang Rosa na sabihin kay Lady Kisha, wag na nya akong hintayin at baka gabihin ako, matulog na lang sya ng maaga at may pasok pa bukas."

"Oh sige officer Ramirez."

0.0<---- Tatlong bugok

"Boss narinig mo? Officer daw? Bigatin na tong si Ramirez." pagkamangha ng bansot.

"Oo nga. At balak pa tayong ilibre sa labas boss." dagdag ng payatot.

"Sabi na eh. Hindi tayo nagkamali sa pagtulong sa kanya. Ang galing ko talaga. hahaha. " pagmamayabang ng matabang boss.

"Ah mabuti pa saka na tayo magkwentuhan. Tara na. "

Pagdating sa Bar, nag-uunahan pa sa pag-order ang tatlo.

Habang nag-iinuman silang apat sa isang table, di pa rin mawala sa matabang boss ang pagkabilib kay Randel.

"Bigatin ka na talaga Randel, dati mahirap ka pa sa daga. Halos binenta mo na lahat ng pag-aari mo,pati bahay nyo, para lang makabayad ka sa inutang mo samin na ginamit mo sa . . . ."

"Tama na! Wag mo ng paalala. Ah eh. Ang importante mababayaran ko din kayo."

"Hahaha. Oo nga naman. Hahaha."

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingWhere stories live. Discover now