chapter 18: Goodbye Stranger????

1.6K 16 1
                                    

"Oo! Ano naman masama diba?"

"Dinala mo ko sa isang kanderiya?"

"Ang tawag dyan KARINDERYA!"

"Whatever! Ano gagawin natin dyan?"

"Ano pa. Edi kakaen."

"What? No way. Baka sumakit pa tyan ko dyan nuh. Ang alam ko lahat ng luto sa ganyan pangat na."

"Anong pangat?"

"PANGATLONG INIT. Duhh?"

"Ahh. Ibahin mo ang karinderya ni Nanay Lita. 24/7 yata toh bukas. Kaya kahit gabi na bagong luto pa rin ang mga putahe."

"Pero. Never pa ko kumaen sa ganyan eh. Baka samain yung tiyan ko."

"Alam ko. Kaya nga sabi ko diba, ako magbibigay sayo ng first time mo. Tsaka may dahilan kung bakit dito kita dinala."

"Ano?"

"Kasi. Da best dito ang paborito mong inihaw na manok. Specialty nila dito yun."

"Ahh. Ito na yung sinasabi mong papaligayahin mo ko?"

"Huh? Hindi ka ba masaya na makakakain ka ng paborito mong pagkain? Ano ba naiisip mo sa salitang papaligayahin kita?"

"Ah wala! Andami mo pang satsat tara na. Teka! Libre mo toh ah!"

"Oo libre ko. Tara."

******************

Habang kumakain, hindi na napigilan pa ni Randel na magtanong ang dahilan ng pag eemote ni Kisha.

"Ano ba talaga nangyari huh?"

"Hay. Ayoko ng maalala."

"Eh pano naman kita maiintindihan kung hindi ko alam yung dahilan diba?"

"Hay. Oo na. Yung sa letter nga."

"Oh? Anong tungkol sa sulat?"

"Yung sulat nga na pinagpuyatan ko. Pagkatapos nyang basahin, nilukot at tinapon nya lang."

"Ahh."

"Ahh? Yun lang ang reaksyon mo? Ako maghapon ko yung iniyakan tapos ikaw, ahh lang?"

"Ano naman gusto mong sabiin ko?"

"Gusto kong sabihin mo na ang sama-sama nya. Na wala syang kwenta. Na hindi sya gentleman. Na hindi sya tunay na lalake. Na. . .na. . .na lahat na!"

"Ahh. Eh mahal mo pa ba?"

Natahimik ang prinsesa.

"Hay. Oo eh. Kaya nga ko nasasaktan ng ganito diba?"

"Yun naman pala eh. Edi isipin mo na lang na hindi nya alam na sayo pala yun nanggaling. Na akala nya sa mga mabababang lipad na babae lang yung nagmula. Na kung nalaman nyang sayo pala yun nagmula eh baka kabaliktaran yung ginawa nya dun."

Nagtwinkle ang mga mata ni Kisha.

"Sa palagay mo posible yun?"*_*

"Oo naman. Kaya wag mo muna syang pag-isipan ng masama."

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon