Chapter 26: Randel Vs. Kisha

1.5K 14 9
                                    

Dahil sa walang magawa, minabuti nalang ni Randel na tulungan si Aling Mila sa pagpapakain ng mga alagang baboy. Pagkatapos ay agad nitong hinanap si kisha para masigurong wala na naman itong ginagawang kalokohan.

Una nyang pinuntahan ang kusina pero wala ang prinsesa, sunod nyang tinungo ang kwartong tinutuluyan pero wala din doon si Kisha.

"Hay. Asan na kaya yung babaeng yun. Teka nga. Hindi kaya tinataguan ako nun? Para mag-alala ako. Akala naman nya madadala ako sa ganun. Hmf. Hay. Asar ha. Asan kaya yun, baka napano na yun, baka may nangyaring hindi maganda, baka sumama sa kung sinong tao na hindi nya kakilala. Hay. Nag-aalala na---. Ahm. Hindi noh, bakit naman ako mag-aalala dun, malaki na yun. Hmf. Makalabas na nga lang."

Pagdating nya sa labas dinatnan nya si Mang Ben na nakaupo sa isang pahabang upuan na gawa sa kawayan.

"Oh officer Ramirez, nandyan ka pala."

"Randel nalang po, wala naman po tayo sa mansion. Ahm, ah eh, nakita nyo ho ba si kish---, lady kisha? Kanina ko pa po kasi hinahanap eh."

"Ah. Si lady kisha ba, ayun oh."

Sabay turo kay kisha na kasama ang dalawang bata.

"Ahh. Naglalaro lang pa--, huh? Naglalaro???" 0_0

"Ahaha. Nakita nya kasi yung dalawang bata na naglalaro ng piko, ayun, naintriga na kung ano yung larong piko.haha. Hayaan mo na muna syang maglibang at maupo ka muna at magrelax."

Naupo naman agad si Randel habang pinagmamasdan si kisha na tuwang tuwa sa pakikipaglaro sa mga bata.

"Hay. Para namang bata, naglalaropa ng piko, sa bagay bata pa nga pala sya, isip BATA."

"Hahaha. Pero hindi ko sya masisisi kung bakit hanggang ngayon, ganyan pa rin ang prinsesa namin."

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Lumaki kasi syang walang kalaro, walang kapatid, walang alam sa mga larong pambata. Lagi lang syang nakakulong sa mansion, lagi lang mag-isa. Kaya masaya ako ngayon na nakikita syang ganyan kasaya."

"Hay. Kahit mahirap lang ako, masasabi ko pa rin na kumpleto ang pagkabata ko dahil punung puno ako ngayon ng masasayang ala-ala ng aking pagkabata."

"Haha. Tama ka Randel. Hindi kayamanan ang makakapagpasaya sa isang tao, kundi ang mga masasayang ala-ala na bumuo at bumubuo sa kanyang pagkatao. Ang hirap sa mga kabataan ngayon, nagmamadaling yumaman. Todo kayod sa pagtatrabaho, pagdating ng araw na mayaman na at tumanda na sila, saka lang sila manghihinayang at magsisisi at maiisip na nasayang pala ang mga araw na lumipas ng hindi manlang sila nakabuo ng mga masasayang ala-ala kasama ang kanilang pamilya."

"Ahm. Kayo ho ba Mang Ben? May pinagsisisihan ho ba kayo?"

"Hindi ko masabi randel. Siguro nga meron. Lumaki kasi ang mga anak ko na malayo ang loob sakin. Lagi kasi akong wala. Hanggang sa ngayon, malalayo pa rin ang loob nila sakin. Kaya nga gusto ko sanang bumawi sa mga apo ko. Ayokong malayo din ang loob nila sa kanilang lolo. Kaunti na lang ang itatagal ko sa mundo. Gusto ko ng ibigay ang mga nalalabing oras ko sa piling ng aking pamilya."

"Pero hindi nyo ho magawa dahil sa katapatan ninyo sa pamilya ni lady kisha."

"Oo, ganun na nga. Hindi ko magawang umalis at iwanan na lang basta basta ang 40taon na pinagsamahan ko at ng pamilya ni lady kisha."

"Kaya ho ba kahit may malawak na bukirin na kayo. Nanatili pa rin kayong tapat sa pamilya nila.?"

"Ang bukirin na toh at ang lahat ng nandito, naipundar ko dahil sa pagtatrabaho ko at sa tulong na rin ng kanilang pamilya. Malaki talaga ang utang na loob ko sa kanila. Kaya hihintayin ko na lang siguro na sila na ang magtanggal sakin. Hindi naman na siguro magtatagal yun dahil matanda na rin ako."

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingWhere stories live. Discover now