Chapter 4: Start of a Royal Rumble

2.3K 27 3
                                    

Isang opisina ang tambayan ng tatlong gahaman. Puntahan ito ng mga nangangailangan ng pera at nais mangutang. Ngunit kung sakaling kapusin ka ng pera, ‘wag mong tangkain na sa kanila lumapit dahil 300% ang tubo nito sa loob ng isang taon  at marami sa kanilang nabiktima, imbis na guminhawa ay lalong nagdusa.

“Boss epektib kaya yung plano ni Ramirez?” tnong ng may sayad.

Sumabat naman ang payat habang minamasahe ang boss.

“Siguro naman noh. Buwis buhay tayo dun. Kahit buong hapon tayo nagpraktis sumakit pa rin katawan ko.”

“Ha? Hindi naman masakit ah?” pagdududa ng may sayad.

“PAno pinitik ka lang.BWISET!! Gusto lang ata gumanti satin nun eh. tinotoo ba naman yung paghagis sakin.”

Sinegundahan ito ng boss. “Oo nga eh. Parang totoo nga yung pagkakasuntok nya sakin.” sabay hawak sa putok niyang nguso. “Ok lang!! Isang milyon yun!!! Isang milyon!!!hahaha.”

“Pero sigurado ba kayo na tutupad yun sa usapan?” paninigurado ng may sayad.

“Oo, kilala ko yung taong yun. kahit manloloko may isang salita pa rin..”

****************** 

_SA MANSION_

“Teka lang dadi? ITO? Bodyguard ko?” sabay turo kay Randel. “Eh mukang snatcher to eh.” pamimintas ng prinsesa.

 Wow. Kala mo kung sino makapagsalita tong babaeng toh. Tignan mo naman ang itsura nya ngayon kesa sakin.

Tinitigan naman siya ni Randel mula paa hanggang ulo. Pagkatapos ay ngumiti.

^_^

“Wala na tayong dapat pag usapan. Napag-usapan na namin ni Officer Ramirez lahat lahat.” sabay talikod ng Mayor at pumasok ng mansion.

Nanlilisik ang mga mata ng dalaga habang masama ang tingin kay Randel.

“I will never let this happen!!” pagsisigurado ng dalaga. Nagmamadaling lumakad si Kisha papasok ng mapahinto dahil tinawag sya ni Randel.

“Teka lang Lady Kisha.”

Lumingon ito at iritang irita ang itsura habang nakataas pa ang isang kilay at nakanguso.

“What???”

“Nakalimutan mo kasing tanggalin ang name tag mo sa likod.”  ^_^ wika ng binata habang pinipigilan ang pagtawa.

Hindi nagets ni Kisha ang sinabi ng binata.

“Whatever!!!”, sabay pasok sa mansion at diretso sa kwarto.

PAgdating sa kwarto, diretso agad sa salamin ang dalaga. Nakita nya kung gaano ka messy ang kanyang itsura.

Muli na namang bumalik sa ala-ala ng prinsesa kung paano siya naghirap sa paglilinis ng kanilang classroom, at nagdurusa siya ngayon ng dahil sa kanyang mortal enemy.

BAlik na naman sa hobby ang prinsesa. Ang kausapin ang sarili sa salamin.

“Nakakainis talaga yung lalaking yun. Ang kapal ng mukha, matapos niya akong bastusin siya pa may ganang manakot na isusumbong ako kay dadi. Makikita niya. Magagawa ko ring papayagin si Dadi na paalisin siya sa Mansion.”

Naghubad na ng kanyang damit si Kisha ng mapansin niyang may nakasulat sa likuran ng kanyang puting damit.

“akalaP gnasesnirP??????”

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora