Chapter 8: The Revenge of the Stranger

2K 24 4
                                    

“Arrgh. Randel teka lang. Anung pinagsasasabi mo. Tandaan mo, nandito ka para sa isang misyon. Hindi ka pwedeng mahulog sa kanya. At isa pa, itsura lang ang maganda sa kanya, ugali nun maitim pa sa burak.” at napabuntong hininga ang binata habang patuloy na pinagmamasdan ang bintana sa kwarto ni Kisha.

__KINAUMAGAHAN__

Alas-6 palang ay pumasok na si Randel sa loob ng mansion. Inabutan nya doon si manang Rosa na naghahanda ng almusal.

“Manang, nasaan po si Lady Kisha?”

“Naku, indi pa nga gumigising. Lagot na naman yun sa dadi nya pag nalate na naman sya.”

“Eh bakit hindi nyo ho ginigising?”

“Naku indi mo kabisado hugali ng alaga ko. Pag yun ginising mo, nakow! Totoyoin yun hat magwawala.”

“Kaya ho pala hindi tumutino eh. Sya lagi ang nasusunod. Ako na ho ang bahala.”

“Te.. teka teka. Hanung gagawin mo.!!??”

Hindi na pinansin ni Randel ang pagpigil ni Manang Rosa at umakyat agad ito sa kwarto ni Kisha. Doon ay inabutan niya ang prinsesa na nakabulagta pa sa kama. Ginising nya agad ito.

“Hoy! Gising na. Malelate ka na sa school.”

Hindi manlang natinag ang dalaga.

.

.

.

Kruh! Kruh! Kruh!

.

.

.

“Aba, Ayaw mo talagang gumising huh?”

Niyugyog ni Randel si Kisha ng buong pwersa habang sinisigawan.

“HOY! HOY! HOY! Gising na malelate ka na!”

“Hmmmm. Hmmmm.” at napadilat si Kisha at nakita si Randel. “Anu ba? IStorbo ka. Ang ganda ganda ng panaginip ko eh. Hmmm. Hmmm. Pj………… Pj………” habang yakap yakap ng mahigpit ang unan. Halata sa dalaga na wala pa sa ulirat.

“Ahh istorbo pala huh?” Sabay hinatak ni Randel ang yakap yakap na unan ni Kisha na ikinagulat nito.

“Tama na ang pagpapantasya. Kawawa naman yung unan oh. Puro tulo na ng laway mo.”

“Anu ba? Sino nagbigay sayo ng karapatan na gisingin ako?” halatang tinotoyo na si Kisha.

“Aba pasalamat ka nga ginising pa kita kundi baka binangungot ka na. Puro ka Pj…….. Pj….. Mwah mwah. ..tsup… tsup..” pang aasar ni Randel habang ginagaya si Kisha kung paano niya niyayakap yung unan.

“I hate you! Kainis ka! Get out of my room.” sabay hagis ng unan ni Kisha kay Randel.

Nasalo naman ito ng binata.

“Hindi ako aalis hanggang hindi ka pa bumabangon. Malelate ka na oh!”

Natauhan ang dalaga. Naisip niya na may pasok nga pala at lagot na naman siya pag na-late pa siya.

“Teka anong oras na ba huh?” tanong ni Kisha kay Randel.

“6:15 na oh. Maligo ka na para makapag-almusal ka pa.”

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingOnde as histórias ganham vida. Descobre agora